CHAPTER 11

769 11 2
                                    

BIRTHDAY ni Mexci kaya nagkayayaan ang mga housemate na mag-party sa resto bar na pinagtratrabahuhan nina Charlon upang i-celebrate ang brithday nito. Medyo crowded na nang dumating sila kaya hirap na sa pagpasok. Kinailangan pa nilang makipagsisikan sa mga taong nagsasayaw para lang makahanap nang mauupuan. Sabado kasi ngayon kaya dagsa ang mga customer ng bar. Umupo sila sa isang couch na malapit sa counter bar kung saan kitang-kita nila si Charlon at Amber na hinahagis ang mga bote ng wine sa ere.  Lalo pa itong gumwapo habang ginagawa iyon. May kung ano sa puso niya ang natutuwa habang pinapanoon si Charlon sa paghagis nito ng mga bote sa iba't-ibang exhibition. Bilag siyang kinilig nang lumingon ito sa kanya at bilag kumindat. Kung nakamamatay lang ang pagkindat nito siguro kanina pa sya namatay sa kilig. Hindi tuloy niya malaman kung titingin pa ba syang kay Charlon o ano. Bigla kasi siyang nakaramdam ng hiya nang hindi na nito inalis ang tingin sa kanya. Ngiting-ngiti ito habang tinititigan siya. Parang matutunaw siya nang makita niya ang mga dimple nito sa magkabilang pisngi na lalong lamang nakadagdag sa angking kagwapuhan nito. Ang mga singkit naman nitong mga mata na tila nakapikit na sa pagkakangiti ay parang inaakit siya.

Gusto na niyang pumalakpak dahil nasasalo pa rin nito ang mga bote kahit nasa kanya ang atensyon nito. Tila kabisado na nito ang kanyang ginagawa. Mayamaya pa ay dumating na rin ang order nila. Napakunot noo siya nang juice lang ang ibinigay sa kanya ng waiter imbes na liquor. Pinapabigay daw iyon ni Charlon kaya naman napatingin sya dito pagkatapos ay tinaasan niya ito ng isang kilay na para bang nagtatanong kung bakit iyon ang ibinigay sa kanya. Isang kindat lang ang isinagot nito. Wala rin naman syang nagawa kundi inumin iyon.

Ilang oras na rin ang lumipas. Tipsy na ang mga kasama niya ngunit siya'y wala pa rin tama. Sabagay pano nga naman sya tatamaan kung puro juice lang ang iniinum niya. Ito ang nakakabwusit sa may jowa eh. hindi mo basta magagawa ang gusto mong gawin. Pero teka, sino bang may sabing sundin niya ito? Eh, kung tutuusin sa dinamidami ng naging jowa niya lahat nang utos ng mga iyon ay wala pa siyang sinununod tanging si Charlon pa lamang ang kauna-unahang lalaking nakapagpasunod sa kanya.

Mayamaya pa'y may isang babaeng lumapit kay Charlon. Naka-pulang tube ito at maong na mini skirt. Ang sapatos naman nito ay pamatay sa sobrang taas ng takong. May makapal na make up sa mukha at pulang-pula ang labi na akala mo sumusob sa simento. Pero hindi maitatangi ni Lyrich na maganda at sexy ang babae. Tila umakyat sa kanyang ulo ang lahat ng dugo niya sa katawa nang makita niya ang pagbulong ng babae kay Charlon. Ang nakakainis lang mukhang tuwang-tuwa pa ang kumag. Tinitigan niya ito ng masama ngunit tila hindi siya napapansin nito dahil abala ito sa pakikipaglandian sa babae. Mas lalo tuloy siyang nainis.

Lumapit siya sa counter bar upang ipaalam sa mga ito na nandito siya kaya kung puwede tumigil-tigil sila sa mga kalandian nila.

"Amber, isa ngang jack and coke!" Bulyaw niya kay Amber. Muntikan pa ngang mabitawan nito ang mga boteng hawak sa pagkagulat sa kanya.

Sinamaan niya ito nang tingin dahil juice ang ibinigay nito sa kanya imbes na jack coke. "I said jack coke! Bingi ka ba!" Galit na bulyaw ulit niya kay Amber na hinampas pa ang countertop.

Bigla naman nakaramdam ng takot si Amber. Hindi kasi niya alam kung susundin ba niya ito o hindi. Nais sana niyang sundin ang utos nito ngunit malalagot naman siya kay Charlon kung sakaling sundin niya ang utos ni Lyrich.

"Ano? Tutunganga ka na lang ba dyan huh!" bulyaw na naman ni Lyrich. Sa taranta ni Amber ibinigay na lang niya ang order nito.

Agad naman tinungga ni Lyrich ang jack coke na ibinigay ni Amber pagkatapos ay padabog niyang inilapag ito sa countertop sabay tingin ng masama kay Charlon at sa babae kaharap nito. " Isa pa!" Hinging ulit niya.

Hindi na naman malaman ni Amber ang kanyang gagawin lalo na nang titigan siya ng masama ni Charlon. Anak naman ng pitong kabayo. Ano bang problema ng dalawang 'to? Pati ba naman ako damay, tsk. Sa isip-isip ni Amber.

Miss. No Commitment [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon