CHAPTER 24

522 7 1
                                    

Ligtas na sa panganib si Mr. Lanzano ng dumating si Lyrich ngunit hindi pa rin ito gumigising. Kasalukuyan itong nagtutulog sa isang private roon at binabantayan ng maglolong Tai-kong.

Kinabukasan na nagising si Mr. Lanzano. Si Lyrich ang unang hinanap nito. Tumulo ang luha ng matanda ng makita niya ang apo sa kanyang tabi. Ang buong alaka niya'y hindi na niya makikita ang apo. Ang dami niyang maling nagawa sa kanyang kaisa-isa anak at hanggang sa kanyang apo ay siya pa rin ang hadlang sa kaligayahan nito. Ang nais lang naman niya ay matupad ang kanyang pangako kay Mr. Tai-kong ngunit tila ayaw hayaan ng tadhanan na mangyari iyon.

"I-i am... S-sorry!" hirap na sabi ni Mr. Lanzano kay Lyrich. Hindi naman makapagsalita si Lyrich dahil sa pagbabara ng kanyang lalamunan. Lihim siyang nagpapasalamat nang makitang gising na ang kanyang lolo.

"F-forgive me for what I did to you and to your parents... H-hindi ko gustong pahirapan kayo... but because of a promise, I destroying the happiness of those people I love," patuloy ni Mr. Lanzano.

"Tama na po, wag na po kayong masyadong magsalita makakasama po 'yan sa inyo," awat ni Lyrich.

Umiling-iling si Mr. Lanzano at pinilit na bumangon sa pagkakahiga. Agad namang inalalayan ito ni Lyrich upang makaupo.  "I-i'm okay, Don't worry about me." Sabi ulit nito na pinipilit makapagsalita ng maayos.

"I-i know that I have done a lot of mistakes to you. But, believe me, Hindi ko gusto sirain ang kaligayahan nyong mag-ina. Nagkataon lang na may pangako akong binitiwan kay Dewei, that I want to fulfill," pag-uumpisa nito habang nakatitig sa kanyang apo. Nagbabakasakaling mapatawad at maitindihan siya nito kung sakaling sasabihin niya ang totoo.

"W-we were in high school when we made a promise to each other." dugtong pa nito na nanginginig ang tinig.  Mayamaya pa'y bumagsak na ang mga luha nito ng magsimulang magkwento sa kanyang apo.

Nasa high school noon Mr. Lanzano nang mangako sila sa isa't-isa ni Mr. Tai-kong na ipapakasal nila ang kanilang magiging mga anak balang araw. Ang akala nila ay ganon lang kadali iyon. Lalo na't sabay lumaki ang kanilang mga anak. Tulad nila ni Mr. Tai-kong naging malapit din sa isa't-isa ang mama ni Lyrich at ang papa ni Chenric.  Ni hindi nga mapaghiwalay ang dalawang iyon kaya ang akala nila'y higit pa sa pagiging magkaibigan ang nararamdaman ng dalawa para sa isa't-isa. Hanggang sa tumungtong ang mga ito sa kolehiyo. Mr. Tai-kong wants to study his son in China to master their business operations, kaya napilitan itong mag-aral doon.

Chinric's father wanted to include Lyrich's mom in China so they would be not seperated but she chose to stay here for her studies. Pinagpatuloy pa rin nito ang buhay kahit wala na ang papa ni Chenric. She studied at an exclusive school for girl. Doon nito nakilala si Mamita. Naging magkaibigan ang dalawa at nang dahil sa babaeng iyon nakilala nito ang lalaking kanyang iibigin. Nalaman na lang nina Mr. Lanzano na nakikipagmabutihan na pala ito sa lalaking ipinakilala ni Mamita. Nasaktan ng sobra ang papa ni Chenric ng malaman nito na umiibig na sa ibang lalaki ang kanyang kaibigan. Si Mr. Tai-kong ang sinisi nito kung bakit nawala ang babaeng iniibig nito ngunit binaliwa lang iyon ni Mr. Tai-kong noong una dahil ang alam nito'y ikakasal pa rin naman ang dalawa ano man ang mangyari. Ngunit hindi na napigilan ni Mr. Lanzano ang kanyang anak. Mahal na mahal nito ang lalaki at dahil hindi nga sang-ayon si Mr. Lanzano sa pakikipagmabutihan ng kanyang anak sa lalaking iyon. Lumayas ito sa mansion at sumama sa lalaking iniibig nito upang hindi na niya madiktahan ang buhay nito. Sumama naman ang loob Mr. Tai-kong sa kanya nang malaman nito ang ginawa ng anak niya. Bakit daw hinayaan nito ang kanyang anak na umibig sa iba. Paano na raw ang kasunduan nila? Siguradong hindi na matutuloy ang kasal dahil sa ginawa ng kanyang anak.

Ilang buwan ding hindi siya kinibo ni Mr. Tai-kong. Masamang-masama ang loob nito sa kanya. Wala raw siyang isang salita. Ni hindi raw siya marunong tumupad sa usapan. Hindi matanggap ni Mr. Lanzano ang mga paratang nito. Dahil alam niya hindi siya ganong klase ng tao. Tinutupad niya kung ano man ang pinangako niya. Kaya sumama ang loob ni Mr. Lanzano sa kanyang anak at nagalit ito ng husto sa lalaking inibig nito dahil iyon ang unang beses na sumira siya sa usapan nila ni Mr. Tai-kong.

Miss. No Commitment [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon