Chapter 20

49 2 0
                                    

Niyaya ako ni Leo na samahan sya sa Rocket bar. Ang kulit nya ng sabihin kong ayoko. Pagkatapos ba naman ng nangyare sinong gusto ang magpakasaya.

Oo. Nasasaktan pa rin ako aaminin ko yun. Parang bigla akong nanliit dahil hindi man lang hinintay ni Dylan na mag explain ako.

Yes. He said na nakita nya raw lahat. Lahat talaga? Ang sakit ang sakit sakit na inaasahan mo na baka ikaw yung kampihan.

Yan nanaman kasi tayo eh. ASA yan na ata ang pinakamasakit na salita sa mundong ito ang umasa sa wala.


"Hooooy ano na Amberang"

Nagitla ako ng biglang kurutin ni Leo ang mga pisngi ko.


"Tulala ka na dyan. Masyado mo naman atang dinidib yung sinabi ko. Hahaha ano pwede na ba?"


"Leche ka! Umalis ka na nga. Ayoko ngang sumama."


"Ito naman di na mabiro. Bilis tara na nga. Kesa dibdibin mo yang ex mo sumama ka nalang sakin."

"Excuse me. Hindi ko sya ex. Saka ba't ba ang kulit mo?"

"Kasi nga wala akong kasama."

Yun lang? Kasi wala syang kasama. Wow hah ano to option? Okay ang drama ko na. Alam ko naman na kahit ilang beses ko iapaintindi sakanya na ayokong sumama pipilitin nya pa rin ako hangang sa pumayag na ako.

"May magagawa pa ba ako?"


Bigal namang lumiwanag yung mukha nya. At ginulo ang buhok ko.

"Sabi ko na nga ba, hindi mo talaga ako matitiis." Sabay wink nya saakin.

~Rocket Bar~

Marami rami ang tao sa Rocket Bar. Ito yung m favorite hangout place namin ng barkadahan hindi sya yung tipong bar na maraming ilaw na masakit sa mata. May part namam na meron pero hindi lahat at may place rin na pwede kayo maglaro ng board games.

"Tara na Amberang doon tayo"

Tumango lang ako kay Leo medyo wala talaga akong gana ngayong araw na ito.

Nang makaupo na kami ni Leo, pinipilit nya namang pangitiin ako pero wala talaga ako sa mood.

Magpapaalam na sana ako kay Leo nang bigla syang tumayo. At kinuha yung kamay ko.

"Tara Ambs"

Papunta kami sa dalawang lalake na nakatalikod saamin. Nang malapit na kami. Bigla akong kinabahan kasi mukhang pamilyar ang likod nya ng isang lalake.

Omg. Omg. Please no.

"Pare!?"

"Leo! Pre. Kumusta kana?"

"Long time no see Kevin! Okay naman gwapo pa rin"

Nang biglang humarap saamin yung isa pang lalake. Psh.

"Pare meet my cousin Dylan."

Nagtanguan naman ang dalawa at parang ang awkward na kasi alam nga ni Leo di ba. Kung pwede lang hatakin ko sya palabas gagawin ko na.

Pero ang bad naman ata nun. Biglang sinipat ni Dylan yung hawak hawak na kamay ni Leo. Biglang parang nagdilim yung mga mata nya.

Hindi na lang ako umimik nang patuloy na magusap ang dalawa. Mukahang mahaba to. Zz

"Hindi ka ba informed?"

"Saan?"

"Reunion natin pare nasa taas sila kaya lang naman ako bumaba rito kasi mag isa si Dylan. Ayaw ko naman iwan kasi baka malasing."

"Don't mind me." Sabay inum nya nung baso na may alak na hawak hawak nya.

"Tara na pare sumama kana sa taas. Iiwan ko naman talaga to si Dylan. Broken hearted ata kaya ganyan yan."

"Di ba Lan? Hahaha" sabay tapik tapik nung Kevin sa balikat nya.

Okay para na akong timang dito. Hello andito ako.

"Oh by the way Kevs. This is Amber."

"Naks girlfriend mo? Ganda ah. Hi Amber."

"Hi"

"Hahahahaha malapit na kevs wag kang magalala."

Shemay biglang binagsak ni Dylan yung hawak hawak na baso nya sabay tawag sa waiter upang bigyan sya ulit ng inumin.

Parang wala lang naman kila Kevs ang nangyare.

"Oh ano na pare? Tara na sa taas?"

"Let's go Ambs."

Bigla ko namang binawi yung kamay ko kay Leo. Kasi alam ko naman na hindi nya ako iiwan pero ang pumunta sa itaas ayoko nga ma oop lang ako dun. Mas mabuti na lang na mag stay nalang ako sa table namin.

"Sige na Leo maiwan nalang ako dito. Balik nalang ako sa table natin. Hintayin kita."

"No. Hindi kita iiwan dito."

"Tigas nanaman ng ulo mo. Sige na nga I"m okay I'll call you if may problem ako nasa taas ka lang namam dito lang ako sa baba promise."

"Hindi nga pwede baka kung anong mangyare sayo."

"Ako na bahala sakanya."

Sabay sabay naman kaming tatlo tumingin kay Dylan. Ang weird talaga nito bigla nalang magsasalita.

"Oh tara na pare nandyan naman si Lan hindi nya pababayaan si Amber."

"Are you sure?"

Mukhang ayaw pa rin ni Leo na umalis. Pero inassure ko sya.

"Oo nga ang kulit. Minsan lang kayo mag reunion. Saka mas pipiliin ko talagang magstay dito kesa pumunta sa taas ayoko ngang maging gate crasher."

"Okay I"ll be quick stay here. Mag hi hi lang ako sa kanila."

Tumango ako sabay kiss nya sa noo ko. Hinila naman sya ni Kevin pataas.

"So that's your boyfriend huh?"

I smell jealousy here. Pero asa naman ako diba?

"None of your business." Sabay paglakad ko sana palayo.

Nabigla ako nang hawakan nya ang mga braso ko.

"You. Stay. Here." Tinignan ko naman sya ng matalim wow for what? Para sabihing ako ang may kasalan kaya nasaktan si Claire?

"Bitiwan mo ako."

"Not unless you sit there" sabay nguso nya sa katabi nyang stool na upuan.

Ang cute nya omg. Ng ngumuso sya para syang bata. Haha omg why I am thinking this. Erase erase.

Kesa naman para kaming tanga dito na sya nakakapit lang sa braso ko at ako naman ay parang nag ta'tug of war ay napag desisyunan ko na umupo nalang sa katabi nya.


Bigla naman syang yumuko at inikot ikot yung baso nya samatalang ako nag panggap nalang na busy sa cellphone ko. Nang bigla syang magsalita.

"Why is it so easy for you to forget eveything about me?"




~~~~

Omg. Sa wakas nakaupdate na rin. Been a year. Sorry guys busy sa school. I hope you still read my story. Ingat

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon