Naiiyak na nilahad ni Lyrich ang mga nangyari noon. Tila dinudurog ang kanyang puso habang kwenikwento kay Charlon ang mga pinagdaanan ng pamilya niya. Sana nga lang ay maintindihan siya ng binata at mapatawad sa kanyang ginawa upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat na dinadala niya. Dahil hindi na niya kakayanin kung may isa pang taong mahal niya ang mawawala ulit na mayroong hinanakit sa kanya.
"Siguro ito na nga ang kabayaran sa kasalanan ko sa aking mga magulang." Mapait pang dugtong ni Lyrich. "Kung sinunod ko lang sana ang kagustuhan ni mama na wag tanggapin ang alok ng kanyang ama, hindi sana sumama ang loob ni papa. Hindi sana ito n-naw—" hindi na naituloy ni Lyrich ang kanyang sinasabi nang mapahagulgul siya nang maalala ang pagkawala ng kanyang ama.
Niyakap siya ni Charlon at hinimashimas ang kanyang likod upang aluin pagkatapos ay tinaas nito ang kanyang muhka at hinarap sa mukha nito. "Hindi pa naman huli ang lahat, hindi pa kayo kinakasal. Maaari pa nating ayusin ang nasira sa atin," nagsusumamong sabi ni Charlon habang titig na titig sa kanyang mga mata. Ang mga palad naman nito ay nakawak sa kanyang magkabilang pisngi.
Tinulak niya palayo si Charlon upang bigyan ng distansya ang kanilang pagkakadikit. Mas lalo lang syang nahihirapan sa ginagawa nito. Nagiging mahina siya sa tuwing nasa tabi niya ang binata. Pakiramdam niya para syang batang paslit na laging may kinatatakutan at kailangan pang i-asa ang kanyang sarili sa iba. Tila nais niyang yakapin ang binata at sabihin lahat ng hinanakit niya sa mundo. Na para bang maiibsan nito ang sakit na nararamdaman niya sa oras na maramdaman niya ang mga bisig nito.
Umiling-iling siya upang pagtanggi sa nais ni Charlon. "Hindi papayag ang lolo ko," bakas ang kalungkutan sa kanyang tinig.
"Hindi siya ang magdedesisyon kung sino ang dapat sa 'yo!" ang kaninang nagsusumamong tinig ni Charlon ay biglan napalitan ng pagkairita dahil sa sinabi niya.
"Oo, tama ka! Hindi nga siya ang magdedesisyon para sa akin pero hindi ko rin puwedeng suwayin ang nais ng lolo ko."
"Bakit hindi? Hindi mo ba ako kayang ipaglaban tulad nang ginawa ng mama mo?" Tanong ulit ni Charlon na may halong galit ang tinig.
"kung puwede nga lang eh! Di sana noon ko pa ginawa! Kaso hindi puwede, dahil ayokong danasin mo ang buhay na dinanas ng papa ko sa kamay ng lolo ko. Ayokong ako ang maging dahilan ng paghihirap mo. Kaya kahit mahal na mahal kita, mas pinili ko na lang ang layuan at iwan ka para hindi ka na mahirapan."
"Sa tingin mo ba hindi ako nahirapan noong iniwan mo ko?" Sabi ni Charlon sa basag na tinig. At sa unang pagkakataon nakita ni Lyrich ang pamamasa ng mga pisngi ni Charlon gawa ng mga tubig na nang gaging sa mga mata nito.
"But, look at you now. Successful ka na ngayon. Kung hindi ko ginawa iyon noon baka hindi mo narating ang kinatatayuan mo ngayon. Baka hindi ka nakatapos nang pag-aaral at hanggang ngayon ay naghihirap ka." sagot naman ni Lyrich na pilit pa ring pinapatatag ang kanya sa boses.
"Anong pagkakaiba non sa paghihirap ko ngayon!? Panlabas lang ang pagiging successful ko! Pero ang totoo hirap na hirap pa rin ako hanggang ngayon dahil wala na ang babaeng mahal ko. Para mo na rin akong pinatay noon iniwan mo ako! Mas gugustuhin ko pa na maghirap at tumira sa barong-barong basta kasama kita."
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Charlon! Hindi ganon kadali ang buhay na sinasabi mo! Alam ko kung gaano naghirap ang mga magulang ko noong pinaglaban nila ang pag-ibig nila at ayokong maranasan mo ang paghihirap na iyon kasi mahal kita!"
"Kakayanin ko lahat ng hirap basta kasama kita!"
"Hindi lang naman 'yon ang dahilan. Hindi mo ba naiintindihan na may utang ako na dapat kong bayaran."
"May pera na ko ngayon. Babayaran ko ang pagkakautang mo sa 'yong lolo. Basta ba hindi ka na mawawala sa akin. Mahal kita Lyrich! At gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala ulit," niyakap niya ulit si Lyrich upang iparamdam dito na hindi ito nag-iisa. Na lagi siyang nasa tabi nito sa kahit ano mang problema ang pinagdadaanan nito ngayon.
BINABASA MO ANG
Miss. No Commitment [R-18]
RomansLyrich doesn't commit to her boyfriends. Para sa kanya pampalipas lang ng oras ang mga ito. Until she met a handsome and muscular man named Charlon. It confused his mind and feelings. There are things she does that she didn't do before. Pinaramdam s...
![Miss. No Commitment [R-18]](https://img.wattpad.com/cover/64872390-64-k181414.jpg)