CHAPTER 03

1.3K 26 0
                                        


NAKATAMBAY sina Charlon, Amber, Kenneth at Brylle sa tapat ng bahay nina Kenneth nang biglang lumabas si Lyrich ang babaeng crush na crush ni Charlon. Kasama nito ang kanyang kaibigan. "Miss Beautiful....," biglang sigaw ni Brylle na ikinagulat nilang tatlo.

Agad namang napalingon ang dalawang dalaga sa kinaroroonan nila. Alam na ni Chum na si Lyrich ang tinatawag ni Brylle kaya agad niyang hinila si Lyrich papunta sa apat na lalaki.

"Hi! Kuya Brylle!" Ngiting-ngiting bati ni Chum kay Brylle. "Anong meroon at nag-uumpukan kayo dito?" Dugtong pa nito.

"Wala naman, may gusto lang masilayan itong tropa ko." sabay siko nito kay Charlon. "Hinihintay lang namin na lumabas pero ngayon nasilayan na niya," sagot ni Brylle habang hindi inaalis ang tingin kay Lyrich.

"Ay, akala ko pa naman ikaw 'yong may gustong masilayan. Sayang naman!" dismayadong biro ni Chum.

"Oo, gusto kong masilayan 'yong girlfriend ko." biro rin ni Brylle.

"Ouch! Ang Chakit huh! Akala ko, ako na. Ano ba 'yan!?"

"Ikaw nga sana kaso baka sapakin ako ng boyfriend mo kapag sinilayan kita kaya si Miss Beautiful na lang."

"Ano kuya Brylle? Girlfriend mo na ko? Bakit ngayon mo lang sinabi, 'di sana noon pa ako nagpa-party,"singit na biro rin ni Lyrich na tila tuwang-tuwa. Alam ni Charlor na nagbibiro lang ito pero ewan ba niya bigla-bigla na lang syang nakaramdam ng inis.

"Bakit gusto mo ba? may irereto ako sa 'yo. Gwapo 'to, yummy pa! Siguradong paliligayahin ka nya," tanong at sabi ni Brylle kay Lyrich habang nakaguhit sa mga labi nito ang nakakalokong ngiti.

"Sino, ikaw ba!! Sure," birong sagot ulit ni Lyrich na kinikilig pa ata.

"Asa ka! Gusto mong patayin ako ng jowa ko."

"Syempre hindi no. Pero kung magiging akin ka naman why not, coconut. Ikaw naman ang papatayin, hindi ako," lalong lumakas ang tawanan nila na lalo ring kinainis ni Charlon.

"Oo nga pala, nakalimutan kong ipakilala sa inyo. Si Papa yum. Ang papa na yummy." Pakilala ni Brylle kay Amber sa pabirong tuno.

"Sira!" sabi naman ni Amber na sinuntok ng bahagya ang braso ni Brylle. Mukhang nahiya ito sa dalawang dalaga dahil sa biro ni Brylle.

"Ito naman sina Miss Talkative at Miss Beautiful." Pakilala naman ni Brylle sa dalawang dalaga. Pagkatapos ay nakipag-shake hands ang mga ito kay Amber.

"Talkative talaga!? Hindi ba puwedeng Miss Sexy na lang." Simangot na reklamo naman ni Chum habang nakikipag-shake hands ito kay Amber. Natawa tuloy sila. Lalo na nang makita nila ang busangot na itsura nito.

"Madaldal ka kasi kaya bagay lang sa 'yo ang Miss Talkative," sabat naman ni Kenneth na tawang-tawa sa dalaga.

"Wow! Hiyang-hiya naman ako sa 'yo." parinig ni Chum kay Kenneth ngunit hindi ata nito narinig ang sinabi niya dahil bigla nang sumingit si Brylle.

"Hindi ko na ipapakilala sa inyo ang isang 'to. Alam ko naman na kilalang-kilala nyo na sya," sabi nito sabay akbay kay Kenneth.

"Oo, si Ungas." Dugtong ni Chum na tinaasan pa ng isang kilay si Kenneth.

"Hoy, ikaw na babaeng madaldal. Wag mo nga akong tawagin ungas dahil hindi ako ungas katulad ng boyfriend mong bakla. FYI lang huh ako kaya ang pinaka gwapo sa lugar na ito."

"Asa ka! If I know, ikaw yung bakla."

"Opps...opps, teka lang!" Singit ulit ni Brylle sa pagtatalo ni Chum at Kenneth. "Bago kayo magkapikunan na dalawa, ipakikilala ko muna ang pinaka hot na lalaki sa lugar natin." dugtong pa nito sabay hila kay Charlon palapit kay Lyrich. "Walang iba kundi si Mr. Boy next door ang kapitbahay na kaya kang paligayahin." Pakilala nito kay Charlon na natatawa pa. Tila kay Lyrich lang nito nais ipakilala si Charlon dahil hindi nito inaalis ang tingin sa dalaga habang pinapakilala nito si Charlon.

Miss. No Commitment [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon