"Brad, gising na!" sabi ni Amber habang niyuyuyog ang natutulog pang si Charlon. "Sabi ko naman sa 'yo wag ka magpapakasaling."
"Ano ba! Magpatulog ka nga!" Inis na bulway naman ni Charlon na hindi pa rin dinidilat ang mga mata.
"Umaga na, kaya gumising ka na." yugyog ulit ni Amber. Ngunit ayaw pa rin gumising ni Charlon kaya napatingin na sa isa't-isa si Amber at Kenneth, hudyat para gawin na nila ang kanilang plan B. Binuhat nila si Charlon papunta sa CR at itinapat sa ilam ng rumaragasang tubig mula sa shower.
"Fuck!" biglang mura ni Charlon ng maramdaman ang malamig na tubig.
"Bilisan mo na brad, male-late na tayo sa kasal ni Lyrich." Sabi ni Kenneth bago nito isara ang pinto.
"Ano naman ngayon!" Sigaw ulit ni Charlon na para bang na-bad trip sa kanyang narinig. Napangiti na lang si Amber at Kenneth habang nakatingin sa pinto ng CR. Agad naman humiga ulit sa kanyang kama si Charlon pagkalabas nito sa CR.
"Yung totoo brad? Naligo ka ba?" Tanong ni Amber ngunit hindi na naman iyon pinansin ni Charlon. Nagtulog-tulugan na lang ulit ito.
"Aah, okay na yan. Mali-late na tayo. Hindi naman nila aamuyin kung naligo si Charlon o hindi." Agad nilang hinatak patayo si Chalon at agad na sinuotan ng breef.
"Anong bang ginagawa nyo? Hindi nyo ba nahahalata na ayokong pumunta sa pesteng kasal na 'yon." inis na sabi ni Charlon sabay tangal ng breif sa kanyang binti.
"Hindi puwede! Ikaw kaya ang best man kaya sa ayaw at sa gusto mo, pupunta tayo! Saka gusto mo bang sumama yung loob ni Lyrich kapag hindi ka pumunta." sagot naman ni Kenneth.
"Ah, Basta! Ayoko!" Hiyaw ulit nito sabay dapat ulit sa kama.
"Guys, ano ba!? Bilisan nyo na! Baka mauna pang dumating sa wedding hall yung bride sa tagal nyong magbihis." Bulyaw ni Chum, pagkabukas na pagkabukas nito sa pinto ng kwarto.
Nagkatinginan ulit si Amber at Kenneth sabay senyas sa isa't-isa gamit ang kanilang mga mata. Hinatak ulit nila patayo si Charlon at kinaladkad papunta sa kotse. Wala na silang pakialam ke sehodang nakahudab ito. Ang importante madala nila ito sa venue ng kasal.
Hindi talaga nila pinakawalan si Charlon hangga't hindi nila ito naaayusan. Hawak-hawak pa rin nila ang magkabilang braso nito habang inaayos ni Mitch ang buhok nito at nilalagayan naman ni Mexci ng light make ang mukha nito upang maging presentable naman ito sa harap ng mga bisita. Medyo nahirapan pa nga sila sa kanilang ginagawa dahil nagpupumiglas ito tapos umaandar pa ang sasakyan. Mabuti na lang nakarating sila ng maayos sa venue ng kasal.
"Oh, magbihis ka na. Nakakahiya naman sa 'yo kung paghihintayin mo yung bride at ang lolo nya," abot ni Kenneth sa puting tuxedo na susuotin ni Chalon. Inis na kinuha iyon ni Charlon at tamad na isinuot.
"Bakit ba kasi kaylangan ko pa magpunta sa pesteng kasalan na ito!" Iritadong sabi ng isip ni Charlon.
Nagsalubong ang mga kilay niya nang pagtinginaan siya ng mga tao nang bumaba siya sa sasakyan. Halos lahat 'ata ng bisita sa kanya nakatingin at kapag tumatama ang kanya paningin sa mga 'to. Nagyuyukuan ang mga ito tapos sabay ngingitian sya. Iiling-iling na lang siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga kaibigan nya. Mayamaya pinapunta na sila sa harap kung saan ikakasal si Lyrich at Chenric.
Sa totoo lang kanina pa niya napapasin na parang ang weirdo ng kinikilos ng mga tao sa paligid niya ngunit hindi na lang niya iyon binigyan ng pansin kahit gusto na nyang itanong kung bakit siya ang nasa harap nina Chenric, Chum, Amber at Kenneth. Diba dapat si Chernic ang nasa harap? Siguro ganon lang talaga yung traditional wedding ng mga Chinese.
![](https://img.wattpad.com/cover/64872390-288-k181414.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss. No Commitment [R-18]
RomantizmLyrich doesn't commit to her boyfriends. Para sa kanya pampalipas lang ng oras ang mga ito. Until she met a handsome and muscular man named Charlon. It confused his mind and feelings. There are things she does that she didn't do before. Pinaramdam s...