Chapter 42

13 2 0
                                    


AMBER

Doon na rin kami nag dinner ni Dylan, halos hindi pa din maabsorb ng mga brain cells ko na finally! Kami na! Totoo na to, hindi na ito yung tinatawag nilang "drawing na pag-ibig".

Mas lalo pa akong naamaze sa kanya dahil dito na kami nag pang abot ng gabi at handing handa talaga sya, dahil may ready na kaming pagkain for our first officially dinner date.

Nakaupo kami ngayon sa square na duyan sa baba ng kubo, malapit sa tubig na umaagos, by the looks of it, sobrang babaw lang ng tubig na umaagos hangang paa lang nga ata ito. Magkatabi kami ngayon, habang sya naman ay nakaakbay saakin.

"This is what you call home Amber. Wala na ata akong mahihiling pa. You are my home." Biglang sabi nya habang nakatingin sa mga nag gagandahang bitwin sa langit at sa half moon.

"Ay sus! Yan na ba ang epekto ko ng pag sagot ko sayo? Sobrang nagiging chessy ka na eh!" Sabay tusok tusok ko sa pisngi nya ng index finger ko.

"Alam mo? Lakas mo talagang mambasag ng trip nuh? Nagpapakachessy na nga ako, binabara mo pa ako. Tss" Kunot noo nyang sagot saakin.

"Ayieeee. Nagtatampo sya!"

"Para kang bata! Pasalamat ka!"

"Ano?! Pasalamat ako na ano?"

"Pasalamat ka kasi MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA!" Kinilig naman ako doon bigla kaya yumuko ako ayokong makita nyang nag blush ako!

"Oyyyy! Kinikilig sya! Pakiss nga!"

"Heh! Manigas ka!" Sinapok sapok ko syang mahina.

"Sige na isa lang oh?" Puppy eyes nya pang pakita saakin

"Nakakarami ka na eh! Ayoko!" Matigas kong sabi.

"Ano ba yan! Ang damot nito. Pa hug nalang ako!"

"Para ka talagang bata!" Sabay hapit nya sa ulo ko at mahigpit akong niyakap yung tipong baka mawala ako kaya sobrang higpit. Panaka naka rin ang paghalik nya sa buhok ko.

"Sobrang namiss ko to Ambs, I miss how your hair smells. Naalala mo noon? Yung high school pa lang tayo tapos everytime na nakikita kita, hinawakan ko ang ilang hibla ng buhok mo? Tapos mas lalo ata akong naiinlove noon sayo dahil sa bango ng buhok mo na kumakapit sa kamay ko." He keeps on smelling my hair. Hala! Baka amoy na nga akong araw at baka naglalangis na ang anit ko! Waaa! Sana hindi naman. Pero nababanguhan naman daw sya ah.

"Parang ang creepy naman nun! Hahahaha parang ang maniac mo nun dahil pati amoy ng buhok ko may epekto sayo!"

"Kung maka creepy naman to! Eh sa mahal ko lahat ng bagay sayo eh!"

"oo na! Mahal na mahal na mahal din naman kita."

Natapos ang araw na iyon saamin hinatid nya din naman ako sa bahay namin, sakto naman na nadun ang mga magulang ko pati si Kuya Miguel, kahit anong pilit ko sa kanya na bukas nya na lang kausapin sila Mama about sa amin, ay sobrang mapilit sya ayaw na daw nyang palagpasin pa ang araw na ito na magpaalam at ipaalam na rin na kami na.

Nakangiti naman saamin ang mga magulang ko ng pumasok kami ng bahay. Hinayaan ko muna syang kausapin sila Mama, nagmadali muna akong mag shower at magbihis. Nang makababa na ako ay narinig ko naman na nagtatawanan sila. Umupo ako sa tabi ni Dylan.

"Ineexpect ko Dylan na hindi mo sasaktan ang unica hija ko. Kung hindi ako ang makakalaban mo." Matigas na sabi ni Papa, grabe bipolar ata si Papa kanina lang masaya silang nagtatawanan tapos ng dumating ako bigla poker face ang mukha nya.

"Wag mo naman takutin ang first boyfriend ng anak mo." Sabi naman ni Mama na mahinahon lang na nakaupo katabi ni Papa.

"That is the last thing that I wanted to do to her Sir, makakaasa po kayo I will treat her the way she deserve to be treated." Kung pwede lang pumalakpak eh ginawa ko na.

"Okay then. Welcome to the family Dylan." Sabi ni Papa.

"Sige po. Salamat po sa basbas nyo. Uuwi na din po ako."

"O sige hijo. Ingat ka. Amber ihatid mo na si Dylan." Sabi ni mama bago pa kami makalabas ng pinto ay biglang nag salita ang halimaw kong kuya na tahimik lang palang nakamasid saamin kanina pa.

"Alam mo bro! Mahal ka talaga ng kapatid ko kaya ingatan mo sya! May nabasa akong diary nyan! Puro ikaw ang laman! Haha!" Langya! Kapatid ko ba to at talagang pinahamak ako! Totoo yun guys! Hindi nga lang isang diary eh! Halos ata isang taon meron, simula ng makilala ko sya.

"Urgh! Kuya naman eh!" Akmang babatuhin ko na sya ng tsinelas na suot ko ng dali dali syang tumakbo kila Mama na paakyat ng kwarto nila.

"Haha! Ibigay mo yun panget sa kanya ng malaman mo kung gaano ka kabaliw! Haha!"

"Tss! Humanda ka saakin pag balik ko! Halika na nga!" Sabay hatak ko sa kamay ni Dylan palabas ng bahay namin. Mabilis ang paglakad na ginawa ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya!

"Totoo ba yun? Pahiram naman ako Amber ng mabasa ko."

Halos lahat na ata ng dugo ko umakyat na sa mukha ko. Sheeeet na malagkit! Kahihiyan overload! Humanda talaga si Kuya saakin, kakalbuhin ko sya!

"Huh?~~Aaah . . Wala yun! Ano ba!" utal utal kong sabi sa kanya.

"Bakit namumula ka dyan? Nahihiya ka pa saakin eh boyfriend mo na ako at soon mapapangasawa mo na ako, kaya patingin na. Ipahiram mo na saakin bukas ng masimulan ko nang basahin."

Grabeeee! Kinikilig talaga ako kahit sobrang kahihiyan na yung revelation ng kurimaw kong kuya. Every time na maririnig ko talaga yan sa kanya na papakasalan nya ako. At tinitignan ko sya sa mata halos magdiwang ako sa saya dahil mababakas dun na gusto nya akong makasama habang buhay.

"Eeeeh ayoko nga! Nakakahiya noh! Sobrang jeje days pa kaya yun! Baka pagtawanan mo lang ako."

"Hindi ah! Ano ka ba. Remember I love everything about you. Pero sige, hindi kita pipilitin but when the right time comes at ready ka na sana mabasa ko lahat ng yun."

"hehe. Sige."

"Okay I gotta go. I love you. Susunduin kita bukas."

"Okay. I love you too. Text or call me kapag nakauwi kana. Mag ingat ka sa byahe."

"Ay ang sweet ng Amber ko. Yes boss! I'll do that." Sabay saludo nya pa saakin. He kiss my forehead and hug me again.

Hinintay ko na maka alis sya hangang sa mawala sa mata ko ang kotse nya. This will be one of the happiest day of my life and I'm looking forward for more better and best days. Thank you Papa God for all the blessings and this is one of those blessings that you keep on giving me.

~~●●~~

Biglang nawala yung Chap 42 ko. So I'll reupload. Parang may problema si WP.

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon