Agad siyang nahiga sa kama nang makapasok siya sa kanilang kwarto. Mabuti na nga lang pinigilan ni Mamita si Chum na sumunod sa kanya kaya malaya niyang napakawalang ang kayang mga luha. Isa pa alam niya na kanina pa nito nais magtanong ngunit naghihitay lang ito ng tamang tiyempo upang usisain siya. Hindi naman sa gusto niyang maglihim sa kanyang kaibigan ngunit hindi ito ang tamang oras upang ipamalam dito ang madilim na parte ng kanyang buhay. Hindi pa siya handan sa mga oras na ito. Nais nya munang mapag-isa at makapag isip-isip.
Ilang oras na siyang nakahiga ngunit hindi pa rin siya dinadalaw nang antok. Hindi pa rin kasi maalis sa isip niya ang pagdating ng kanyang lolo at ang pag-alis niya sa bahay na ito. Mabuti na nga lang hindi na nag-usisa pa si Chum nang pumasok ito. Kahit paano nagkaroon siya ng katahimikan.
Biglang tumulo ang kanyang luha ng maalala niya ang kanyang mga magulang at kung paano niya nakilala ang kanyang lolo.
Labing limang taon gulang pa lamang siya nang magkaroon ng malubhang sakit ang kanyang papa. Dahil sa kahirapan nila ng mga panahong iyon. Hindi magawang magpagamot ng papa niya. Ilalaan na lang daw nito ang perang kikitain para sa pag-aaral niya at sa pang araw-araw na gastusin. Idinadaan na lang nito sa pag-inum ng gamot ang nararamdamang sakit. Hanggang sa tuloy-tuloy na ang pagkakasakit nito kaya naisipan ng kanyang mama na ipatingin na ang kanyang papa sa Medical Center sa kanilang baranggay. Doon nila nalaman na malubha na pala ang sakit ng kanyang ama at wala rin katiyakan kung gagaling pa ito kung sakaling maoperahan ngunit sumugal pa rin ang kanyang ina kahit walang kasiguraduhan ang paggaling ng kanyang ama. Nagkabaon-baon sila sa utang at napakalaki na rin ng bill nila sa hospital tapos kinailangan pang operahan ulit ng kanyang papa dahil sa pagdurugo ng sugat na inoperahan dito. Sa pangalawang pagkakataon hindi na pumayag ang hospital na muling operahan ang kanyang papa hannga't hindi sila nakakapag-down sa bill nila sa hospital kaya naman napilitan ang kanyang mama na ipagtapat sa kanya ang totoong pagkataon nito. Anak mayaman pala ito at pagmamay-ari ng pamilya nito ang isang sa pinaka mamahaling hotel ngayon sa Pilipinas. Ang Lazano Hotel. Akala niya noon nagkataon lang na kapareho ng apliyedo ng mama niya ang hotel na iyon. Yun pala ito ang nag-iisang anak ni Mr. Lazaro Lanzano, ang may ari ng hotel.
Agad siyang natuwa nang malaman may lolo pa pala siya at mayaman pa siguradong hindi na sila maghihirap sa buhay at sa oras na gumaling ang kanyang ama siguradong magkakaroon na ito ng magandang trabaho. Nagtataka nga siya kung bakit ngayon lang naisipan ng kanya mama na lumapit sa kanyang lolo at bakit kaylangan pa nitong itago sa kanya ang tunay na pagkataon nito. Saka bakit nito kaylangan magtiis sa hirap kung puwede naman silang mabuhay ng marangya. Di sana hindi na nila kaylangan maghirap.
Manghang-mahang siya ng makapasok sila mag-ina sa mansion ng kanya lolo Lazaro. Napakalaki nito at ang daming mamahaling gamit. Walang sinabi ang kanilang bahay kung ikukumpara nito iyon sa mansion ng kanyang lolo. Magmumukhang kulungan lang ng aso ang bahay nila kung itatabi ito sa mansion.
"Mama, dito na po ba tayo titira?" tuwang-tuwa tanong niya sa kanya ina.
"Hindi anak, may bahay naman tayo kaya hindi natin kaylangan tumira dito, " nakangiting sagot nito sa kabila ng matiding stress na pinagdadaanan nito.
"Pero mama, ang ganda po nitong bahay. Gusto kong dito na lang po tayo tumira tutal naman napakaliit naman ng bahay natin. Saka sabi mo mag-isa lang ang lolo Lazaro dito kaya siguradong matutuwa inyon kapag dito na tayo tumira. Magkakaroon na siya ng kasama."
"Ikaw talaga kung ano-ano na naman ang iniisip mo. Kahit maliit naman yung bahay natin masaya naman tayo diba. Saka sobrang laki nitong mansion. Siguradong hindi tayo magkikita-kita. Hindi tulad sa bahay natin. Kahit maliit lagi naman natin nakikita ang isa't-isa," sa mga oras na iyon hindi pa niya naiindintihan ang sinasabi ng kanyang mama. Kaya dismayado siya nang sabihin nito na hindi sila maaaring tumira sa bahay na ng kanyang lolo.
BINABASA MO ANG
Miss. No Commitment [R-18]
RomanceLyrich doesn't commit to her boyfriends. Para sa kanya pampalipas lang ng oras ang mga ito. Until she met a handsome and muscular man named Charlon. It confused his mind and feelings. There are things she does that she didn't do before. Pinaramdam s...
![Miss. No Commitment [R-18]](https://img.wattpad.com/cover/64872390-64-k181414.jpg)