Alyssa's POV
Papunta na kami ng Batangas ngayon. And guess what, kasama si Kief. Pakana to ni Ella, wala kasi driver niya kaya tinawagan niya si Kiefer ng hindi nagsasabi sa akin, nagulat na lang ako kanina pag gising ng madatnan ko siya sa living room.
*flashback*
Alyssa: "Besh mauna na kami baka maiwan kami ng bu-- Kief?? Anong ginagawa mo dito?"
Kiefer: "Tinawagan ako ni Ella, she asked me a favor to drive you going to Batangas kasi wala daw ang driver niya."
Alyssa: "Besh! Diba sabi ko okay lang mag commute kami."
Ella: "Hindi okay sa akin besh, hindi na safe ang panahon ngayon noh! At baka nakakalimutan mo ikaw si Alyssa Valdez, baka dumugin kayo ng mga tao sa terminal."
Kiefer: "Ella's right Ly, concerned lang siya sayo."
Alyssa: "Pero Kief you have your training. Baka pagalitan ka ng coach niyo."
Kiefer: "Don't worry about our training. Pwede naman akong mag overtime. I just want to make sure na safe kayo makarating ng Batangas."
Ella: "Pumayag ka na besh. Mas mapapanatag ang loob ko kung kasama niyo si Kief."
Alyssa: "Okay fine. Wala naman akong magagawa eh."
*end of flashback*
Alyssa: "Kief kalian ka huling nakapunta sa Batangas?" close rin kasi si Kief sa family ko. Even noong sila pa ni Mika, bumibisita siya kina Papa every month, and that's one of the many reasons bakit nag-aaway sila.
Kiefer: "Last month pa, matagal na nga eh. Naging busy na kasi ako lately sa training namin." Kahit na wala ako, binibigyan talaga ni Kief ng time na bisitahin sila Papa.
Alyssa: "Kamusta si Papa at Mama?" kasi nga diba simula ng umalis ako, wala akong update dito kahit konti.
Kiefer: "Okay naman sila, but of course malungkot. Yung bahay niyo mafifeel mo na nababalot ng kalungkutan. Sobrang tahimik hindi kagaya ng dati na sa labas ka pa lang, maririnig mo na ang mga masasayang boses." Di ko maiwasang malungkot at ma guilty pero kinailangan ko lang yung gawin para hindi sila mahirapan. Sana mapatawad at maintindihan nila ako.
Alyssa: "Tatanggapin pa kaya nila ako at mapatawad Kief? Pagkatapos ko silang iwan, siguro kinalimutan na nila ako."
Kiefer: "Huwag kang mag-isip ng ganyan. Of all the people na dapat umintindi sayo, sila yun. Mahal na mahal ka nila Ly alam mo yan."
Alyssa: "You know what you're right. Hindi ko alam pero lately I've been so pessimistic, hay ewan." I should really stop thinking of negative things, dapat always positive ako.
Kiefer: "You should meditate Ly, gaya ng ginagawa niyo during games."
Alyssa: "Yes I'll definitely do that, hindi na rin kasi ako nag memeditate kaya siguro punong puno na ako ng negative vibes."
*fast forward Batangas*
Andito na kami sa labas ng bahay. Tama nga si Kief, sobrang tahimik ng paligid. Yung garden ni mama wala ng mga bulaklak, a lot has changed.
Alyssa: "Tama ka nga, ibang iba na ang paligid dito, malungkot at tahimik."
Kiefer: "Don't worry, ngayon na nagbalik ka, babalik na rin ang sigla dito. Are you ready?" tumango lang ako. I know this is my family pero kinakabahan pa rin ako, hindi ko alam kung ano magiging reaction nila pagkakita sa akin.
Cienne: "Mommy where are we?" gising na pala siya.
Alyssa: "We're in Batangas baby. This is where your grannies live, my mom and dad."

YOU ARE READING
All for Love
Fiksi PenggemarThis was what love meant after all: sacrifice and selflessness. It did not mean hearts and flowers and a happy ending, but the knowledge that another's well-being is more important than one's own. You don't just have to die for love. You need to liv...