Kiefer's POV
Today's my flight for US, finally mabibisita ko na sila Ly. 1 week lang akong mananatili dun pero okay na rin atleast makasama ko sila. I'm just wating for our boarding time.
Hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa amin ni Mika noong nagkita kami sa Eastwood.
*Flashback*
Mika: "Kief?" kilala ko ang boses na to.
Kiefer: "Mika?" lumapit agad siya sa akin at niyakap ako.
Sobrang bilis ng pangyayari. Kumalas ako sa yakap dahil baka may makakita sa amin dito at malaman pa ni Ly.
Mika: "How are you Kief?" sabi niya sa akin ng nakangiti. Hindi pa rin siya nagbabago, maganda pa rin siya and she's still the same Mika I loved, pero hindi na ngayon.
Kiefer: "I'm good. Eto busy sa training. How about you, anong pinagkakaabalahan mo? Still playing pro volleyball?"
Mika: "Yes I'm with PSL pa rin. May lakad ka ba? Baka naka-abala ako sayo."
Kiefer: "Ahh wala naman. Maaga kasing natapos ang training namin, nag iikot lang din ako dito wala kasi akong gagawin." Nanlaki naman ang mata niya at parang excited siya.
Mika: "Really? Let's have dinner together, my treat. Catching up lang tayo. I won't take no for an answer." Gusto kong tumanggi pero iba ang lumabas sa bibig ko.
Kiefer: "Sure. Pero I won't let you pay, you know me naman." Wow Kiefer ang tanga mo. May girlfriend ka na tapos pumayag kang lumabas kasama ang ex mo? Ayus ka rin. Ewan pero yun ang unang lumabas sa bibig ko. Hindi ko rin kasi kayang tanggihan si Miks, parang may force kasi na tinutulak ako to accept her offer.
I let her decide where to eat, gusto niya daw kumain ng Japanese food so andito kami sa isang Japanese Resto. Mabuti na lang talaga walang masyadong tao, dahil magiging issue to for sure at malilintikan ako kay Ly. I'm just gonna tell her later kaysa malaman pa niya sa iba, hindi ko kasi kayang magtago sa kanya.
It was a casual dinner. Kwentuhan lang kami about sa career namin, sa family and many other things. Everytime na ibibring up ko si Alyssa sa topic, change agad siya to another topic. Hinayaan ko na lang kasi ayoko naman na maging awkward kami at alam kong umiiwas siya. Siguro dahil hindi pa siya naka move on at bitter siya. Ang assuming ko naman pero ewan.
After we had dinner, I offered to pay. Noong una hindi siya pumayag pero I insisted, kahit na siya ang nagyaya ng dinner, lalake pa rin ako. Sabay kaming nagpunta ng parking lot, I accompanied her first to her car.
Mika: "Thanks for tonight Kief." She then kissed me on my cheek. "I miss you and I promise to have you back." She whispered. Agad siyang pumasok sa kotse niya at umalis.
I was left completely dumbfounded.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I don't know kung ano tong nararamdaman ko ngayon, ang bilis ng tibok ng puso ko.
*end of flashback*
And that's what happened that time. Sinabi ko na kay Alyssa na nagkita kami ni Mika then we had dinner pero hindi ko sinabi sa kanya yung nangyari sa parking lot. Hindi naman siya nagalit, pero pag-uusapan daw namin pagdating ko dun. Alam ko na she has to know, pero parang natatakot ako na baka lumayo ulit siya sa akin. Nakokosensya nga ako eh, pero hindi naman cheating ang tawag dun diba. Considered na ba yun na cheating? (sagutin niyo daw si Kief guys, tinatanong niya kayo)
YOU ARE READING
All for Love
FanfictionThis was what love meant after all: sacrifice and selflessness. It did not mean hearts and flowers and a happy ending, but the knowledge that another's well-being is more important than one's own. You don't just have to die for love. You need to liv...
