Chapter 51

20 2 4
                                    

Chapter 51

DYLAN

"Anong nangyayari? Bakit aalis na kayo? Mamaya na! Nagkakasiyahan pa tayo!" Sabi ko sa kanila, dahil halos sabay sabay silang nag sitayuan sa kanilang inuupuan ng matapos sabihin ni Claire na kami na.

Kami na nga, maiintindihan naman nila ako sa gusto ko, hindi yung pinipilit nila ako sa isang babaeng matagal ko ng pilit na kinakalimutan at ayaw ko na syang maging parte pa ulit ng buhay ko, kahit na hindi ko mapigilan na may kakaiba na akong nararamdaman sa kanya at ayokong mabuhay ulit iyon.

"Tol, emergency, tungkol ito kay Amber, huwag mo ng pigilan ang mga kaibigan natin." ~Tapik saakin ni Lance na halata ko naman na disappointed sya sa narinig nya kanina.

Nakita kong lumapit saakin bigla ang nagpupuyos na mukha ni Mae, halatang halata sa mukha nya ang galit.

"Tang*na ka! Alam ko at naiintindihan namin na wala kang naalala, pero sana kahit papaano marunong kang makiramdam Dylan!" Galit na sabi nya saakin, halos lahat ng kaibigan ko ay nasa amin ang atensyon. Bakit ba paran halos lahat sa kanila ay galit sa naging desisyon ko?

"Makiramdam?! Anong gusto mong gawin ko? Kasi pinipilit nyo yang kaibigan nyo saakin, eh sa wala akong pakialam sa kanya, dapat ba kapag gagawa ako ng desisyon iisipin ko sya?" Hindi ko na din maiwasan na tumaas ang boses ko, naririndi na rin ako sa paulit ulit nilang pamimilit saakin kay Amber.

"Kung bakit ba naman gago kang may amnesia! Eh bakit um-oo ka pa na magpapakita ka kay Amber kung hindi ka naman pala tutupad, sana sinabi mo nalang na hindi ka pupunta para hindi na naghantay yung tao!"

"Oo sinabi kong pupunta ako pero hindi ko naman sinabing maghantay sya hangang ganitong oras."

PAK! Sinampal nya ako, ramdam ko ang sakit galing sa palad nya. Alam ko gago ako, at dapat lang yun saakin. Saka ko lang din naalala na may usapan kami ni Amber, ang usapan naming ay alas kwatro, ng maalala ko yun ay bandang alas otso na ng gabi kaya akala ko ay hindi naman iyon masyadong importante, at pwede pang ipagpabukas.

"EH MALAKING GAGO KA PALA TALAGA EH! Hindi namin sya pinipilit sayo, kung yun ang tingin mo! tinutulungan ka lang namin na kahit papaano ay maalala mo sya. Kung ako lang Dylan? Ni anino mo ayaw ko ng makalapit ka pa kay Amber."

Natigilan naman ako sa sinabi nya saakin, oo nakikita ko ang lahat na ginagawa ni Amber saakin, pero pilit ko iyon binabalewala, kasi matagal ko ng gusto syang makalimutan, dapat ay galit at poot lang maramdaman ko sa babaeng iyon dahil iniwan nya ako noon. Pero kahit ganon ay hindi ko maiwasang magalala.

"Sasama ako sainyo." Hindi ko alam kung saang banda ko kinuha yan, at nasabi ko nalang iyon sa kanila. Nakokonsensya rin ako at hindi ako nakapunta.

"Huwag na! Hindi ka namin kailangan! Magpakasaya ka sa girlfriend mo!" Sabi saakin ni Mae sabay talikod nya at umalis ng bahay.

"Gago ka talaga!" ~ Sabi saakin ni Shaine bago nya ako nilampasan at tinabig pa ang balikat ko.

"Huwag kang mag alala Dylan, sa oras na masigurado namin na okay si Amber, kami na ang gagawa ng paraan para hindi na sya lumapit pa sayo." Sabi naman saakin ni Lai, sabay sunod rin ng iba sa kanya paalis ng bahay.

Hindi ko alam kung bakit may dumaan na sakit ng marinig ko sa kanya na ilalayo saakin si Amber, kahit naririndi ako sa presensya nya, aaminin ko kapag hindi ko sya nakikita parang may kulang. Nagsialsian halos lahat ng babaeng kaibigan ko, masasama at matatalim ang tingin ang iginawad nila saakin.

Naiwan kami nila Lance, Jerick at Patrick sa may pintuan habang tinatanaw ang papaalis na mga kotse ng babae sa labas ng aming bahay.

"Tol sana huwag mo tong pagsisihan." Narinig kong sabi saakin ni Jerick, tinignan ko naman sya at parang sobra syang disappointed sa nagawa ko.

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon