CHAPTER 19

545 10 0
                                    

Handa na ang almusal nang matapos maligo si Lyrich. Handang-handa na sana siya upang umalis ngunit bago pa siya makapagpaalam niyaya na siya ni Charlor sa dinning table upang kumain. Todo asikaso pa ito sa kanya tulad noon. Hinahainan at pinagsasalin ng tubig. Susubuan din sana siya nito ngunit tumanggi siya. Hindi na dapat nito ginagawa ang mga bagay na ginagawa nito noon sa kanya at ayaw niyang paasahin pa ito na may namamagitan pa sa kanila.

Ilan minuto rin ang umalipin sa kanila. Ni isa walang gusto magsalita. Gustuhin man ni Amber na basagin ang katahimikan ngunit hindi niya magawa dahila sa nararamdamang tensyon sa paginatan ng dalawa. Tila may mali sa mga nangyayari ngayon. Parang iba na ang Lyrich na kaharap nila ngayon. Ibang-iba sa Lyrich na nakilala niya noon. Napakatipid nito kung sumagot at tila umiiwas sa mga tanong. Parang bang may tinatago ito.

"Awkward!" pahaging na sabi ni Amber sa kabila ng tensyon sa paginatan ng dalawa. Sinamaan tuloy siya ng tingin ni Charlon. Bigla tuloy siyang kinabahan sa ikinikilos ng dalawa. Feeling niya may hindi magandang mangyayari.

Tunong ng cellphone ang umalingawngaw sa katahimikan. "Excuse me, I have to take this call," paalam ni Lyrich bago siya tumayo upang sagutin ang tawag. Hindi na siya nagtaka nang makita niya kung sino ang tumawag. May usapan sila ni Chernic na magkikita ngayon para asikasuhin ang nalalapit nilang kasal. Sinabi niya ang address ng appartment ni Charlon upang masundo siya nito. Iniligtas na naman kasi siya ni Chanric sa kanyang lolo. Sinabi nito na magkasama sila kagabi dahil sa condo nito siya tumuloy imbes na sa mansion nang sa ganoon hindi siya mapagalitan. Alam na alam na kasi nito ang ugali ng kanyang lolo at alam din nito na sesermunan na naman siya kapag nalaman nito na sa iba siya nagpunta. Lalo na kung malalaman nito na nasa apartment sya ni Charlor ngayon.

"Sorry, I have to go," paalam niya nang matapos kausapin si Chenric.

"Huh! Aalis kana agad, hindi ka pa tapos kumain," awat sa kanya ni Charlon.

"Sorry, but I have a lot of things to do,"

"Ah, babali ka naman diba," hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Charlon. Hindi niya masabi na ito na ang huli nilang pagkikita dahil ikakasal na siya sa iba.

Kinakabahan naman si Charlon sa isasagot ni Lyrich. Kung sakasakali hindi ata niya kayang marinig ang negatibong sasabihin nito.

"Hmm.. ihahatid na kita, saan ka ba pupunta?" sabi ulit niya upang hindi na marinig ang isasagot nito. Nguniti bigla siyang natigilan sa sagot nito.

"No, my fiance will fetch me here," Biglang nagdilim naman ang paningin ni Charlon. Tiim bangang itong tumingin sa kanya.

Ramdam na ramdam naman ni Lyrich ang galit sa mga mata ni Charlor base sa matatalim na tingin nito sa kanya. Ngayon lang niya nakitang ganoon ito kaya bigla siyang nakaramdam ng takot.

Ganon din ang naging reaction ni Amber ng marinig din ang sinabi niya Nakaramdam din ito ng takot para sa dalaga. Alam nito na iyon ang ayaw marinig ni Charlon.

Nakasandal sa kanyang kotse si Chenric nang labasin ito ni Lyrich. Humalik siya sa pisngi ng binata nang siya ay makalapit ngunit bigla siyang natigilan nang hindi man lang ito kumilos. Titig na titig ito sa kung ano mang bagay sa kanyang likod. Agad din naman siyang napalingon sa tinititigan nito. Ganoon na lang ang kanyang pagkabigla nang makita niya si Charlon at Amber sa kanyang likod. Bakas pa rin ang galit sa mga mata ni Charlon habang takot na takot naman si Amber sa maaaring gawin ni Charlon kaya todo ang alalay nito kay Charlon upang mapigilan ang nais nitong gawin.

"Ah, s-si Chanlon," pagpapakilala niya sa kabila ng matinding kaba. "Lyrich's boyfriend," dugtong pa ni Charlon sa nanunuyang tinig.

"W-was," dugtong din ni Lyrich ngunit tila bulong na lang iyon sa kanilang pandinig.

Miss. No Commitment [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon