Chapter 15

5.5K 113 6
                                        

Kiefer's POV

6AM ng magising ako, tulog pa si Ly. Babangon na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan, si Cienne tumakbo patungo sa akin.

Kiefer: "Good morning baby! Ssshhhh mommy's still sleeping, we don't want to wake her up right?" tumango lang siya habang tinatakpan ang kanyang bibig. "Where did you sleep last night?"

Cienne: "With momsie and popsie."

Kiefer: "Okay baby. Let's make breakfast for mommy while she's still asleep. Let's go?"

Cienne: "Yes! Can we make her pancakes daddy? And egg and bacons." Tumango lang ako at tumayo na. Binuhat ko si Cienne habang papunta ng kusina.

Si Tita naghahanda ng almusal habang si Tito naman nagbabasa ng dyaryo at nagkakape. 

Ruel: "Kief hijo ba't ang aga mo nagising?"

Kiefer: "Nasanay na po kasi katawan ko tito." Binaba ko si Cienne at lumapit ito kay Tito at Tita. Agad naman itong umupo sa upuan.

Lita: "Si ineng tulog pa?"

Kiefer: "Ahh opo tita. Maya-maya pa yun magigising, lasing kasi kagabi." Tumawa lang sila. "Tita okay lang po ba na kami ni Cienne magluto ng almusal ni Ly?"

Lita: "Oo naman hijo. Ano bang lulutuin niyo para ipahanda ko kay Inday."

Kiefer: "Pancake, egg and bacon lang po Tita." Tinawag niya si Inday para ipahanda ang lulutuin.

Habang mini-mix ko ang pancake batter, si Cienne sikretong tumitikim. Saktong pagkatapos ko, dumating sila Mama, Papa, Dani, Thirdy at Ella.

Mozzy: "Good morning everyone!"

Lita: "Oh mare good morning." Nagbeso lang sila.

Dani: "Manong what's that?" sabi niya habang lumalapit sa akin.

Kiefer: "Pancakes for Ly. Besh kamusta naman si Den  at Kiwi?"

Ella: "Haaaay nako nakakastress! Para akong nag-aalaga ng dalawang bata. Si Den palaging nagsusuka at umiiyak, si Kiwi naman parang baliw tawa ng tawa habang gumugulong sa sahig. Jusko ewan ko na lang parang ayokong magka-anak." Hindi namin mapigilang tumawa. Puyat pala tong si Ella.

Thirdy: "Kaya pala ang laki ng eyebags mo ate, pinuyat ka nila Ate Den hahaha." Agad namang kinuha ni Ella ang phone niya para tingnan ang kanyang mata.

Ella: "Why am I friends with you again?" sabi niya habang inirapan si Thirdy. May pagka mataray din minsan tong si Ella eh pero more on bully talaga siya.

Bong: "Sige Ferdinand awayin mo si Ella, hindi ka niyan ilalakad kay Beatriz." Ganyan talaga si Papa, hindi sila tinatawag sa palayaw nila. Ewan ko kung anong trip niya, ayaw pa naman ni Thirdy na tinatawag siyang Ferdinand pang matanda daw kasi ang pangalan.

Thirdy: "Pa naman nawawala ang ka gwapohan ko sa Ferdinand na yan eh. At tsaka kahit hindi nila ako ilakad kay Bea, ano pang silbi ng Ravena charms."

Dani: "Oh my gad, taas ng confidence mo Kuya! Mag kape ka nga para naman kabahan ka." Madalas lang talaga magkasundo ang dalawang to.

Ella: "Kaya pala tumitiklop ka pag kaharap mo si Bei. Ravena charms pala Ferdinand hahahahaha." Kita niyo? Ganyan ka bully si Ella, walang nakakatalo sa kanya. Walang magawa si Thirdy, yumuko lang siya habang ang kanyang mukha namumula.

Mozzy: "Oh tama na yan. Tulungan niyo na si Lita para maka-kain na tayo." Kakatapos lang ng niluluto ni Tita, ako naman ngayon ang magluluto para kay Ly. Pinauna ko ng kumain si Cienne habang nagluluto ako. Ayun nagpapasubo kay Thirdy.

All for LoveWhere stories live. Discover now