Alyssa's POV
4 months na pala simula noong nagkita kami ni Ella dito sa US. And for that 4 months, pabalik-balik siya dito, kinakamusta kami at binibisita. My family and team are still clueless about Ella constantly visiting me. Besh understands that I still need time. In 3 months time, Pasko na. Im thinking of going home after the holidays.
As for my usual routine, I'm at the clinic now nagtatrabaho. Di na masyadong busy unlike before, sa isang araw meron na lang 3-4 appointments kaya maaga akong nakakauwi ng bahay pa minsan minsan.
Alyssa: "That'll be all for today Nick. Your follow-up appointment will be next week, so I'll see you then." Natapos rin ang mga appointments ko for today.
Nick: "Thank you Doc. I'll see you then." Lumabas na siya at niligpit ko na ang gamit ko.
*riiiiiiiiinnnnnnnnnnngggggg* *riiiiiiiiinnnnnnnnnnngggggg*
Besh Ella calling..
Alyssa: "Hello besh. Napatawag ka?" nakapagtataka na tumatawag si Ella sa akin, usually kung may kailangan siya, she will just message me sa viber.
Ella: "Besh ano kasi, pupunta ako jan in 2 days. Di naman ako magtatagal, mga 3 days lang kasi 1 week lang ang break namin for SVL."
Alyssa: "Ano ka ba besh, di ka pa nasanay na pabalik-balik ka na dito. Send me na lang your flight details para masundo kita sa airport."
Ella: "Thank you besh. I'll email you my flight details later pag-uwi ko. Isama mo si Cienne ha sa pagsundo mo sakin. Miss ko na kasi yung bata. May dala rin kasi ako para sa kanya." Ang weird naman, dati pag sinusundo ko si Ella sa airport, di niya pinapasama si Cienne kasi baka daw mapagod. Ngayon pinapasama niya. Hay nako Ella, ang bipolar mo talaga.
Alyssa: "Sure besh. She misses you too. Hahaha nako ha baka kung ano yang ibibigay mo sa anak ko."
Ella: "Eto naman di na nasanay, yong paborito niya lang naman po na polvoron sa Goldilocks ang dala ko. Hahaha" yup sobrang paborito ni Cienne ang polvoron sa Goldilocks. Last time nagdala si Ella ng 3 boxes, si Cienne lang nakaubos. Grabeng bata, ang takaw-takaw. Manang mana sa akin.
Alyssa: "Besh isang box lang ang bilhin mo, last time kasi, si Cienne lang umubos ng 3 boxes na dala mo. Baka magkadiabetes pa tong anak ko o maging mataba. Nako nako. Hahaha at tsaka besh please naman oh, magdala ka ng bagoong. Sobrang miss ko na ang bagoong. May nabibili naman in can. Kahit dalawang can lang." wala kasing mabibili na bagoong dito kasi mabaho daw. Aarte naman ng mga kano hahaha.
Ella: "Oo na oo na. Sige na. Send ko na lang later ang flight details ko. See you in 2 days!"
*end call*
Denden's POV
4 months ko ng naoobserbahan na pabalik-balik si Ella ng US. Usually kasi before, kung SVL season focus lang siya sa training. Ngayon kahit 1 week lang pahinga ng training namin, pumupunta siya agad ng US. Kung tatanungin ko siya sabi lang niya sa akin may aasikasuhin lang daw siya for their family business. Pero di ko talaga magawang paniwalaan siya eh, alam ko kasi kung nagsisinungaling siya, lumalaki ang ilong. Hahaha bago ko nga pala kalimutan, ako si Denden isa sa pinaka matalik na kaibigan ni Ella.
Last month nahuli namin ni Kiwi si Ella na may kausap sa phone niya.
*flashback*
Ella: "Send ko na lang sayo flight details ko. Hoy huwag mo akong kalimutan sunduin sa airport ha..... Oo na di ko kakalimutan ang polvoron sa Goldilocks.... 3 boxes? Grbe ka naman, ang takaw takaw mo.... Manang mana nga sayo.... Oh sige na baba na natin baka mahuli pa ako dito.... Bye"

YOU ARE READING
All for Love
FanfictionThis was what love meant after all: sacrifice and selflessness. It did not mean hearts and flowers and a happy ending, but the knowledge that another's well-being is more important than one's own. You don't just have to die for love. You need to liv...