Chapter 60 Final Chapter

21 2 0
                                    

AMBER

Late na akong nakapasok sa opisina dahil ramdam na ramdam ko ang panghihina ko, halos dalawang oras lang akong nakatulog dahil sa pagiyak ko. Hindi ako makatulog sa lahat ng emosyon na nararamdaman ko.

“Good Morning Ms. Amber!” Masiglang bati saakin ng staff ko, pero ngumiti lang ako ng tipid.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa iba ko pang trabaho ng may kumatok sa pinto at sumungaw doon si Trevor.

“Can I come in?” Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Nakokonsensya naman ako dahil parang iniwan ko siya sa ere kahapon.

“Trev, I am so sorry about what happened yesterday.” Hinging paumanhin ko sa kanya.

“No need to be sorry Amber, ako ang dapat humingi ng sorry sayo. Hindi dapat kita binibigla.”

“But. . . Trev, I thinks it’s not the right time for me to fall inlove again.” Pagaamin ko na kay Trevor dahil ayoko siyang paasahin pa sa isang bagay na hindi ko naman kayang ibigay.

“I understand Amber. No need to worry. Basta nandito lang ako parati sayo. I won’t leave you.” Sabay lapit niya saakin at pinatayo ako at niyakap ng mahigpit.

“Thank you. I think I owe you an explanation.” Sabi ko sakanya habang magkayakap pa kami.

“You don’t need to explain anything Amber, naiintindihan ko na ngayon.” Makahulugang sabi niya saakin. Nilayo niya naman ang sarili niya saakin.

“What do you mean by that?” Takang tanong ko sa kanya, ngunit nginitian niya lang ako ng matamis.

“Wala. I’ll go ahead na rin. May event pa kaming pupuntahan. I love you Amber, no matter what.” Sabay halik niya sa noo ko at lumabas na ng opisina ko.

Nakalipas ang dalawang oras na nakatunganga lang ata ako dito sa loob ng opisina sa kakaisip ng mga nangyari sa buhay ko. Naagaw ang atensyon ko ng may kumatok sa opisina ko at iniluwa doon si Mrs. Anderson, tumayo ako bilang pagtanggap sa kanya.

“Good Morning Ma’am”

“Good Morning. Why you look so pale? Are you okay?” Sabi saakin ni Ma’am Anderson.

“I’m okay Ma’am, hindi lang p oak masyadong nakatulog kagabi.”

“Oh. Gusto mo bang magpahinga nalang muna?”

“Huwag na po. I’m okay Ma’am. Thank you. I can handle this po.” Sabay ngiti ko sa kanya ng pilit.

“Okay, pero kung hindi mo na kaya, you can go. By the way, kaya ako na parito ay para kunin ang plans for Dylan’s wedding. Ipapadala na natin sa Philippines yung plan Amber, you did a great job. Nagkaproblema lang si Dylan, kaya umuwi na siya sa Pilipinas at doon na lang ipapatuloy ang pag oorgnize sa branch natin.” Nakangiti niyang sabi saakin.

Gulantang man sa narinig ko ay tumango ako sa kanya at tinawag ang secretary ko para maemail na ang lahat ng napagusapan at lahat ng detalye para sa kasal ni Dylan. Hindi ko alam kung may mas sasakit pa sa nararamdaman ko pero parang pigang piga na ang puso ko.

Umuwi na si Dylan? Ni hindi siya nagpaalam saakin. Ano bang ineexpect mo Amber, ang magpaalam sayo ang tao, laking assuming mo rin. Wala ka ng magagawa Amber, ikakasal na siya sa ayaw at sa gusto mo. Bitaw na. Kailangan mo na talagang bumitaw, pero bakit ang hirap naman. Isipin ko palang wala na kahit kahiblang pag asa lang ay mamatay matay na ako.

“Are you okay Amber? Why are you crying?” Sabay lapit saakin ni Mrs. Anderson at niyakap ako. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako.

Niyakap ko nalang din si Mrs. Anderson at umiyak ako sa balikat niya. Naramdaman niyo na ba yun? Ang umiiyak ka nalang pala bigla, at hindi mo namalayan dahil sa sobrang sakit na nararamdaman mo.

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon