KALALABAS lang ni Lyrich sa kwarto ng makita niya ang mga housemate na nag-uumpukan. Parang may kumikiliti sa pagkababae ng mga ito, tudo ang tawanan at hiyawan. Nilapitan niya ang mga ito upang malaman ang dahilan ng pag-uumpukan ng mga 'to.
"Anong meron?" She ask to them.
"Si papa Charlon nasa garden. May pinapaayos si Mamita," kinikilig na sagot ni Mexci.
"Sinong Charlon?"
"Hayun oh!" Sabay nguso nito.
Sinundan niya nang tingin ang dereksyon ng nguso nito. Laking gulat niya nang makilala kung sino ang tinutukoy nito. Si Mr. Boy next door. Gumagawa ito ng patungan ng mga halaman ni Mamita. Napanganga siya nang mapagmasdan niya ang katawan nito. Naka-basketball short lang ito at walang suot na pang-itaas kaya kitang-kita niya ang maala Christian Grey na katawan nito. Idagdag pa ang mga pawis nito na nag-uunahang gumapang pababa sa kanyang katawan. Napapalunok siya habang nakatitig sa matitipunong katawan nito. Mainit na nga ang panahon dumadagdag pa ito. Parang gusto tuloy tumulo ng laway niya.
Nagulat na lang sila nang biglang sumigaw si Mamita. Mukhang kalalabas lang nito sa kusina dahil sa dala nitong juice. Pinagalitan sila nito dahil hindi matigil ang hiyawan at tawanan ng mga housemate habang pinagmamasdan si Charlon. Nag-alisan tuloy ang mga ito at kanya-kanyang nagsibalikan sa kanilang mga ginagawa.
"Ikaw Lyrich, ano pang tinatayo-tayo mo dyan?" Sigaw ulit ni Mamita. Napalingon tuloy siya kay Charlon. Nakita niya ito na nakatingin na sa kanila at mukhang narinig din nito ang pagsigaw ni Mamita. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya lalo na't alam niyang nakatingin ito sa kanya.
"A-ah, ah.. ano... po... sabi ko ng po aalis na," sagot niya sabay alis.
"Mga talandi talaga nitong mga babae na ito." Pahabol pa ni Mamita habang kinakausap ang kanyang sarili.
SIMULA nang ayusin ni Charlon ang patungan ng halaman ni Mamita parati na itong nagpupunta sa boarding house. Madalas itong tumatambay at nakikipagbiruan sa mga housemate. Kadalasan naghahatid ito ng kung ano-anong bagay kay Mamita na pinapabigay ni uncle Carlo. Ang tatay ni Kenneth. Minsan naman kasama nito si Kenneth at si Amber. Nakikipag-inuman ang mga ito sa mga housemate.
Nalaman din niya na matagal na pa lang kilala ng mga housemate si Charlon at Amber. Dati na raw nagpupunta ang dalawa sa bahay nina Kenneth kapag walang pasok sa trabaho o sa eskwelahan. Laking gulat at tuwa raw nila ng magbakasyon ang mga ito sa bahay nina uncle Carlo. Mas marami na raw ang chance nila para makita si Charlon ng madalas.
Napakabait na bata raw nito at napakagalang pa ayon kay Mamita. Iyon nga lang maloko ito sa mga babae.
Maraming bagay na rin ang kanyang nalaman tungkol kay Charlon at Amber. Ulila na pala ang mga ito. Limang taong gulang pa lang daw si Charlon ng mamatay ang mga magulang nito sa isang car accident. Si uncle Carlo at ang yumaong asawa na raw nito ang kumupkup kay Charlon kaya napakalaki raw ng utang na loob nito sa mga magulang ni Kenneth. Si Amber naman hindi na nakilala ang kanyang magulang. Baby pa lang daw ito nong iniwanan sa isang resto bar na ngayon ay pinagtratrabahuhan na nila. Working student ang dalawa, aral sa umaga, trabaho sa gabi. Kapag wala raw pasok sa eskwelahan nagpupunta ang dalawa sa bahay nina uncle Carlo upang bisitahin ang mag-ama.
Napaisip tuloy si Lyrich. Ang tagal na niyang naninirahan sa boarding house ni Mamita pero bakit ngayon lang ata niya nakita ang dalawa. At ang nakakapagtaka pa ay kung bakit lagi nang nandito ang dalawa samantalang may pasok ang mga ito sa eskwelahan.
Sa bawat pagdaan din ng mga araw hindi na namamalayan ni Lyrich na humahanga na pala siya kay Charlon. Lalo na kapag nakakarinig siya ng magagandang bagay tungkol dito. Mas naguguluhan tuloy siya sa kanyang nararamdaman para kay Charlon.
![](https://img.wattpad.com/cover/64872390-288-k181414.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss. No Commitment [R-18]
RomanceLyrich doesn't commit to her boyfriends. Para sa kanya pampalipas lang ng oras ang mga ito. Until she met a handsome and muscular man named Charlon. It confused his mind and feelings. There are things she does that she didn't do before. Pinaramdam s...