ITO ang pang limang araw na pag-aasikaso nina Lyrich at Chenric sa preparation ng kanilang kasal. Pagod na pagod at gutom na sila kaya naisipan nila na kumain muna sa resturant ng hotel na pag-aari ng Lanzano. Nanlaki ang mata ni Lyrich ng makita niya si Charlon sa lugar na iyon at hindi niya akalain na ito pala ang manager ng resturant ngunit bakit hindi niya nalaman iyon. Bakit hindi iyon sinabi ni Chum sa kanya, at kaylan pa nagtratrabaho si Charlon sa resturant na pag-aari ng lolo niya.
Kinakabahan na naman tuloy siya sa nakikitang galit sa mga mata nito. Nag-aapoy iyon sa sobrang galit. Kung sya lang ang masusunod kanina pa sila umalis sa resturant na iyon ngunit umiral na naman ang kalandian ng kasama niya. Hindi tuloy sila makaalis. Ang nakakainis pa panay ang pagpapasin nito kay Charlon kahit alam naman nito na masama na ang pagkakatitig ni Charlon sa kanila. Hindi na nga niya alam kung paano nya natapos ang kanyang pagkain sa sobrang kabang nararamdaman.
Nasa rest room siya upang mag-retouch nang biglang may pumasok. Siya lang ang tao kaya kinabahan siya nang makita ang galit na mukha ni Charlon
"Kamusta? Masarap ba? Mas magaling ba sya kaysa sa akin?" nanlilisik ang mga mata nito habang sinasabi iyon.
"H-huh? A-ano bang sinasabi mo hindi kita maintindihan?"
"Hindi nga ba? Lyrich? O ayaw mo lang intindihin!"
"Ewan ko sa 'yo! Hindi ko alam 'yang mga pinagsasabi mo," lalabas na sana siya ngunit hinatak siya pabalik ni Charlon.
"Wag mo kong tatalikuran kapag kinakausap pa kita," galit na sabi nito habang nanlilisik ang mga mata.
Biglang naman nakaramdam ng takot si Lyrich nang mapatitig siya sa nanlilisik na mga mata ni Charlon. "W-wala akong sasabihin sa 'yo," lakas loob na sagot niya sa kabila ng takot na nararamdaman.
"Puwes, ako meron! Marami akong gustong sabihin sa 'yo!"
"W-wala akong oras para makinig sa mga sasabihin mo, busy akong tao,"
"Bakit Lyrich? Bakit mo ko iniwan huh!? Bakit mo ko nagawang lokohin!? Lahat naman ginawa ko para sa 'yo! Minahal naman kita huh! Pero bakit Lyrich! Bakit?" bulyaw nito habang nakadiin ang mga daliri nito sa kanyang barso. Bakas na bakas sa mukha nito ang matinding galit. "Dahil ba sa pera huh? Tulad ka na rin ba ng ibang mga babae na mukhang pera? O baka naman hindi ka pa kuntinto sa pagpapaligaya ko sa 'yo! Bakit? Gaano ba sya kagaling para ipagpalit mo ko sa lalaking 'yon o sadyang makati ka lang kaya naghanap ka pa nang ibang kakamot sa 'yo. Kaya ko rin naman kamutin kung ano man ang makati sa 'yo! Alin ba? Kakamutin ko! Ito ba?" sabay hawak nito sa dibdib niya. Ang kaninang takot na nararamdaman niya ay napalitan ng galit dahil sa mga narinig niya mula sa bibig ng binata. Nanggigigil siya habang nagpipigil ng galit.
"O baka naman dito," dugtong pa nito na akmang hahawakan ang kanyang pagkababae ngunit bago pa nito nagawa iyon, dumapo na ang kanyang palad sa kanang pisngi nito.
"Wala akong pakialam kung anong isipin mo sa akin!" gigil na gigil na sabi niya. Nanginginig ang buo niyang katawan sa sobrang galit ngunit pinatatag niya iyon. "Hindi naman kita niloko huh! Una pa lang sinabi ko na sa 'yo na ayoko ng commitment. Na hindi ako nakikipag-commit sa kahit na sinong lalaki. Hindi ba pumayag ka naman! Okay lang, ang sabi mo, tapos ako pa ngayon ang may kasalanan kung bakit miserable ka ngayon. Sino bang tangang umasa sa wala. Ako ba? Diba ikaw!? Ikaw yung umasa kahit hindi naman kita pinaasa!"
"Dahil mahal kita Lyrich!" bulyaw din ni Charlon. "Mali bang umasang mamahalin mo rin ako!" may luhang pumatak sa kaliwang pisngi ni Charlon. Bakas ang matinding lungkot sa mga mata nito sa kabila ng galit na nakarehistro sa mukha nito. "Mali bang mahilin kita?"
"Oo, mali! Maling-mali na mahalin mo ko. Hindi mo dapat ako minahal!"
"Kung puwede nga lang eh! Kung puwede lang sanang turuan ang puso ko na wag ka nang mahalin. Kaso kahit anong pilit ko, hindi ko magawang! Hindi ko magawang turuan ang puso ko na wag ka nang mahalin."
BINABASA MO ANG
Miss. No Commitment [R-18]
RomanceLyrich doesn't commit to her boyfriends. Para sa kanya pampalipas lang ng oras ang mga ito. Until she met a handsome and muscular man named Charlon. It confused his mind and feelings. There are things she does that she didn't do before. Pinaramdam s...
![Miss. No Commitment [R-18]](https://img.wattpad.com/cover/64872390-64-k181414.jpg)