Chapter 17 Engagement Party (Part 1)

53 4 3
                                    

Mga bandang 10 pm na sya halos umuwi kaya, late na rin ako nakapahinga ng kinausap pa ako ni Kuya.

"Bunso, kayo ba ni Dylan ay nagkakamabutihan na talaga?"

"Tss. Hindi no."

"Weh?"

"Kung sapakin kita? Hindi nga at tsaka may girlfriend na yung tao, huwag mo nang gawan pa ng ibang twist ang story nila."

"HAHA. Sige na matulog ka na nga. Goodnight."

At nagsimula na akong umakyat sa kwarto ko, dapat dindalaw na ako ng antok pero parang masyadong maraming nangyari ngayon kaya ayaw pa mag off ng utak ko.

Nagflashback din yung paguusap namin ni Claire parang sa lahat ng narinig ko siya yung pinakahighlight.

"Just stay away from Dylan. . ."

Yang phrase na yan ang nagpabuo ng desisyon ko na iwasan sya not that guilty ako, kasi ako yung out of the picure sa kanilang dalawa but, ako yung taong once na nalaman ko na may possibility na makagulo ako sa isang sitwasyon ay nilalayo ko na yung sarili ko.

Pero parang yung desisyon ko ay hindi nakikisama ang tadhana. Bakit? Kasi sa minsan na pagpupunta ko sa bahay nila Carol o kaya nila Jerick to clarify some of the details para sa engagement party nila ay palagi kong natyetyempuhan na nandoon din si Dylan.

 Kung gaano kainit ang climate ay ganon din katindi ang tingin nya saakin na iniiwasan ko of course, alam kong nahahalata nya na iniiwasan ko sya kasi kumukunot yung noo nya habang nakatingin saakin.

One instance?

"Hello Lovebirds!"

Bungad ko sa bahay nila Jerick kasi kailangan kong itanong kung may kailangan pa bang baguhin sa mga napili nilang foods na ilalagay sa menu, at since lunch na rin pwede na ako makalibre ng pagkain dito gutom na gutom pa naman ako.

Pero sa pagbungad na bungad ko pa lang sa sala nila ay nakita ko na si Dylan na relax na relax na nakaupo kasama si Jerick. Halos iatras ko na yung paa ko ng tumingin sya saakin at ngumiti sabay labas ng dimple nya. Waaah

"Nandito ka na pala Ambs! Upo ka." ~ Jerick

 

 

"H~Haa? Ah huwag na. May itatanong lang naman ako. Tapos aalis na rin ako." Waah Bakit ba ako nauutal?

Chances, is it worth it?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon