Chapter 9 Welcome me Stefan! ;3

74 5 1
                                    

Calling Stefan. . .

Hello. . Sino to?

Hey Stefan! It's Amber. How are you?

Amber! You're back! I'm great. How about you?

Great daw pala eh. edi mas ipagreat pa natin. Mukhang ang saya nya pa ah, hindi nya ba alam o talagang nuknukan lang sya ng manhid para maramdaman na nasasaktan nya si AJ? Tss

I'll be great if we can talk.

Sure! Saan ka ba?

Ako na lang ang pupunta nasaan ka ba?

Nasa gamefield ako.

Okay. wait me there.

Tinawagan ko si Mae at Shaine, since sila lang yung available ngayon kasi day off nila. Hindi ko rin alam kung saan yung gamefield, ang alam ko lang ay ito ay ang lugar kung saan nagpapalipas oras ang mga bachelor, pero ni minsan hindi pa talaga ako nakakagawi doon.

Nang papunta na kami sa gamefield ay inexplain na saakin ni Bezt kung ano ang meron sa gamefield kasi minsan ay nadala na sya ni Dom doon.

Ang game field ay isang place kung saan malaking space na pwedeng maglara ng basketbaal, tennis, volleyball at iba pang klaseng laro at ang nakakapasok lang ay yung mga may kaya talaga.

Gamefield

Stefan. Labas na kami ng gamefield. [text ko kay stefan]

"Amber bakit ba tayo nandito?" ~ Shaine

"Hahaha. Baka gustong makita si Dylan ehh nakausap ko si Dom nasa loob daw sila nila Dylan eh"~ Mae

Tinignan ko na lang ng masama si Bezt, wow may audience pa palang makakakita. So brillant -____________________-

[Stefan calling]

Ambs pasok na kayo. Basketball court kami.By the way I'm with Dylan.

"I don't care. Papasok na kami."

"Oww. Easy. Haha. Wag ka ngang high blood. Bitter?

Tibaaay ni tsong bumanat pa! Mas lalong kumukulo ang dugo ko sayo.

Tinignan lang kami ng security guard doon at wala namang tinanong pa saamin kaya malaya kaming nakapasok.

Nanatiling hindi pa rin alam nila Shaine at Bezt kung bakit kami pumunta ng gamefield, Brace yourself guys.

Pagdating namin ng court. Tumigil sa paglaro ang walong lalake, unang nahagip ng mga mata ko si Dylan, Stefan, Dom, Patrick, Lance at tatlo pang lalakeng hindi ko kilala. Nailang na ako agad ng hindi inalis ni Dylan yung tingin nya saakin, samantalang si Dom ay lumapit kay Bezt.

"Ambeeer! Nice to see you again. What's up?" Palapit ng palapit saakin si Stefan. No. No. WRONG MOVE ka tsong!

[PAAAAAK]

"Sh1t Amber! Why did you do that?"

Nabigla ang lahat, nanlaki ang mga mata nila sa ginawa kong pananampal.

"TSS. Really? You're asking me that stupid question? Why try asking how much you deserve it?"

"CRAP Stefan!!! Di ba binalaan ka namin! Inulit mo lang!!! ang laking gago mo rin ano?

"Bakit Amber? Anong ginawa ni Stefan kay AJ?" Singit ng bestfriend ko.

"Ito?! Tinuro ko si Stefan na nakayuko na, guilty agad! tss. Nakita lang naman ni AJ ang magaling na ito na may kasamang babae sa mall at yung pinaka the best pa?  . . . . MAGKAHOLDING HANDS sila!

"WHAT?! Ang gago mo rin ano Stefan?! Akala ko ba. . . akala ko sigurado ka na?" ~ Mae

Lumapit si Bezt sakanya at sinampal din ito, wooo. left and right baby! Magandang scene to! Lumapit na din si Dom at pinipigilan na si Bezt na makalapit pa kay Stefan.

"I'm sorry. . .hindi ko sinasadya. . . Nagising na lang ako na may gusto na akong iba at hindi ko kayang sabihin kay AJ. Mahal ko sya Amber pero. . ." ~ Stefan

"WHAT? That's the most stupid explanation I've ever heard. Ano to Stefan movie? pang acting yung dialogue mo. Tss."

"Amber, hindi ko talaga sinasadya. Minahal ko sya at patuloy ko syang mamahalin pero. . "~ Stefan

"Cut the crap man!"

Tinignan ko si Dylan at nagsimulang magsalita, nagkatitigan naman kami mata sa mata.

"You know what? I'm tired of those stupid explanations. Hindi mo sinasadya?! Walang hiya naman oh, naglolokohan ba tayo? Kung noon pa lang hindi mo na kayang panindigan yung tao, hindi mo nalang sana pinaasa at pinag hintay. Pareho lang kayo masasaktan . . .ai no. . .no . . hindi pala dalawa ang masasaktan kung hindi yung taong naiwan lang pala sa ere, kasi may isang gago na pinaniwala na mahal ka nya pero yung totoo sa una pa lang ay yung pagmamahal nya eh may kasunod ng "PERO" at hindi naman pala kayang panindigan."

Iniwas ko na yung mga mata ko kay Dylan at nakita kung nagbago yung mukha nya. Yung biglang parang galit/seryoso/guilty. Ibinalik ko na yung tingin ko kay Stefan.

"You don't have the right to do this to her!"

"Sa susunod na makita o mabalitaan pa namin ang paglipat mo kay AJ, buong barkada na ang sasapak sayo. Sampo kami kaya ihanda mo na yung mga pisngi mo.~ Mae

Nauna na ako sa paglakad at nilagpasan si Stefan, sumunod naman si Mae at Shaine saakin. Narinig ko pa ang sinabi ni Shaine kay Stefan na patuloy yung pananahimik kanina.

"Tss. Gago!~ Shaine

Nakita ko na madadaanan ko si Dylan na naka simpleng white v neck tshirt tapos naka basketball short at rubber shoes, pinagpapawisan na sya pero gwapong gwapo pa rin. Walang hiya naman oh , ganito na nga ang eksena tapos naiisip ko pa rin yan.

Nang nadaanan ko na si Dylan ay bigla nyang hinigit ang braso ko, nabigla ako sa ginawa nya. Tinignan ko ang nakahawak nyang kamay pero hindi sya nainag kaya tinignan ko nalang sya sa mukha, nakita ko kung gaano nag iba yung expression ng mukha nya. Mas lalo itong seryoso.

"Siguro Amber, hindi nya na panindigan yung pagmamahal nya kahit hanggang ngayon nandoon pa rin yung pagmamahal nya para sa taong yun kasi hindi kinaya nung isa na tulungan syang lumaban at panindigan ang pagmamahalan nila kasi biglang umalis na lang sya at parang nawalang parang bula na kahit paalam ay hindi nya nagawa."

Hinatak ko na yung kamay ko sakanya at umalis na ako kasunod ko na sina Mae at Shaine. Nakakabanas sya, bakit ba sya sumisingit eh gawain nya rin ang manloko. Tss.  Baka masyado kong natamaan at naguilty!

Bago pa kami tuluyan makalabas ng court ay nagsalita pa si Dylan.

"Tandaan mo yun Amber, hindi lahat ng inakala mong nang iwan ay hindi nasasaktan. Minsan akala mo sila ang nangiwan sayo pero yung totoo sila ang naiwan at patuloy pa ring nasasaktan."

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon