Chapter 48

21 2 3
                                    

CHAPTER 48

AMBER
Kanina ko pa gustong matapos ang trabaho ko dito, para makapunta na ako agad sa hospital. Kaya lang ay kailangan na matapos ang ibang trabaho dahil urgent na rin. Naiintindihan naman nila na kadalasan ay umaalis ako ng maaga o kaya ay half day lang para bantayan ko si Dylan.

Alas singko na, mabuti naman at natapos na din ang dapat kong gawin. Nag taxi nalang ako papuntang hospital, may dala na rin akong mga personal na bagay at doon na ako magpapalit.

Nang makarating ako ng hospital ay sakto naman na halos kumpleto ang barkdahan na nakaupo ngayon sa couch at mga monoblock chairs since hindi na kasya kung sa couch lang. Binati ko sila at dumiretso agad kay Dylan at kinausap sya araw araw ko na itong ginagawa, kinukwento ko sa kanya lahat ng nangyari saakin at naghahangad akong mag response man lang sya kahit konti.

“Hi Babe!” Sabay halik ko sa noo nya at hinawakan ko ang kamay nya.

“Kailan ka ba babangon? Namimiss ko na ang boses mo! Nagpapamiss ka na ng sobra! Magtatampo na talaga ako nyan sayo!” Sabay ngiti ko sa kanya. Alam kong para na akong baliw dito. Nararamdaman ko din ang pananahimik ng mga tao sa loob ng kwarto at pinagmamasdan ako.

“Hindi ka pa ba excited sa ibibigay ko sayo? Di ba gustong gusto mo na yun mabasa? Bahala ka baka magbago pa ang isip ko!” Napasinghap ako ng maramdaman ko ang bahagyang pag galaw ng mga daliri nya na hawak hawak ko ngayon.

Tinignan ko ang mukha nya at ibinalik sa kamay nya, gumalaw ulit ito. Tapos ng mapagtanto ko na ang nangyari ay halos magtatalon ako sa saya, unti unti nyang minulat ang kanyang mga mata bago ako nakasalita ng: “Si Dylan. . . Si Dylan! Gi~gising naa.”

Halos magkagulo naman ang tao sa loob ng kwarto. Narinig ko din na tumakbo ang mga kaibigang lalake ni Dylan para tumawag ng Doctor. Lumapit ang magulang ni Dylan at si SM kay Dylan.

Nang makarating ang doctor at mga nurse ay pinalayo muna kami ng konti para maexamin sya. Nang makita ko na okay na talaga sya, kahit mapupungay pa rin tignan ang mga mata nyang nakabukas na ngayon ay halos wala na akong mahihiling pa. Nang matapos ang doctor ay syang paglapit namin sa kanya, nanatili ako sa likod ng mama nya at ni SM.

“Hijo, anak!” Niyakap ni Mama si Dylan

“Kuya! Tinakot mo kami! Miss ka namin ng sobra!” SM

“Bro! Baho na siguro ng hininga mo!” Biro ni Lance tumawa naman ng konti si Dylan.

“Akala naming hindi ka na magigising! Iba talaga kapag masamang damo! Haha!” ~Patrick

“Tumigil nga kayo!” ~Carol

Tinignan ako ni Dylan na parang nagtatanong at may gulat sa mata. Naagaw ang atensyon ng iba kaya tumingin din saakin na nakangiting umiiyak.

“Dylan. . .” Lalapit na sana ako sa kanya. Pero nabigla ako ng bigla syang mag salita.

“What are you doing here?” Kahit hirap nyang sabihin ay nagawa nya, ramdam ko doon ang galit base sa tono nya.

“Sympre Dylan! Girlfriend mo ang best friend ko! Haha!” ~ Mae

“Ano yan amnesia? Drama mo naman Dylan! Haha!” ~ CC
Sa sinabi naman ni CC ay medyo kinabahan na ako, hindi ko din kasi maintindihan bakit ganyan sya, pero baka nagbibiro lang si Dylan, peor hindi eh, iba ang pagkakatingin nya saakin. Ibang iba ito.

“WHAT?! Anong sinasabi nyo? At bakit nandito sya? Hindi ba ay nasa ibang bansa ang babaeng ito?” Gulat nyang tanong pa rin. Tinignan nya naman ang Mama nya.

“She’s here hijo, because Amber is your girlfriend.” Ani ng Mama nya.

“Tol! Hindi magandang joke yan!” ~ Jerick sabay tawa ng peke.

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon