Chapter 28

4.7K 135 11
                                        

Alyssa's POV

Bea: "You actually said that Ate?" tanong niya.

Today's my first day of training with them, while waiting for Coach Tai nagkukwentuhan muna kami and I told them about my encounter with Mika and Tyang Aby. Hindi nga sila makapaniwala na nagawa ko yun dahil sa pagkakakilala nila sa akin, di ako pumapatol sa mga ganyan.

Ella: "Besh, medyo bitchy ka dun ahh. Pero infairness, I like that attitude. Hahaha."

Kiwi: "I didn't know you had it in you besh." Sabi ni Kiwi.

Jia: "Oo nga ate. You were so shy and timid before. You really came out from your shell ngayon." Sabi niya.

Alyssa: "Di ko rin inexpect talaga na magagawa ko yun. I guess na provoke lang talaga ako." Sabi ko habang tinatali ang sintas ng sapatos ko.

Ella: "Wow huh. Ilang beses kang na provoke dati pero wala lang sayo." Sabi niya at tinaasan ako ng kilay.

Bea: "Ate Ells, siyempre the situation before was different. She was provoked on social media unlike now na harap harapan talaga, well narinig lang pala."

Alyssa: "Okay move on na tayo ha." Sabi ko at tumayo. "Warm up na tayo. Come on girls move it, 15 laps around the court."

Nag reklamo silang lahat sa 15 laps, pero wala silang choice kundi sundin eto kaysa naman dagdagan ko pa. After naming nag warm up nagsimula na kaming mag training. Weight lifting muna kami for an hour, then scrimmage after. Hindi nagustuhan ni Coach Tai ang pinakitang laro ni Gizelle kaya nag one on one sila, kami naman nag focus sa floor defense with Coach Sherwin.

Grabe after many years, ngayon lang ulit ako nakapagtraining at laro, kaya medyo naninibago pa ang katawan ko na mag adjust. Sobrang nakakapagod at sumasakit ang katawan ko, di ko maigalaw ng maayos mga paa ko. Pero mawawala rin to after how many days kung well-conditioned na body ko.

Alyssa: "I can't feel my legs." Sabi ko habang nakahiga sa sahig. Kakatapos lang ng training namin.

Kiwi: "You'll get used to it besh, prolly a week or so. Or you can just take pain reliever."

Alyssa: "I'll just sleep this off. Hindi ako sanay sa pain reliever, baka maging dependent pa body ko sa gamot." Bumangon ako at umupo sabay punas sa pawis ko.

Jho: "Grabe ka ate, tumigil ka ba talaga sa paglalaro? Parang hindi naman, galing mo pa ring maglaro." Sabi niya sa akin.

Alyssa: "Sige mambola ka pa."

Jho: "Ayy grabe, bola agad ate? Nagsasabi ako ng totoo, ba't in denial ka pa rin ngayon?" she asked while staring at me blankly. Anong problema ng batang to.

Alyssa: "Umamin ka nga Jho, may problema ka ba? You look so lutang." Bigla siyang natawa. May saltik yata sa utak tong batang to, wala namang nakakatawa sa sinabi ko. "Ba't ka tumatawa? Hindi naman ako nag jojoke ahh. Oh my god Jho, nababaliw ka na ba?"

Jho: "Ang conyo mo kasi ate, so cute lalo na't may konting accent ka." Marami na din nakapagsabi sa akin na may accent na daw ako. Kayo ba naman kasi manirahan sa US for 4 years.

Kiwi: "But how come you don't laugh at me when I'm conyo?" tumayo na kami lahat at nagtungo sa shower room. "Thank you guys, I really appreciate you leaving me here." Napatawa na lang kaming lahat.

We spent dinner together sa Ally's, siyempre para may discount sila. Buti na lang talaga kasama namin sila Coach kasi kung hindi, malamang sobrang dami ang ioorder nila. We're only allowed to eat 1 cup of rice per meal lang kasi para di kami mahirapan iburn.

All for LoveWhere stories live. Discover now