CHAPTER 6

929 17 1
                                    


ISANG linggo na ring nakikipag-date si Lyrich sa iba't-ibang lalaki upang hanapin sa mga ito ang damdaming nararamdaman niya kay Charlon ngunit bigo pa rin siya. Hindi nga niya alam kung ano na ang nangyayari sa kanya. Gusto niyang matawa sa kanyang sarili dahil sa mga pinaggagagawa niya. Bakit ba big deal sa kanya ang nararamdaman niya kay Charlon. Ano naman kung naa-attract siya dito normal lang naman iyon sa isang babae lalo na't gwapo ito. Ngunit hindi nya maiwasang isip iyon. Alam nya sa kanyang sarili na hindi lang basta atraksyon iyon, may kakaiba pa sa damdaming iyon na hindi niya mabigyan ng pangalan.

NAG-IINUMAN sila ng mga housemate nang mapansi ni Mexci ang sunod-sunod niyang pagtungga sa bote ng red horse. Kahit hindi niya aminin ramdam nito na may problema siya. Kaya hindi na ito nagdalawang isip na itanong iyon sa kanya. Ayaw sana niyang aminin ngunit sadyang madaldal ang kanyang kaibigan na si Chum. Sinabi nito ang dahilan ng problema niya. Halos mayanig na ang buong boardibg house ni Mamita sa lakas ng tawanan ng mga ito. Napakababaw daw ng problema niya para problemahin. In love lang daw siya kay Charlon kaya nararamdaman niya ang damdamin iyon. Nasabi na rin sa kanya ni Chum iyo ngunit ayaw niyang paniwalaan. Hindi siya maaring ma-in love sa lalaki iyon at kahit na kanino mang lalaki. Hindi siya ang tipo ng babae na maaaring makaramdam ng romantiko pag-ibig at hindi siya maaring makipag-commit sa mga ito o kahit kay Charlon pa. Para sa kanya pangpalipas lang ng oras ang mga ito.

Pilit niyang itinatanggi ang mga sinasabi sa kanya ng mga housemate. Hindi siya in love kay Charlon. Paghanggang pisikal lang din ang nararamdaman niya tulad ng paghangga niya kay Brylle at Mr. De Jesus.

Kung hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng mga ito. Hindi rin naman naniniwala ang mga ito na wala siyang gusto kay Charlon kaya nakipagpustahan ang mga ito sa kanya.

"Pupusta ako na si Charlon na ang lalaking pagpapabago sa pagiging Miss No Commitment mo," sabi ni Chum.

"Tama! At sigurado ako na si Charlon na ang lalaking bibihag sa mailap mong puso," dugtong pa ni Match.

"ASA! Malabong mangyari 'yon. Hindi pa ipinapanganak ang lalaking magpapaibig sa akin," Nakataas kilay na sagot niya.

"Sus, lumang kasabihan na 'yan. Amin mo na kasi in lavabo ka kay papa Charlon," Singit naman ni Kira.

"Alam mo girl, sabon panlaba ka rin eh, ang taas ng "PRIDE" mo. Amin-amin din 'pag may time!" Sabi ulit ni Mitch.

"Okay, fine, fine, fine! Kung hindi ka talagang in lavabiesh kay papa Charlon, sige nga sagutin mo na sya. Diba halos magdadalawang linggo na siyang nanliligaw sa iyo? Puwede na 'yan!" Hamon sa kanyan ni Mexci.

Bigla siyang napaisip sa sinabi nito. Bakit nga naman hindi niya sagutin si Charlon kesa sa ibang lalaki niya hinahanap ang sagot sa mga katanungan niya kung si Charlon lang din naman ang makakasagot nito.

NAGULAT si Charlon nang sabihin ni Lyrich na pumapayag na siyang maging girlfriend nito ngunit hindi nya akalain na hindi ito makikipag-commit sa kanya. Oo, sila pero walang commitment. Walang dapat asahan at walang dapat umasa. Parang trip-trip lang, ganern! Kahit labang sa kalooban ni Charlon ang nais mangyari nito, pumayag na lang din siya kesa naman hindi pa maging sila. May pag-asa pa naman na mabago niya ang isip nito sa oras na maiparamdam niya ang kanyang pagmamahal kay Lyrich. Sisiguraduhin niya na hindi nito pagsisihan na naging sila. Gagawin niya ang lahat para maiparamdam kay Lyrich kung gaano niya ito kamahal. Araw-araw niya itong pasasayahin. Hinding-hindi siya gagawa ng mga bagay na ikakasakit nito. Handa syang magbago para kay Lyrich.

Halos dalawang linggo na rin silang mag-on ni Lyrich. Araw-araw hinahatid at sinusundo niya ito sa eskwelahang pinapasukan nito. Madalas din siyang tumambay sa boarding house upang makasama ito. Madalas ito ang gumagawa ng mga assignment niya sa school upang makapagpahinga siya bago pumasok sa resto bar na pinagtratrabahuhan niya.

Miss. No Commitment [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon