CHAPTER 16

579 9 1
                                    

Nang sumapit ang hapunan nakasabay niya ang kanyang lolo sa pagkain. Inuulan siya ng matinding kaba ng mga sandaling iyon. Tahimik ito nong una ngunit makalipas ang ilan sandali, ma-autoridad itong nagsalita. Nais nito na sa China siya mag-take ng kanyang internship since mag-ii-start na iyon. Ito na daw ang kakausap sa head ng kanilang department upang payagan siya na sa labas ng bansa mag-take ng kanyang internship.

Ayaw sana niyang pumayag dahil may plano na sila ni Chum kung saan sila magte-take ng kanilang internship ngunit hindi man lang siya hinayaang makapagsalita upang tumutol sa nais nito.

Dapat pa nga daw magpasalamat siya dahil binigyan siya nito ng oportunidad para makapagtrabaho sa isang maganda at respetadong kumpanya. Bibihira lang daw ang nagkakaroon ng ganoong klaseng oportunidad Kaya imbis na magreklamo siya, ipagpasalamat na lang daw niya iyon.

Tsk, parang utang na loob pa niya iyon. Bakit ginusto nya bang magtrabaho sa respetadong kumpanya sa labas ng bansa. Kung tutuusin okay lang naman sa kanya kung sa maliit lang na kumpanya siya magtrabaho as long na masaya siya. Ngayon hindi niya alam kung paano sasabihin kay Chum na hindi matutuloy ang pagpasok nila sa kumpanyang nais nilang pasukan. Siguradong magtatampo ito sa kanya sa oras na sabihin niya iyon.

Isa pa sa problema niya si Charlon. Nais ng lolo niya na layuan na niya ito kung ayaw daw niyang masira ang kinabukasan nito dahil lang sa pakikipagrelasyon niya sa binata. Siguro naman daw hindi niya gugustuhin maulit ang nangyari sa buhay ng kanyang mga magulang. Lalo na't hindi pa ito nakakatapos sa pag-aaral. Ayaw niyang mangyari kay Charlon ang nangyari sa kanyang ama, ayaw niyang madanasan nito ang hirap na narasanan ng papa niya sa kamay ng kanyang lolo kaya kahit masakit para sa kanya ang paglayo sa binata susundin na lang niya ang nais ng kanyang lolo. Oo, alam niyang sanay si Charlon sa hirap at sanay din naman siya doon. Siguradong kakayanin nila ang ganoong klase ng buhay ngunit ayaw niyang maghirap ito ng dahil lang sa kanya isa pa may utang pa siyang dapat bayaran sa kanyang lolo.

Patuloy pa rin siya sa pagpasok sa eskwelahan habang inaayos ng sekretarya ng kanyang lolo ang mga requiments niya sa paglipat sa China. Ngunit hindi na tulad ng dati ang buhay niya. Kung dati-dati nagco-commute lang siya sa pagpasok, ngayon di kotse na siya at may driver pa. May dalawa rin siyang body guard na laging nakasunod sa kanyan kahit saan man sya magpunta. Magagara at mamahaling damit na rin ang mga sinusuot niya. Naka-branded na bag at sapatos, may wallet na naglalaman ng tatlong credit card at libo-libong pera. Ni hindi nga niya alam kung magkano lahat iyon. Wala rin kasi siyang balak na bilangin o galawin iyon mas gusto pa nyang magpalibre kay Chum kesa galawin ang perang ibinigay ng kanyang lolo.

Hindi rin naman na bago sa kanyang ang mga iyon dahil naranasan na niya iyon noong nanirahan siya sa mansion ng kanyang lolo ngunit hindi pa rin siya sanay na mamuhay tulad ng gusto nito. Kuntinto na siya sa simpleng pamumuhay basta nakakakain siya ng tatlong beses sa isang araw at nabibili niya ang kanyang mga pangangailangan, iyon lang masaya na siya.

Noong una natutuwa pa si Chum at ang mga classmate niya sa pagkakaroon niya ng body guard dahil ang suwerte-suwerte daw niya. Idagdag pa ang mga ibinibigay niyang gamit kay Chum na kinatutuwa nito. Pano ba naman araw-araw may mga bago siyang gamit. Pinapa-dreliver iyon ng kaylan lolo. Tuwing uuwi siya may mga empleyado ng iba't-ibang boutique sa kanilang mansion upang papiliin siya sa mga dala ng mga ito pero ni minsan hindi niya nagawang mamili sa mga iyon kaya hinahayaan na lang niya na ang mga ito ang mamili para sa kanya upang wag lang mawalan ng mga trabaho. Pano kinukunsensya siya ng mga ito. Kung hindi raw siya pipili siguradong mawawalan ng trabaho ang mga 'to. Minsan naman dumediretso na ang kanyang driver sa mall upang sya mismo ang pumunta sa mga boutiques na nais niyang pasukin at bilihan o kaya naman sa mga salon and spa. Natatandaan pa nga nya noong minsan sinamahan siya ng kanyang lolo sa pamamasyal sa mall. Ito rin ang namili ng mga damit at gamit para sa kanya. kumain din sila sa isang mamahaling resturant. Sinama at ipinakilala rin siya sa mga empleyado ng hotel na pagmamay-ari nito. Kung hindi nga lang niya alam ang totoo ugali nito iisipin niya na napakabait nito pero hindi iyon totoo. Nagbabait-baitan lang ito dahil may kaylangan ito sa kanya kaya kung ano-anong kabutihan ang ginagawa nito para sa kanya. Dahil kung totoo mabait ito hindi sana nito pinahirapan ang kanyang mga magulang at hindi hihingi ng kundisyon upang tulungan ang sarili nitong anak.

Miss. No Commitment [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon