Chapter 37

3.3K 96 13
                                    

Alyssa's POV


Time went by so fast, hindi namin namamalayan na 3 months to go na lang before the wedding. Nakapag desisyon na rin ako na hindi na maglaro sa V League dahil it will benefit the team come UAAP, and I think tama lang ang naging decision ko dahil nakikita ko na nag sistep-up talaga ang iba sa team and now they are already in the finals against F2. As much as I want to play, ang magagawa ko lang ay suportahan sila and tell them everything I know na makakatulong sa kanila.


Araw-araw din akong nakakatanggap ng bulaklak at chocolate galing kay Jovee, minsan na namin tong napag-awayan ni Kiefer dahil bakit daw hindi ko magawang diretsahin si Jovee na tumigil na. I tried naman pero wala naman akong contact sa kanya, Ella doesn't know rin dahil matagal na daw niya itong hindi nakikita at nakakausap.


*flashback*


Kiefer: "Ohh may bulaklak at chocolates ka na naman. Babe naman, kailan mo pa kakausapin si Jovee? Para tumigil na siya. It seems like okay lang sayo to. Do you like the attention and effort he's giving you?" tanong niya sa akin. It's been a month na kasi simula nung araw araw akong pinapadalhan ni Jovee.


Alyssa: "Babe, I told you diba, wala lang sa akin to. At tsaka diba ikaw na rin nagsabi na di dapat tayo magpaapekto sa kanya?" sabi ko.


Kiefer: "Oo nga wala lang sayo pero baka ma misinterpret niya. Baka isipin niyang okay lang sayo dahil wala kang sinasabi against it at hindi mo siya pinipigilan. Nawiwili ka na masyado sa atensyon niya. If you want na araw araw kang may bulaklak, I can give you. Sabihin mo lang sa akin."


Alyssa: "Huwag ka naman mag-isip ng ganyan Kief. I tried naman na icontact siya pero wala eh, I asked Ella pero hindi niya din alam. Let's not waste our time para lang makausap siya, we should be focusing on our wedding." Sabi ko at pumunta ng kwarto.


*end of flashback*


We're on our way to MOA Arena dahil ngayon ang Finals Game 2 ng V League. Nakuha ng F2 ang game 1 pero knowing my team, they will not give up that easily. Alam kong lalaban sila hanggang sa makakaya nila. During their trainings, tinutulongan namin sila. I called my batchmates before, sila Dzi, Fille, Gretch, A, Ate Charo, Jem to play against them. Ang ibang alumni naman ng men's volleyball team nakipaglaro against them para masanay sila sa level of difficulty ng laro. Game 1 was a very close game, they played until 5th set and F2 was able to win the game dahil sa error ng team namin.


Pagdating namin sa Arena, ang dami ng tao na nakapila sa labas. Buti na lang nakita namin si Sir Palou, pinasabay na niya kami sa kanya para magkatabi kaming umupo sa patron. Pagpasok namin, ang dami ng tao at nagsisimula ng mag warm up ang both teams. Bigla namang umingay sa loob dahil sa sigawan, pagtingin ko sa screen, nakafocus pala sa amin ni Kiefer ang camera kaya kinalabit ko siya.


Alyssa: "Babe, we're on the screen oh." Sabi ko habang tinuturo ang screen sa itaas.


Kiefer: "Baby wave at the camera." Sabi niya kay Cienne at kumaway naman ito.


When the game started, tutok na tutok kami sa panunuod. Sobrang intense ng laro, everytime na nakakapuntos ang team namin napapatayo ako at napapasigaw sa saya. Kung nakikita ko naman na pagod na ang team, gustong gusto kong lumapit sa kanila para icheer up sila at iencourage pero may tiwala naman ako kay Jia at sa kanila.


The Lady Eagles won game 2 in 4 sets. They were down the first set pero nakita ko ang hunger to win sa kanilang mga mata kaya pinagbutihan nila sa second set until fourth set. I'm so proud of them dahil they proved their doubters wrong, na kayang kaya nila kahit they are a young team. The future is bright for them, manalo man sila o matalo sa game 3 okay lang dahil they gained experience na madadala nila sa UAAP. Lumapit ako sa kanila para icongratulate sila, hindi na rin kami nagtagal ni Kiefer dito dahil mag didinner kaming tatlo sa labas kaya nagpaalam na ako sa kanila.


Sa Highland's Steakhouse kami kumain sa MOA dahil malapit lang ito sa arena at kanina pa nagrereklamo si Cienne na nagugutom na daw siya. Di naman masyadong madami ang kumakain pero may mga taong nagpapapicture sa amin while waiting for our food. Bigla namang nagtanong si Cienne sa amin.


Cienne: "Mommy, why are people coming here and have a picture with us?" tanong niya. "Are you and daddy famous?"


Kiefer: "We are just like other people Cienne. They want to have a picture with us because you're very pretty and cute." Sabi ni Kiefer. Napakunot noo naman si Cienne.


Alyssa: "Your daddy and I are athletes baby, they want to have a picture with us because they see us play on TV." Sabi ko naman.


Cienne: "So you're celebrities because you get to be on the TV."


Alyssa: "No baby, we're not celebrities. We are just athletes."


Cienne: "But you said they get to see you on TV? So that makes you a celebrity." Sabi niya.


Kiefer: "San ba nagmana ang batang yan? Bakit ang daming alam? Haha." Tanong ni Kiefer ng nakatawa.


Alyssa: "Nagtatanong ka pa talaga? Saan pa, edi sayo." Sabi ko. "Can we just forget about it Cienne?" sabi ko at sakto naman sinerve na yung pagkain namin.


Cienne: "Yey! Food is here. Can we pray now? I'm hungry na po." Sabi niya. Tumango naman kami ni Kiefer. "Thank you Papa Jesus for the food we have in front of us. Please bless the one who cooked our food, also bless mommy, daddy, momsie, popsie, lolo, lola, tita ganda and tito pogi. Amen."


Kiefly: "Amen."


Habang kumakain kami, hindi mapigilan ang excitement ni Cienne dahil next month she will go to school na. Excited na daw siyang makipag kaibigan, and she's also very excited to wear a school uniform. Gusto na nga niyang bumili ng mga school supplies at sa bahay naman nagbabasa na siya ng mga libro, nagpapraktis na magsulat ng kanyang pangalan.


Nabigla ako ng makita ko si Jovee sa labas ng resto naglalakad kaya dali dali akong tumayo para puntahan siya.


Alyssa: "Babe I'll be back. May kakausapin lang ako saglit." Paalam ko kay Kiefer at lumabas ng ng resto. Hindi pa masyadong nakalayo si Jovee kaya tumakbo ako para maabutan ko siya. "Jovee!" sabi ko habang humihingal. Lumingon naman siya agad sa akin.


Jovee: "Ly! Kamusta ka na? Long time no see." Sabi niya at niyakap ako.


Alyssa: "I'm good. Ikaw? Ugh Jov, hindi rin kasi ako magtatagal kasi kumakain kami nila Kiefer. May sasabihin lang sana ako sayo."


Jovee: "Sige ano yun?" tanong niya.


Alyssa: "Jov alam mo naman na masaya na kami ni Kiefer diba, may anak na kami. And in 3 months, we will get married." Sabi ko.


Jovee: "I know Ly. Paano ko naman hindi malalaman eh you're on every news. Pero bakit mo ba to sinasabi sa akin?"


Alyssa: "I still consider you special Jov, pero bilang kaibigan na lang. Kaya please tigilan mo na, you deserve someone better." Sabi ko. Napakunot noo lang siya.


Jovee: "Huh? Teka lang Ly, hindi kita naiintindihan. Ano ba ibig mong sabihin?"


Alyssa: "The flowers, chocolates. Nagpapadala ka araw-araw sa akin at ang mga text mo sa akin."


Jovee: "What? Ly, baka nagkakamali ka lang. Kilala mo naman ako diba, I know how to respect other's relationship. At tsaka ilang taon na ang nakalipas, nakapag moveon na ako. Ly I'm getting married next year." Sabi niya na ikinagulat ko.


Alyssa: "So you mean, hindi ikaw ang nagpapadala sa mga flowers?" tanong ko sa kanya.


Jovee: "No."


*************************************************

For your insights and feedback, comment below.

Don't forget to vote!


Peace and Love!

A L L R I G H T S R E S E R V E D 2 0 1 6

All for LoveWhere stories live. Discover now