FIRST monthsary nila ni Charlon kaya niyaya siya nito na mamasyal sa mall. Nanood sila ng sine at kumain sa isang fast food. Hindi niya alam kung matutuwa ba sya o maiinis sa kapilyuhan nito. Hindi kasi siya makapag-focus sa kanila pinapanood dahil abala ang kamay nito sa paghimas ng kanyang hita. Mabuti na lang at sila lang ang nakaupo sa puwestong iyon kaya wala nakakaalam o nakakapansin nang ginagawa nito sa kanya. Tila kinukuryente na naman siyang ng palad nito at unti-unting nagigising ang mga natutulog niyang hormos. Para gusto na niyang yayain ito na umalis sa lugar na iyon at magpunta na lang sa lugar na sila lang dalawa ngunit hindi naman niya kayang gawin iyon. Kahit naman na gusto-gusto na niyang gawin ang laman ng kanyang isip, hindi rin naman nya kayang gawin. Kahit papano may natitira pa siyang hiya sa kanyang sarili. Ayaw din naman niya na isip nito na cheep siyang babae. Saka para sa kanya ang pakikipagsex ay hindi plinaplano o pinag-uusap. Basta na lang itong nangyayari kapag kasama mo ang taong mahal mo. Yung tipong hindi mo ini-expect pero mangyayari kasi mahal ninyo ang isa't-isa at nais niyong maiparamadam kung ganon nyo kamahal ang isa't-isa. At doon pumapasok ang salitang Love making at hind sex. Teka anong love ang sinasabi niya. Eh, sex lang naman ang meroon sila at walang love. Wala rin namang feelings na involve sa pagitan nila. As in literal na sex lang ang namamagitan sa kanila kaya wag syang feelingerang assumera. May nalalaman pa syang love making - love making. che! Tantanan nya nga ang pagiging asumera niya. Wala nga ba talaga? Sabi ng antribida niyang utak. Ilan beses na nga bang sinasabi ni Charlon na mahal siya nito at ilan beses na rin ba nitong ipinaramdam sa kanya iyon. Aminin man nya o hindi alam niyang mahal talaga siya ni Charlon at inaamin niyang mahal na rin niya ito ngunit hindi niya iyon ipapaalam sa binata dahil ayaw niyang umasa at masaktan ito sa huli. Mas mabuting wala itong alam sa tunay niyang nararamdaman upang hindi ito masaktan ng husto sa oras na iwanan na niya ito.Nang kumakain na sila panay naman ang kalabit ng paa nito sa kanyang binti. Hindi tuloy siya makakain ng maayos. Idagdag pa ang kabang nararamdaman na baka may makakita sa gingawa nito. Ang dami pa namang kumakain ngayon sa lugar na iyon.
Pinanlalakihan na nga niya ito ng mga mata upang matigil na ito sa ginagawa ngunit hindi ito nagpatinag. Mas lalo pa siyang inasar nito. Alam kasi ni Charlon ang matinding ipekto nang ginagawa nito sa kanya. Alam nito na pinanayuan siya ng balahibo sa tuwing ididikit nito ang paa sa kanyang binti. Tila kinikiliti siya sa ginagawa nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang kanyang sarili na makaradman ng matinding sexual tension. Kunting-kunti na lang talaga hihilahin na niya ito sa kung saan at ipapatikim dito ang ninanais nito pero hindi niya gagawin iyon no. Hindi nya hahayaang manalo ito sa pang-aakit sa kanya kahit pa tigang na tigang na siya sa ginagawa nito.
Inis na inis na siya sa nakakalokong ngiti nito kaya sinipa niya ito upang matigil sa kalokohang ginagawa. Napanganga naman ito nang makaramdam ng sakit dahil sa pagsipa niya sa binti nito. Agad naman niyang sinubuaan ito ng spaghetti sabay kindat.
Wala pang tao sa boarding house ng ihatid siya ni Charlon kaya pinapasok muna niya ito tapos ipinakita niya dito ang kwarto nila ni Chum. Tutal naman nakita na niya ang mga kwarto nito kaya naisipan niya na ipakita rin kay Charlon ang kwarto nila ni Chum. Nag-ikot-ikot ito at tinignan ang mga gamit niya. Kinuha nito ang frame sa ibabaw ng study table nang mahagip ng mga mata nito ang family picture niya. Naupo ito sa kama at pinagmasdan iyon. Ngiting-ngiti ito habang titig na titig sa picture.
"Ang cute mo pala nong bata ka," sabi nito ng hindi inaalis ang tingin sa picture frame. Nakaramdam siya ng hiya dahil sa compliment nito. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi. Tinignan rin niya ang picture. Fifteen year's old pa lang siya sa picture na iyon at kasama pa niya ang kanyang mama at papa. Gusto niyang maluha ng maalala niya ang kanyang mga magulang ngunit pinigilan niya iyon upang hindi makita ni Charlon ang pangungulila niya sa kanyang mga magulang. Hindi pa siya handa na ipaalam dito ang madilim na parte ng kanyang buhay. Wala siyang planong papasukin ito sa buhay niya. Kung maaari ayaw niyang magkaroon ito ng mas malalim na involvement sa buhay niya. hangga't kaya niya maglalagay siya ng mataas na pader sa pagitan nila.
BINABASA MO ANG
Miss. No Commitment [R-18]
RomanceHindi nakikipag-commitment si Lyrich sa mga naging boyfriend niya. Para sa kanya pampalipas lang ng oras ang mga ito hanggang sa makilala niya ang isang gwapo at matipunong lalaki na si Charlon. Ginulo nito ang isipan at damdamin nya. May mga bagay...