CHAPTER 18

522 13 2
                                    

Dahan-dahan siyang pumihit paharap dito. Nakadapa pa rin ito habang tinatawag ang kanyang pangalan. Tila may sariling buhay ang kanyang mga paa nang dahan-dahan itong lumakad papalapit sa natutulog na si Charlon. Maingat siyang umupo sa kama upang tabihan ito. Kahit madilim ay naaaninag niya ang gwapo nitong mukha. Nanginginig ang kanyang kamay habang papalapit iyon sa mukha ni Charlon, pagkatapos ay iginala niya iyon sa makinis nitong mukha. Napakunot ang kanyang noo ng maradaman ang kaunting likido sa gilid ng labi nito. Inilawan niya ang kanyang kamay gamit ang cellphone upang makita ang likidong dumikit sa kanyang daliri. Bigla siyang nakaramdam ng takot at kaba ng makita ang pulang likido sa kanyang daliri. Agad niyang itinutok ang liwanag ng cellphone sa gilid ng labi nito. Ganon na lamang ang kanyang pagkabigla ng makita ang sugat sa gilid ng labi ni Charlon. Dali-dali siyang tumayo upang buksan ang ilaw pagkatapos ay agad na hinanap ang medicine kit nito upang gamutin iyon.

Hinubaran at nilinisan na rin niya ito. Hindi tuloy niya maiwasan humanga sa matipunong katawan ni Charlon. Ibang-iba na ang hubog ng katawan nito kumpara noon. Mas naging perpekto na ang mga pinagkakalagyan ng mga mascle nito ngayon. Mukhang alagang-alaga iyon sa gym. Ang mabagong panglalaking amoy nito ay hindi pa rin nagbago. Nakakaakit at nakakawala ng ulirat. Ang bawat paghinga nito ay nakakapangilabot at nakakapanghina. Muli na naman niyang naramdaman ang pamilyar na kuryente habang pinupunasan niya ang hubad na katawan nito. Tila nanggagaling iyon sa mainit na katawan ng binata at dumadaloy sa kanyang mga palad papunta sa kanyang katawa. Parang pinaparusahan na naman siya habang sinusuri ang hubad nitong katawan.

"Magtigil ka nga Lyrich," saway ng isip niya sa kanyang sarili ng makaramdam na naman ng pagnanasa sa lalaking kaharap.

Bigla siyang napasigawa ng kabigin siya nito pahiga at yakapin. Matinding kaba ang umalipin sa kanya ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin kung sakaling magising ito sa pagkakasigaw niya.

Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya na natutulog pa rin ito. Napangiti siya nang mapansi na nanaginip ito. Mukhang napapanaginipan nito ang masasyang araw na magkasama pa sila. Hindi tuloy niya napigilan ang mapaluha ng maalala iyon. Lalo na ng lumabas sa bibig nito ang salitang I love you Lyrich. Ilan taon na rin nyang hindi narinig iyon mula sa binata. At miss na miss na niya ang salitan iyon. Tila may kung anong kirot na gumuhit sa kanyang puso sa mga sandaling iyon.

"I love you too, mylabs." Lakas loob na sagot niya dahil alam niya na hindi siya nito naririnig.

Mahigit isang oras din niya itong pinagmadas bago naisipang bumangon at lisanin ang lugar na iyon. Palabas na siya ng pinto ng mapagbuksan niya si Amber. Gulat na gulat ito at tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

"L-lyrich!?" wala sa loob na sabi ni Amber habang naka-hang pa rin ang susi sa kamay nito. Sususian na sana nito ang door knob kung hindi lang niya iyon binukasan.

"I-ikaw ba talagayan, Lyrich? O nananaginip lang ako?" Hindi makapaniwalang tanong ulit nito na kinusot-kusot pa ang kanyang mga mata upang makasigurado na hindi nga siya nananaginip.

Bigla tuloy nakaramdam ng hiya si Lyrich. Tumango-tango siya bilang sagot sa tanong ni Amber. "Hmm.. Ano kasi.. Si Chum. Ito yung binigay na address sa akin. Ang akala ko kanya 'tong apartment— pero wag kang mag-alala paalis na rin naman ako!" Sabi pa niya upang mapagtakpan ang hiyang nararamdaman.

"Huh! Bakit? Bakit ka pa aalis? Ilang oras na lang din naman mag-uumaga na kaya dito kana magpalipas ng oras. Saka dilikado na sa labas ngayon." Sabi ulit ni Amber ng makabawi sa pagkabigla. Pagkatapos ay tinulak na siya nito papasok.

"Pagpasensyahan mo na nga lang ang bahay. Masyadong magulo. Mula kasi nung nawala ka sa buhay ni Charlon ganing magulo na ang buhay nito kaya pati bahay naging magulo na rin."

Miss. No Commitment [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon