Chapter 3 First meeting

116 7 1
                                    

Oh dedicated sayo kasi pinapaupdate mo na ako agad, kahit hindi pa umabot yung reads. Pasalamat ka mahal kita. HAHAHA

Waaaa T_____________T. Kahihiyan yung video na yan ehh, kung bakit ba kasi naisipan ni Leo na kuhanan at pagtripan ako ng nasa Singapore kami eh. Saka nakakainis talagang nahalungkat pa nila yung bag ko. -______________________-

Ang nakasave na video ay yung parang ininterview ako ni Leo sa iba't-ibang lugar na pinupuntahan namin kapag wala kaming trabaho o free time namin. Ako naman nung una sympre katuwaan ay ganadong-ganado at parang tanga sa mga pinagsasabi ko.

Minsan vinivideo nya ako na panakaw yung tipong umiikot ako sa isang garden at ninamnam ang mga halaman ay bigla nya akong tatawagin at lilingon naman ako, at kapag nakikita kong nakatutok na yung video ay hinahabol ko sya at susubukang aagawin yung videocam.

Katuad nayon ang pinapalabas na ay yung nasa Botanic Garden kami, ito yung una naming binisita ni Leo kasi maganda talaga kaya ganadong ganado ako sa pagikot sa mga may bulaklak tapos tatawa pa ako ng malakas.

Waaaaaaa. Please Stop nyo na, nahihiya na ang lahi ko ehhh.

"Ohh Ambs, anyare nakatakas ka ba sa Mental? HAHA"  ~ Lai

BWHAHAHAHAHAHAHA ~ Tawanilang lahat.

Kung ang mukha nila ay masayang masaya ang mukha ko naman ay parang sinaklban ng langit at lupa. -_________________________-

"Ganda ohh, ganda nung tanawin, perfect na sana kung wala yung nagsasalitang babaeng baliw. HAHAHA" ~ CC

Tumawa nanaman silang wagas. Waaa nahihiya na talaga ako.

"Mga walangya talaga to, psh. . . saka pwde ba bitawan nyo nga ako!!!" Tinignan ko ng masama sila Dom at Patrick pero hindi sila natinag tumawa lang sila.

Nawalan na ako ng pag-asa na makakawala pa ako sa hawak ng dalawang kumag na to, dahil patuloy lang ang hawak nila at patuloy rin ang katatawana na namamahagi sa kanilang lahat. -________________-

Naramdaman kong may pumasok na dalawang tao, mula sa likod namin at nagsitinginan silang lahat sa isa't-isa at tinignan rin ako pero masama pa rin ang tingin ko sa TV.

Napansin kong palipat lipat ang tingin nila saakin at sa taong pumasok, pero wala akong pakialam dahil sa oras na lumawag ang pagkakahawak ng dalawang kumag na ito ay, tatangalin ko yung videocam na naka connect sa TV nila Carol.

Nang hindi pa rin sila kumikibo at parang ang awkward ng pagtatawan nila na mukhang peke nalang ay sinuwerte ako at medyo lumuwag yung pagkakahawak saakin nila Dom at Patrick.

Hindi ko na sinayang pa ang pagkakataon at biglang kinalas ang mga braso ko sa kanila, madali naman ako nakatakas, at hindi na nila ako hinigit pa, mabuti naman, phew. Dumiretso na ako sa kung nasaan ang videocam at hinugot ito kaya nawala na yung mukha ko sa TV.

"Tss. Oh masaya na kayo?! Hindi ko kayo bigyan ng mga pasalubong, mga bruha talaga kayo. Ito pa talaga ang welcome nyo?" Nanatili ako nakatingin sa videocam at kinakalikot ito, nang mapansin kong wala talagang umiimik ay inaangat ko na ang ulo ko para tignan kung bakit ang tahimik na nila.

"Ano bang problema nyo at natahimik kayo? Nabilaukan ba kayo sa kakatawa nyo? Buti nga. BWHAHAHA"

Napawi ang tawa ko nang tinignan ko ang tinitignan nila kanina pa, isa sa mga pumasok mula sa likuran namin, iniwas ko ang mga mata ko at nag isip ako nang kung ano ang pwedeng ihirit kasi wala ni isa sa kanila ata ang may balak basagin ang bumalot na katahimikan.

Pero imbes na makapag-isip ako nang isisingit ko ay iba ang naisip ko. Bakit ba andito sya? Akala ko ba barkada get together ito? Kailan pa nakasali yang damuhong yan sa barkadahan?

Oo nga pala, ba't hindi ko yun naisip? Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko, matalik na magkaibigan pala sila ni Jerick at kung itong get together ay may pag-uusapan tungkol sa engagement party na pinaplano nila Carol at Jerick, siguradong nandito talaga sya.

"Mga siraulo talaga kayo, pati mga kalokohan ko sa Singapore gusto nyo pang malaman, at pinagtawanan nyo pa, ang galing lang. " Sinabi ko para mabasag na ang katahimikan.

Tumawa naman silang lahat na kiyeme  pwera nga sa lalaking iyon. Kinuha ko ang backpack ko at binalik ko ang  videocam at kinuha ko ang mga chocolates na nasa bag ko para maibigay sa kaibigan ko.

"Oh eto chocolates lang ang nadala ko."

"Ano ba naman yan Bezt, chocolates lang? ~ Mae

"Tss. Wag nga kayong maarte. HAHA" Isang joke ko na may pumatol na isang nilalang na kinamumuhian ko.

"Maarte? Akala mo sya hindi, tsk. wala pa ring pinagbago." ~ Siya

Tinignan ko siya, pero hindi sya saakin nakatingin. Nakakabanas tong damuhong to, akala mo kung sino, hindi nya ako kilalang-kilala kaya huwag syang magsasalita ng tapos.

Hindi nga ba talaga Amber? Tss -_________-

Tumahimik naman ang lahat at parang inaantay nila kung sino saaming dalawa ang magrereact ulit.

"Nasa bahay Bezt yung ibang pasalubong nyo." ( Tinignan ko siya at nagkasukatan kami ng titigan) Tss. Huwag ka kasi Bezt magcoconclude agad, kilala mo  naman ako diba at masusorpresa na lang kayo sa mga pagbabago ko."

"Owww" Narinig kong reaksyon nila Patrick, Jerick at Lance.Si Lance yung kasama nyang pumasok.

Mukhang nakuha ng lahat na yung huling salitang binitiwan ko ay para sakanya.

Ako ang unang bumawi sa titigan namin kasi iba yung aura nya ng sinabi ko yung huling mga salitang binitiwan ko. Parang kinikilatis nya na kung ano ang mga nagbago saakin sa paraan ng pagtitig nya, kaya nailang ako.

Nakakainis! Bakit may ganon epekto pa rin sya saakin, di ba wala na, naniniwala akong wala na talaga, matagal na panahon na rin yun, kaya dapat ng limutin ang kung ano man ang nangyare.

MN:  At dahil sinipagan ako sa pagtype, nagUD na ako, kahit hindi umabot.

Sa susunod na chapter lalabas na ang pangalan ni Mr. D/ Siya. 

Please keep on reading my first story. Thankyouuuuu :* :* :*

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon