Mas lalo pa atang napasama ang pagpapapunta ni Chenric sa mga kaibigan ni Lyrich. Mas lalo lang ito nalukmok sa kalungkutan. Para itong robot na sunod-sunuran sa kanyang lolo. Laging "Oo," lang ang isinagot nito sa lahat ng sabihin ni Mr. Lanzano. Kasama nga nila ito sa pag-aasikaso ng kasal ngunit lagi namang lumilipad ang isip nito sa kung saan. Hindi tuloy maiwasan ni Chenric na kaawaan ito. Kaya umisip siya ng bagong idea upang maibsan ang kalungkutan ni Lyrich. Niyaya niya ito sa isang island kung saan nakatayo ang secret rest house ng kaibigan niya.
Umiinom si Lyrich at Chenric ng tea nang makarinig si Lyrich nang ingay mula sa labas. Ganon na lang ang gulat niya nang makita ang lalaking hawak-hawak ng mga body guard ni Chenric. Galit na galit ito at nagpupumilit na pumiglas. Bakas din ang gulat sa mukha nito nang makita sila.
"Anong ibig sabihin nito?" galit na sigaw ni Charlon.
"Bitiwan nyo na sya," utos ni Chenric sa mga body guard nito. Pagkatapos ay muling binalingan si Lyrich. "We're leaving. Since Charlon is already here." paalam nito.
"Wait, what is the meaning of this. Why he is here!?" Nagpapanik na tanong ni Lyrich kay Chenric.
"I know you have a hard time with our situation. So I want to help you. Hindi naman masama kung pagbibigayan mo ang iyon sarili paminsan-misan." nakangiting sagot nito.
"Paano yung wedding?"
"Don't worry, ako na ang bahala. Hindi muna ako magpapakita sa amin at sa lolo mo upang hindi nila mahalata na hindi tayo magkasama. Basta mag-enjoy ka lang dito at wag mo munang isip ang mga bagay sa labas ng island na 'to."
Hindi tuloy mapigilan ni Lyrich ang mapaluha dahil sa mga sinasabi ni Chenric. Bibihira na lang ang taong tulad nito. Nagpapasalamat siya dahil nagkaroon siya nang kaibigan na tulad ni Chenric.
Lumapit si Chernic kay Charlon at tinapik-tapit ito sa balikat. "Just take care of her," sabi pa nito bago tuluyang umalis kasama ang mga body guard.
Tila naistatwa naman ang dalawa sa kanila kinatatayuan. They do not know what to do. They have a hard situation. Ito ang unang beses na nagkita ulit sila mula nong birthday ni Chum. At alam nila na hindi maganda ang huling magkikita nila. Nasaktan nila ang isa't-isa kay napaka awkward ng sandaling ito para sa kanila. This is the most awkward moment in their life.
Si Charlon ang bumasag sa katahimikan. " Kumain ka na ba?" nahihiyang tanong nito.
"Dida ako dapat ang nagtatanong sa 'yo nyan?" nakataas kilay na sagot ni Lyrich.
"Hmm... K-kakain na sana ako sa isa fast food nang bigla akong harangin ng mga gagong 'yon. Tapos pilit pa nila akong dinala dito kaya...." Kakamot-kamot na sabi ni Charlon ngunit hindi nito matapos-tapos ang kanyang sasabihin dahil sa hiyang nararamdaman. Tapos bigla pang sumingit si Lyrich kaya hindi na niya naituloy ang nais sabihin.
"I'll check, if there was something to eat there." sabi ni Lyrich sabay takbo sa kusina upang makaiwas sa tension sa pagitan nila.
Agad naman sumunod si Charlon sa kanya at tinulungan siya sa pagluluto ng pagkain. Mukhang pinaghandaan talaga ito ni Chenric. Kumpleto ang kanilang kakailanganin sa loob ng isang linggo. Binilihan din nito ng gamit si Charlon na maaari nitong magamit habang nandito sila island.
Hindi alam ni Lyrich kung paano niya naitawid ang tanghaliang iyon nang hindi man lang sila nagkikibuan ni Charlon. Para silang estranghero sa isa't-isa. Hanggang sa matapos sila ay hindi man lang sila nakapag-usap.
Nakaupo sa dalampasigan si Lyrich nang biglang tumabi sa kanya si Charlon. Nilingon niya ito at tinitigan ngunit tila hindi nito napapasin ang kanyang pagtitig. Napakalayo ng tingin nito at para bang napakalalim ng iniisip. Nagulat na lang siya nang bigla itong magsalita.
BINABASA MO ANG
Miss. No Commitment [R-18]
RomanceHindi nakikipag-commitment si Lyrich sa mga naging boyfriend niya. Para sa kanya pampalipas lang ng oras ang mga ito hanggang sa makilala niya ang isang gwapo at matipunong lalaki na si Charlon. Ginulo nito ang isipan at damdamin nya. May mga bagay...