CHAPTER 25

600 8 5
                                    

HALOS sumabog sa galit si Charlon nang ibigay mismo sa kanya ni Chenric ang wedding invitation nito para sa nalalapit na kasal nito Gusto-gusto niyang pagsasapakin ito sa mga oras na iyon. Kung hindi nga lang siya inawat ni Amber at Kenneth siguradong naliligo na ito sa sarili nitong dugo. Kung hindi ba namang tarandato at kalahati ang gagong lalaking 'yon! Ang tigas ng mukha! Nakuha pa talagang nitong ipamukha sa kanya na ito ang pakakasalan ni Lyrich at hindi sya. At ang nakakagago pa, gusto nito na siya ang tumayong best man sa kasal nito dahil matutuwa raw si Lyrich kung makikita siya nito sa araw ng kasal. Sa sobrang inis niya, pinunit niya sa harap nito ang invitation at saka pinagtabuyan ito palabas ng bahay.

Inubos ni Charlon ang kanyang oras sa paglalasing. Ni hindi na nga rin ito lumalabas sa kanyang kwarto. Nagmumukmuk lang ito maghapon kasama ng mga bote ng alak. Iyon na rin ang ginagawa nitong pagkain sa maghapon. Hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula kay Lyrich. Nais daw nitong makipagkita sa kanya. Hindi naman siya nagdalawang isip na makipagkita dito. Agad siyang nagbihis at agad na nagpunta sa resto ni Mr. Konan kung saan sila magkikita.

Magkahalong kaba at excitement naman ang nararamdaman ni Lyrich habang papunta sa lugar na pagkikitaan nila ni Charlon. Tatlong araw na lang bago ang kanyang kasal  kaya nais niyang makita at makausap ito bago man lang sya ikasal. Gusto sana niyang maintindhan ni Charlon ang naging desisyon niya upang magkaroon ng closure ang relasyon nila. At sa pagkakataon na ito gusto na niyang maging maayos ang kanilang paghihiwalay. Nais niya alisin ang galit sa puso nito at makalaya na sa pagkakakulong nito sa magmamahal sa kanya. Gusto niyang ipagpatuloy nito ang kanyang buhay kahit wala na sila.

Magkasabay na dumating ni Charlon at Lyrich sa resto ni Mr. Konan. Tuwang-tuwa pa nga ito nang makita si Lyrich. Muntikan pa nga siyang hindi makilala ni Mr. Konan dahil sa laking ng ipinagbago ng itsura at pananamit nya. Para raw itong nakakita ng isang modelo.

Ipinagluto rin sila nito ng paborito nilang Chinese spicey noddles pagkatapos ay sinabayan sila sa pagkain. Tulad nang dati hindi pa rin ito nauubusan ng kwento tulad noon kaya alaw na alaw si Lyrich sa matanda. Ito ang isa sa mga na-miss niya mula ng manirahan siya sa China– ang masarap na luto nito at ang walang humpay na mga kwento. Ang masakit lang umaasa pa rin ito na magkakatuluyan sila ni Charlon. Gustuhin man niyang sabihin sa matanda ang totoo ngunit hindi naman niya magawa dahil ayaw niyang sirain ang magandang ngiti sa labi nito.

Agad silang nagpaalam at nagpasalamat kay Mr. Konan nang matapos silang kumain. Niyaya ni Lyrich si Charlon sa paborito nitong amusement park ngunit tila tunusok ng patalim ang puso ni Charlon nang makita nito ang amusement part. Ito kasi ang pinakamasakit na lugar sa kanya dahil dito niya huling nakasama ang kanyang mga magulang bago maaksidente ang mga ito. Ni hindi maihakbang ni Charlon ang kanyang mga paa. Nagiginig ang mga tuhod niya sa takot. Pakiramdam niya may hindi magandang mangyayari sa araw na iyon. Namalayan na lang niya na hila-hila na sya ni Lyrich papasok sa loob at wala syang kamalay-malay na nagpapatianod na pala siya sa paghila nito.

Halos mamangha siya sa makabagong itsura nito. Mas maganda na ito ngayon kumpra noong bata pa siya. Mas dumami na ang palamuti nito at nadagdagan na rin ng mga bagong rides. Ang mga nagliliwanagan ilaw naman nito sa gabi ay nadadagan pa ng iba't-ibang kulay. Mas lalo pang naging kaakit-akit ito sa mga mata ng mga taong nagpupunta dito.

Ni walang mapaglagyan ang ngiti ni Charlon nang sumakay sila sa mga rides. Bata pa lang siya'y gustong-gusto na niyang sumakay sa ang mga iyon ngunit hindi niya masakyan dahil hindi pa sya puwede. Tila bumalik siya sa pagkabata sa mga oras na iyon. Wala ibang iniintinding problema at walang pakialam sa mundo. Kung ano-ano ring pagkain ang kinain nila. Hindi tuloy niya maiwasang mahiya sa mga napapatingin sa kanila. Paano, pinilit siyang pakainin ng candies ni Lyrich, nagmukha tuloy siyang isip bata. Magkabilaan kasi ang hawak niya. Lolipop sa kanan at cotton candy naman ang sa kaliwa tapos may yakap-yakap pa syang teddy bear na napanalunan nila kanina sa isang booth game. Panay naman ang selfie ni Lyrich habang kinakain nila ang mga candies tapos pino-post agad nito sa Weibo at Instagram.

Miss. No Commitment [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon