CHAPTER 12

708 13 1
                                    


Agad kinuha ni Charlon ang kanyang uniform upang ipunas iyon sa kanyang dibdib pagkatapos ay bumangon siya at binuhat si Lyrich patungo sa CR. Parang batang natutulog naman si Lyrich habang karga-karga niya ito. Nakayakap ang mga braso ni Lyrich sa kanyang leeg habang nakahiga naman ang ulo nito sa kanyang kaliwang balikat. Ang mga binti naman nito ay nakapulupot sa kanyang baywang. Ramdam na ramadam naman niya ang pagkababae nito sa kanyang tiyan. Nagdudulot na naman iyong ng matinding pag-iinit sa kanyang katawa at nagsisimula na namang magalit ang alaga niya.

Binuksan niya ang shower nang makapasok na sila sa CR. Pagkatapos ay pumailalim sila sa rumaragasang tubig nito. Hinayaan lang niya na karga-karga niya si Lyrich habang bumabagsak sa kanilag mga katawa ang tubig na nanggagaling sa shower. Nang mahimasmasan na ito ay ibinaba na niya si Lyrich upang mapaliguan. Mabuti na lang wala pa si Amber at Mr. Konan kaya malaya silang nakapaglakad papunta sa CR.

Sana lang ay hindi pa dumating ang mga ito pagkatapos nilang maligo. Wala pa naman syang dalang tuwalya upang maitakip sa kanilang mga katawan.

BOSES ni Charlon ang gumising kay Lyrich kinabukasan. Ginigising siya nito upang makapagtahalian na. Ayaw pa sana niyang gumising dahil nahihilo pa rin siya hanggang ngayon ngunit pilit siyang ginigising ng maliliit na halik ni Charlon.

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at unti-unti niyang nasisilayan ang napakagwapo at kaakit-akit na mukha ni Charlon. Manghang-mangha pa rin siya sa aking kagwapuhan nito. Feeling tuloy nya, siya si Sleeping Beauty na nagising sa mahabang pagkakatulog at ngayon nagising na siya'y nasilayan niya ang prinsepeng nagtangal ng kanyang sumpa.

Ang kanyang pagpapantasya ay biglang naputol ng makaramdam ulit siya ng pagkahilo. Inalalayan naman siya ni Charlon ng mapansin nito ang kanyang pagkahilo. Tinulungan din siya nito upang makapunta sa banyo. Hanggang sa hapag ay inaalalayan pa rin siya nito. Para syang bata na inaasikaso ng kayang papa. Pinagsasandukan siya ng pagkain sa kanyang pinggan. Ito rin ang nagsusubo sa kanya upang makakain. Namumula na nga siya sa sobrang hiya kay Mr. Konan at Amber na kasabay nila sa pagkain. Tahimik lang ang mga ito ngunit alam niya na nakikita ng mga ito ang ginagawa sa kanya ni Charlon. Paminsan-minsan ay nahuhuli niya si Amber na pangiti-ngiti. Kanina pa niya gustong awatin si Charlon ngunit wala siyang lakas ng loob para gawin iyon. Nahihilo pa rin siya kaya laking pasasalamat nya kay Charlon dahil inaasikaso siya ito.

Pagkatapos nilang kumain isinabay na siya nina Charlon at Amber pauwi sa boarding house dahil papunta rin naman daw ang dalawa sa bahay nila Kenneth.

Nanlilisik na mga mata ang sumalubong kay Lyrich pagpasok niya sa boarding house. "Saan ka nagpunta? Bakit nawala ka kagabi?" Nakataas kilay na tanong ni Mexci. Tila bilang sumakit ang kanyang ulo sa tanong nito. Hindi niya maintidihan ang tinatanong nito sa kanya o mas tamang sabihin hindi niya matandaan ang mga nangyari kagabi kaya hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito. Ang tanging natatandaan lang niya ay umiinom siya ng juice hanggang sa makita niya si Charlon na may kalandiang babae. Lumapit siya sa mga ito at um-order nang um-order ng jack coke kay Amber pagkatapos non ay hindi na niya mataandaan ang mga nangyari. Nagkibit balikat na lang siya sa mga ito ngunit hindi siya tinantanan ng mga nanlilisik na mga tingin ng mga ito. Tila pinipilit siyang paamiinin pero wala talaga siyang aaminin dahil wala talaga siyang matandaan kagabi.

"Nakita kita buhat-buhat ka ni Charlon habang papalabas ng bar," sabi ni Yannah. Naningkit ang kanyang mga mata ng dahil sa sinabi nito. Wala siyang matandaan na buhat-buhat siya ni Charlon, saka paano naman nagyayri iyon eh, busying-busy ang gagong iyon sa pakikipaglandian doon sa babae sa bar.

"Puwede ba Lyrich, wag kang magpanggap na hindi mo alam ang mga sinasabi namin eh, obvious naman na hindi ka natulog dito kagabi," iritadong sabi rin ni Mitch na tila inip na inip sa ikwekwento niya.

Miss. No Commitment [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon