Chapter 59

11 3 0
                                    

Chapter 59

AMBER

Busy ako sa pagfafinalize ng ibang events na hawak ko ng may kumatok sa pintuan ng opisina ko at sumungaw ang nakangiting mukha ni Trevor.

“Hey. Ms. Beautiful!” Sabay pasok niya sa opisina ko at umupo sa upuang nasa harapan ng lamesa ko.

“Hi Trev!” Sabay ngiti ko sa kanya.

“I’ll invite you. Kain tayo ng lunch mamaya. Matagal mo na akong hindi sinasamahan eh. I miss it Amber.” Sabay puppy eyes niya pa saakin.

“Wait. I’ll just check my schedule.” Binuklat ko naman ang planner ko at bigla kong naalala na may meeting kami mamaya ni Dylan, na siya mismo ang nag request dahil napakaimportante daw dito.

“I’m sorry Trev. May meeting na pala ako later.” Napansin ko naman na lumungkot ang mukha niya.

“I promise babawi ako next time. My treat!” Sabay taas ko pa ng kamay ko. Nakita ko naman na unti unting lumiwanag ang mukha niya.

“Tss. I’ll be the third wheel again. Leo will come with her girlfriend.” Sabay busangot niya ulit.

“Why don’t you find your girl, para hindi ka na maging thirdwheel.” Sabay ngisi ko sa kanya.

“I already found her, I just. . .I just find it hard to say it to her.” Sabay tingin niya sa mga mata ko.

“At kalian ka pa naging torpe?” Sabay tawa ko kasi naaawkward na ako sa klase ng pagtingin na ibinibigay niya saakin.

“Tss. I gotta go.” Hinalikan niya muna ang noo bago siya tuluyang umalis.

Napaisip naman ako sa halos kalahating buwan na pagkakilala ko kay Trevor ay wala akong masasabing masama sa kanya. Nag ka crush pa nga ako sa kanya ng una siyang ipakilala ni Leo saakin, I admit I feel something na iba sa mga actions and words niya saakin, maalaga siya saakin, mabait at may mga sinasabi siya saakin na hindi normal para sa magkaibian lang pero napakasungit niya kapag iba. I hope hindi tama ang conclusion ko. I hope hindi ako ang tinutuko niya dahil hindi ko kayang suklian ang kung ano ang nararamdaman niya.

“What are you doing?” Tanong ko kay Dylan, ng umupo ito sa couch na nasa shop.

Kasalukuyan kaming nasa isang wedding gown shop. Kakatapos lang naming maglunch at dumiretso na kami sa wedding gown shop. Pang apat na naming shop ito, dahil parati niyang sinasabi na ako daw ang pumuli pero wala naman akong mapili at tsaka bakit ako? Hindi naman ako ang magsusuot ng gown.

“Ikaw na kasi ang pumili. Pang apat na natin ito Amber, huwag mong sabihing makikipagmatigasan ka nanaman at hindi ka pipili. Dahil kahit anong gawin mo hindi ako ang pipili dahil wala akong alam sa gown.”

Argh! Kung pwede ko lang sapakin to ng taking ko ginawa ko na. Hindi ba siya nakakaramdam na nasasaktan ako at seriously?ako pa talaga ang pipili ng gown ng mapapangasawa niya? Ang galing lang talaga.

Pero may magagawa pa ba ako? Napapagod na rin ako sa kakalipat namin ng shop dahil nakikipag matigasan din ako dahil ayoko talagang pumili ng gown at wala naman akong magustuhan talaga doon.

“Nakakainis ka!” Tinignan niya lang ako sabay sandal niya sa couch na naroon

Naglibot na ako sa shop. Lumawak ang ngiti ko ng mag mahagip ang mata ko sa isang sulok ng shop ang dream wedding gown ko. Hindi ko maexplain kung anong klase niya basta sa sobrang ganda niya ay hindi ko na maedetalye pa.

“Do you like it?”Napaigtad ako ng may magsalita sa likod ko malapit sa tenga ko.

“No.” Iningusan ko siya. Ayoko na ang dream wedding gown ko ay hindi ako magsusuot kahit ito lang ang ipagdamot ko. Ayoko na si Claire ang magsusuot nito.

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon