MASAYANG nagising si Lyrich, ewan nga niya kung bakit, basta paggising niya parang ang aliwalas ng paligid at ang gaan sa pakiramdam tapos parang ang saya-saya niya. Feeling tuloy niya may kakaibang mangyayari ngayon sa kanya. Na-e-excite tuloy siya.
"Goodmorning bhesty!" Masayang bati niya sa bestfriend niyang si Chum.
"Wow! Bhest, Anong meron? Masaya ka ata ngayon! Birthday mo?"
"Gaga, kapag masaya birthday agad hindi ba puwedeng happy lang."
"Eh, bakit ka nga masaya? Kayo na ni kuya Brylle?"
"Malabong mangyari 'yon."
"Hindi ka na virgin?"
"Sira! Ano ba 'yang pinagsasabi mo. Tulad mo pa ko sa 'yo," natatawang sagot ni Lyrich!
"Eh, bakit ka nga masaya?"
"Wala lang, ewan ko nga ba kung bakit ang saya-saya ko ngayon. I think, may kakaibang mangyayari sa akin ngayon."
"Talaga!? Mabibinyagan ka na? Yes! Thanks god, dininig nyo na rin sa wakas ang panalangin ko," sabi pa ni Chum na tila tuwang-tuwa sa naisip. Matagal na kasi nitong pinapanalangin na sana makatikim na si Lyrich ng luto ni Bathala nang sa ganon hindi na rin ito naa-out of place sa kanila lalo na kapag about sa sex ang pinag-uusapan.
Promise wala pa talaga siyang alam doon.
"Hay nako bhesty, ewan ko sa 'yo, ang dirty ng mind mo. Halika na nga baka mahuli pa tayo sa first class natin."
Lumabas na sila sa kanilang kwarto. Masaya rin niyang binati ang mga housemate sa boarding house na tinutuluyan nila. "Good morning girls!"
"Wow! Lyrich, anong meron? Masaya ka ata ngayon." Puna sa kanya ni Mellay habang nakapila ito sa CR.
"Oo nga, iba ang awra mo girl." Dugtong pa ni Mexci, ang baklang housemate nila.
"Siguro nakakain ka na ng hotdog no!" Sabi ni Mitch sa pagitan ng pagsubo ng footlong.
"Nadiligan ka na?" Gulat namang sabi ni Kira habang nagtitimpla ito ng kape.
"Ano? Hotdog lang hindi footlong." Dismayadong sabat din ni Yannah.
"Mga baliw, hindi pa no. Dyan na nga kayo. Male-late kami nang dahil sa mga kahalayan nyo, Babush."
Paglabas nila, nakita nila si Brylle ang ultimate crush ni Lyrich. Nagwo-work out ito kaya hayun pinagnanasaan na naman nila.
"Oh, la la... bhesty, Alam ko na kung bakit ang saya mo ngayon. 'Yun oh!" Nginuso ni Chum kay Brylle. "Hay, grabi ang yummy talaga niya." Dugtong pa nito na tila hihimatayin nang makita si Brylle.
"Gaga, inunahan mo pa ako sa pagtikim dyan sa utak mo."
"Eh, bhesty naman kung ganyan ka-yummy hindi mo ba pagnanasaan."
"Sira ka talaga, may boyfriend ka na't lahat nagnanasa ka pa sa iba. Sige nga pano na si Vince?"
"Shunga! Bakit? Porket ba may boyfriend na, bawal na ring tumikim ng ibang putahe?" Biro nito sa kanya. Iiling-iling na lang siya sa kalokohan ng kanya kaibigan. "Hay, ewan ko sa 'yo,"
"Bakit ikaw ba hindi mo pinagnanasaan si kuya Bryle?"
"Hindi, nire-rape ko lang," biro din niya, then she laugh naughty.
"See, pareho lang tayo," tuwang-tuwa pang sabi si Chum."Hindi no, ako virgin pa, ikaw hindi na. Ha-ha!"
"At least ako nakatikim na ng luto ni Bathala."
"Eh, di wow! Ikaw na!"
"Tumikim ka na rin kasi," biro ulit nito.
"Hayaan mo ikaw ang unang makakaalam kapag nakatikim na ko."
BINABASA MO ANG
Miss. No Commitment [R-18]
RomanceHindi nakikipag-commitment si Lyrich sa mga naging boyfriend niya. Para sa kanya pampalipas lang ng oras ang mga ito hanggang sa makilala niya ang isang gwapo at matipunong lalaki na si Charlon. Ginulo nito ang isipan at damdamin nya. May mga bagay...