CHAPTER 14

629 12 1
                                    

MABILIS lumipas ang mga araw. Hindi na niya namalayan na nakalimang buwan na pala sila ni Charlon. Walang araw na hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito. Lagi nitong sinasabi at ipinararamdam sa kanya kung gaano siya kamahal nito. Walang araw na hindi siya naging masaya kapag si Charlon ang kasama niya. Kahit pa sabihin na madalas silang mag-away dahil sa maliliit na bagay na hindi nila napagkakasunduan. Mas natutuwa pa nga siya sa tuwing nagtatalo sila na nauuwi din sa suyuan at lambingan. Hindi man niya nasasabi ang tunay niya nararamdam, ipinaparamdam naman niya iyon sa mga kilos niya. Oo, ayaw niyang umasa ito na may pag-asa sa pagitan nila, na may forever. Ngunit nais niyang maramdaman nito na mahal na mahal din niya ito at kaya niyang suklian ang pagmamahal na inilalaan nito para sa kanya kahit pa hindi niya iyon masabi sa binata. Sana nga lang hindi ito umasa upang hindi na ito masaktan sa oras na kaylangan na nilang maghiwalay.

MAAGANG nagising si Lyrich ng umagang iyon kahit wala naman siyang pasok sa eskwelahan. Tila kay bigat ng pakiramdam niya nang siya ay magising. Feeling nya may hindi magandang mangyayari sa kanya ngayong araw. Kahit magkasama na sila ni Charlon ay hindi pa rin siya matahimik. Ni hindi rin siya mapakali. Inuulan siya ng kaba. Hanggang sa ihatid na siya ni Charlon sa boarding house, hindi pa rin maalis ang matinding kabang kanyang nararamdaman.

Malayo palang sila kitang-kita na nila ang magarang kotse na nakaparada sa tapat ng boarding house ni Mamita. Mas lalo tuloy inulan ng kaba si Lyrich ng makita niya ang kotse itim.

"Wow! Ang ganda ng kotse ito," manghang sabi ni Charlon nang makalapit na sila sa tapat ng boarding house. "Mukhang may big time na bisita si Mamita. Sino kaya 'yon?" dugtong pa nito. Nagkibit balikat lang siya.

"Sige, papasok na ako," paalam niya kay Charlon.

"Okay sige, tara na."

"Hindi na, wag mo na akong samahan sa pagpasok. Kaya ko na."

"May problema ka ba mylabs? Kanina ko pa napapansi na parang balisa ka."

"Okay, lang ako. Masama lang ang pakiramadam ko kaya ako ganito."

"Ano? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin. Di sana kanina pa kita hinatid para makapagpahinga ka."

"Kaya nga hindi ko sinabi sa 'yo dahil alam ko na magyaya ka nang umuwi kapag sinabi ko 'yon sa 'yo. Ayoko kayang masira ang moment natin."

"Tsk, lintik na moment na 'yan! Hindi nga nasira ang moment natin. Eh kung napano ka naman. Di wala rin. Lagi mong tatandaan mas mahalaga ang kalusugan mo kesa sa kahit na anong moment na 'yan. Saka moment lang 'yon. Marami pa tayong time para gumawa ng mas maraming moment."

"Hay, nagpakakeso na naman ang mylabs ko. Opo, Mr. Lagi kong uunahin ang kalusugan ko kaya wag muna po akong sermunan."

"Tsk, hindi kita sinisermunan nag-aalala lang ako para sa iyo."

"Wag ka nang mag-alala, okay! Kinikilig ako eh!" Natawa tuloy si Charlon sa banat niya. "Siguro dadatnan lang ako kaya masama ang pakiramadam ko," dugtong pa niya upang hindi na ito mag-alala.

"Sigurado ka bang okay ka lang."

"Opo, okay na okay lang po ako kaya umuwi ka na at wag muna po akong alalahanin. Saka kita mo may bigating bisita si Mamita kaya mas mabuti wag ka na lang munang pumasok."

"Okay, basa magtext o tumawag ka agad sa akin kapag nasa kwarto ka na."

"Okay po, boss!" nakangiting sagot niya tapos hinalikan siya sa labi ni Charlon para sa good bye kiss nito. "I love you!" sabi pa nito pagkatapos siyang halikan. Isang halik din sa labi ang ibinigay niya kay Charlon upang sagot sa I love you nito.

Nang pinakawan na siya ni Charlon ay agad siyang pumasok sa boarding house. Kinawayan nya muna ito bago siya tuluyang pumasok.

Biglan natigilan sa pagpasok si Lyrich ng makita niya ang bisita ni Mamita. Kahit nakatalikod ito ay kilala niya kung sino iyon at hinding-hindi sya puwedeng magkamali. Siguradong-sigurado siya na kilalang-kilala niya ang bisita ni Mamita o mas tamang sabihin bisita niya. Tila pinawian siya ng kulay nang humarap sa kanyang ang matandang lalaki. Pakiramdam niya ay binibitay siya sa tuwing makikita niya ang matandang ito.

Miss. No Commitment [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon