CHAPTER 17

523 10 1
                                    

APAT na taon na ang nakalipas mula ng umalis ng pinas si Lyrich. Mula kasi noong nag-intern siya sa company ng mga Tai-kong hindi na niya nagawang makabalik sa Pilipinas dahil sa kagustuhan ng lolo niya. Kahit hindi na siya pumapasok sa eskwelahan niya sa pinas, naka-graduate pa rin siya sa tulong ng impluwensya ng kanyang lolo ngunit hindi na siya nakaakyat ng stage upang tanggapin ang kanyang deploma. Ang kang lolo Lazaro na ang gumawa non para sa kanya. Ito ang umakyat sa stage at tumanggap nang deploma niya.

Patuloy siyang nagtratrabaho sa kompanyang iyon kahit tapos na ang kanyang intern at doon niya nakilala ang lalaking nais ipakasal sa kanya. Si Chenric Tai-kong ang pangalawang at nag-iisang lalaking apo ni Mr. Dewei Tai-kong. Noong una akala niya hindi niya makakasundo ang binata ngunit habang nakikilala niya ito unti-unting nakapalagayan niya ito ng loob. Si Chernic ang naging bestfriend niya sa China. Ito rin ang lagi niyang nakakasama sa lungkot at saya. Lahat ng sekreto niya ay alam nito. Lahat din naman ng sekreto nito ay alam niya. Siguradong hindi sila mahihirapan sa oras na ikasal at magsama sila kaya hindi na big deal sa kanyang kung magpapakasal sila ng binata. At least mababayaran na niya ang pagkakautang niya sa kanyang lolo.

Mas nakilala rin niya ang kanyang lalo sa apat na taon niyang pamamalagi sa China. Hindi pala ito kasing sama tulad ng kanyang iniisip. May kabutihan din naman pala itong tinatago at napatunayan niya iyon sa mga panahon na magkasama sila. Madalas siyang dalawin nito sa bahay na tinutuluyan niya. Minsan umaabot ito ng isa o dalawang linggo upang makasama siya ng matagal. Pinagluluto at inaasikaso rin siya nito. Hindi na nga niya alam kung ilan beses nitong ginawa iyon sa kanya. Sinasamahan din siya nitong maglibot sa mga lugar sa China. Minsan naman kasama nila si Mr. Dewei at Chenric sa pamamasyal. Madalas din silang maglaro ng Dou dizhu or fighting the landlord, ang pinaka papolar na card games sa China. Si Mr. Dewei mismo ang nagturo non sa kanya. Ngunit kahit anong kabutihan ang ipakita ng lolo niya hindi pa rin niyang magawang paniwalaan iyon at hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang sama ng loob niya sa kanyang lolo. Para sa kanya isa pa rin itong halimaw na napakalupit at walang pusong nilalang.

Kahit pano ay nakayanan naman niya ang bago pamumuhay niya kahit na paminsan-misan nami-miss niya ang dati niyang buhay lalo na ang unang lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal.

NAKATANAW sa labas ng bintana ng grab car si Lyrich habang pinagmamasdaan ang mga nagtataasang establisyementong gusali na nadadaanan nila. Sa loob ng apat na taon ngayon na lang ulit siya nakatungtong sa Pilipinas kaya naninibago na siya sa ibang lugar na nadadaan nila. Nadagdagan na kasi ng mga gusali ang ibang lugar. Yung iba naman na-renovate na kaya hindi na niya makilala ang mga gusaling iyon.

She arched her upper lip when she suddenly remembered her own engagement party. Ngayon araw inyon gaganapin sa mismong hotel na pag-aari ng kanyang lolo Lazaro. Kagabi pa siya nito tinatawag-tawagan upang ipaalala iyon sa kanya. 7:00 pm mag-sisimula ang party kaya kaylangan nasa hotel na siya before 7:00 pm. Madaling araw ang kinuhang fligth ng kanyang lolo upang maaga siya makarating ng pinas ngunit na-delay ng eigth hours ang kanilang flight kaya alas dos na ng hapon nakalipad ang eroplanong kanilang sasakyan. Lihim naman siyang natuwa sa pagkaka-daley ng flight niya. Feeling niya umaayon sa kanyang ang tadhanan.

Madilim na ng sila'y makalapag sa Naia. Agad niyang tinawagan si Chum upang hingiin ang bagong address nito. Plano na talaga niya na sa apartment ni Chum tumuloy. Wala kasi syang balak na um-attend sa engagement party nila ni Chenric. Alam na ng binata ang plano niya ngunit hindi niya sinabi na kay Chum siya tutuloy. Ang alam nito sa mansion ng mga Lanzano siya didiretso. Kahit ang kanyang sekretarya ay wala rin alam sa plano niya. Basta inutusan na lang niya ito na um-attend sa party upang ito ang humarap sa mga tao at humingi ng despensa sa hindi niya pagdalo.

Walang tao nang dumating siya sa address na ibinigay ni Chum. Siguro ay nasa trabaho pa ito o kaya naman nasa galaan. Madalas hating gabi na sa Pilipinas kapag nakaka-chat nya ito. Pano laging  laman ng mga bar at club ang babaetang iyon at kung minsan naman ay nasa bahay ito ng kanyang boyfriend. Mabuti na lang sinabi nito kung saang sekretong nakalagay ang duplicate ng susi nito kaya nakapasok siya sa loob ng apartment nito.

Miss. No Commitment [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon