Chapter 4

5K 113 0
                                        

Ella's POV

It's been a week since nakita ko si Ly sa mall. Di pa rin ako matahimik at mapalagay hanggang di ko siya nakakausap. Nandito ako ngayon sa mall bumibili ng pasalubong sa team kasi babalik na ako ng Pilipinas bukas. I'm also hoping na sana makita at makausap ko si Ly bago ako umalis.

Pumunta muna ako ng SB nagpahinga at nag coffee na rin. Papasok pa lang ako ng may nakabanggaan ako.

Ella: "Im sorry mi-Ly?!" nagulat ako ng makita ko si Ly.

Alyssa: "Ell-" aalis na sana siya ng hinawakan ko ang braso niya.

Ella: "Ly please huwag mo kong iwasan. Mag-usap muna tayo. Please besh" nakita kong naluluha na si Ly ng bigla niya akong niyakap. Sobrang namiss ko ang yakap niya.

Alyssa: "B-besh I'm so sorry. S-sorry" at tuluyan na nga siyang umiyak.

Ella: "Ssshhhh don't cry. Tahan na. Tara punta tayo ng park, doon na lang tayo mag usap." Pinunasan ko ang kanyang luha at nagpunta kami ng park. Naisipan ko na mag usap kami sa lugar na tahimik at di masyadong ma-tao.

Alyssa: "Besh I'm very sorry dahil bigla na lang akong nawala. Di na ako nagpaalam sa inyo. Kailangan ko yong gawin dahil yon ang tingin ko ay tama." Umiiyak na naman siya.

Ella: "Besh, hindi mo naman kailangan umalis eh. Kung ano man ang pinagdaanan mo noon, handa naman kaming makinig at tulungan ka." I took her hand and placed it on mine.

Alyssa: "Ayoko maging pabigat sa inyo besh. Sobrang laki ng problema ko at kung malalaman niyo, alam kong maapektuhan kayo ng team lalung-lalo na ng family ko." patuloy lang siyang umiiyak at mararamdaman mo talaga ang sakit.

Ella: "Besh kahit kailan, di ka naging pabigat sa amin."

Alyssa: "Ayoko lang kasi na maapektuhan kayo ng dahil sa akin. So napag-isipan ko na lang umalis ng di nagpapaalam sa inyo, kahit alam kong magagalit kayo sa akin."

Ella: "Besh hinding hindi kami magagalit sayo, nagtatampo lang pero kasi alam namin na may problema ka kaya inintindi ka namin." Naramdaman kong nangingilid na ang aking luha.

Alyssa: "I'm sorry besh. I really am." Niyakap ko siya at tuluyan ng tumulo ang aking luha.

Ella: "Huwag ka ng mag sorry besh. Tahan na. Now can you tell me the reason why you left?" nakita kong napabuntong hininga siya.

Alyssa: "Nalaman kong I was 4 months pregnant. Di ko ma explain kung anong naramdaman ko that time. I was happy and at the same parang gumuho ang mundo ko kasi masisira ang mga pangarap ko sa sarili ko at mga pangarap ko sa aking family. Alam kong kung malalaman niyo, maapektuhan ang team dahil malaki itong issue. Ma didisappoint rin sila Papa kung nalaman nila. Ayoko na madamay kayo ng dahil sa akin kaya umalis na lang ako at binuhay mag isa ang baby ko." di ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Ly.

Ella: "Besh ba't di mo sinabi sa amin? Handa naman kaming damayan ka. Oo magiging issue nga pero handa naman kaming ipagtanggol ka."

Alyssa: "Gulong gulo ang isipan ko noon besh. I was even thinking of aborting my baby pero di ko kaya, baby ko yun eh. Iniisip ko rin kasi ang maaring mangyari."

Ella: "Si Kiefer ba ang ama ng baby mo besh?" diretsong tanong ko sa kanya.

Alyssa: "O-oo besh. S-si K-kiefer ang ama ng baby ko." umiiyak na naman siya.

Ella: "Alam ba niya?"

Alyssa: "Nakipagkita ako sa kanya para mag-usap kami, pero bago pa siya nakarating sa meeting place namin, nakita kong lumapit sa kanya si Mika at hinalikin siya sa labi. Para akong binuhusan ng yelo sa nakita ko at dinudurog ang puso ko. Patuloy na umaagos ang luha ko nun, nakikita kong pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid kaya umalis na lang ako. Hindi ko na lang sinabi sa kanya kasi alam kong mahal parin nila ang isa't-isa at ayoko maging dahilan na masira ang pagmamahalan nila."

All for LoveWhere stories live. Discover now