Chapter 39

2.8K 80 6
                                        


Alyssa's POV


2 months na lang before ang wedding namin ni Kiefer and for the past month ang daming nangyari. The team won the championship against F2, naging hectic din ang schedule ni Kiefer dahil papalapit na ang FIBA they have to train twice a day even on Sundays kaya nawawalan na siya ng time para sa amin. Pero I understand naman kasi he's not doing it just for himself but for the country as well.


Aalis si Kiefer sa makalawa together with his team sa Boracay, magrerelax lang daw sila dahil sobrang stressed at pressured na sila. Pinilit ako niya akong sumama pero hindi ako pumayag dahil vacation yun ng team nila at kung sasama ako, I know na hindi siya mag eenjoy. I want him to enjoy and savor his remaining days of being single, may tiwala din naman ako sa kanya.


Kiefer: "Babe, hindi na lang kaya ako sasama sa team?" tanong niya sa akin habang nag-eempake kami ng mga dadalhin niya, 3 days lang sila dun.

Alyssa: "Babe you deserve to have a vacation." Sabi ko naman.

Kiefer: "How will I enjoy if wala kayo dun?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

Alyssa: "Ang clingy mo masyado babe. You'll enjoy it there, you're with your team naman." Sabi ko naman at ngumiti.

Kiefer: "Bakit parang mas gusto mong sumama ako sa kanila? Kung ibang babae pa yun, hindi ako papayagan o kaya sasama sa akin." Tumingin ako sa kanya at pinanlakihan ko ng mata.

Alyssa: "Well I'm different." Sabi ko at umirap. "You should be thankful pa nga kasi I'm giving you the chance to enjoy while you're single."

Kiefer: "Hindi ka natatakot na baka may umakit sa akin dun?"

Alyssa: "I trust you Kief. At kung may magawa ka man dun na kalokohan, well it's your choice. It only means na hindi talaga tayo para sa isa't isa."

Kiefer: "Not meant to be agad babe? Di ba pwedeng pagsubok lang?" sabi niya. Agad ko naman siyang binato ng damit.

Alyssa: "So magloloko ka nga dun?" tanong ko sabay taas ng kilay.

Kiefer: "I don't mean it that way babe. Pero totoo naman kasi, di maiiwasan ang pagsubok sa buhay. Depende na lang sa atin yung kung paano natin ihahandle yun, kung magpapatinag ba tayo." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Alyssa: "Ang dami mong satsat, yes or no lang naman ang sagot sa tanong ko." sabi ko at sinara ang maleta niya. "Matulog na nga tayo, maaga training niyo bukas."


Humiga na ako at sumunod naman si Kiefer. Di rin nagtagal at nakatulog na kami.


**


Kakaalis lang nila Kiefer for Boracay, hindi pa nag-iisang oras pero I miss him already. Ganito talaga siguro kung nasanay ka na araw araw mo siyang kasama. Si Cienne naman nalulungkot dahil miss na din daw niya ang kanyang daddy, gusto nga niyang sumunod right after the plane took off. Kaya eto, ipagshashopping ko na lang siya para mawala ang nararamdaman niyang lungkot and it's been a while rin kasi na hindi kami nakapag mother daughter bonding.


Alyssa: "Don't be sad baby, daddy will be back soon. And diba he promised to bring you lots of pasalubong?" sabi ko sa kanya pero hindi siya umimik, tahimik lang niyang pinagmamasdan ang langit. "Will it make you happy if we go shopping and buy you new toys and dress?" tanong ko sa kanya at nakita ko naman na napatingin siya sa akin.

All for LoveWhere stories live. Discover now