Kiefer's POV
3 days na lang at uuwi na sila Ly dito and it's for good. I can't wait to see them both. Puspusan pa rin kami sa training dahil malapit na ang tune up game namin. Kahit na tune up game lang yun, we still have to give our best for the pride of our country at siyempre ayaw din naming madisappoint ang manunuod sa game. Mas nagfofocus na kami ngayon sa scrimmage, different team mates every scrimmage para mag jell kami sa loob ng court at matutunan namin ang laro ng bawat isa. Nag negotiate si Coach Tab at Coach Ramil tungkol sa pag gamit namin sa court, mauuna kaming maglaro ng scrimmage then after, ang volleyball team naman ang maglalaro. It's actually a nice idea kasi mas nakakapagpahinga kami ng matagal.
I still find it awkward na Mika and I are training under 1 roof, kahit na may team mates kami pero talagang ang awkward lang. Pinapansin naman niya ako at siyempre ayoko naman na ma offend siya so pinapansin ko na lang din siya pero hanggang hi hello lang. Sinabi ko na rin kay Ly ang tungkol dito at ayun naging masungit sa akin the past days pero madalas malambing, ewan ko ba ang bipolar niya.
Von: "Paps kailan nga ulit dating ni Ly?"
Kiefer: "Thursday paps. Bakit?" tanong ko.
Von: "Nagtatanong kasi si Laura. Kailangan na kasing makunan ng measurements si Ly at Cienne para sa susuotin nila sa kasal namin." Si Ly kasi ang maid of honor ni Lau while si Cienne ay flower girl and of course, ako naman ang best man.
Kiefer: "Ahh ganun ba. Don't worry paps, malapit na silang umuwi."
Von: "Bukas naman tayo susukatan bago tayo pumunta dito." Tumango lang ako.
Mejo natagalan din ang scrimmage ng F2, umabot ng 5 sets. Pagkatapos nilang maglaro lumapit si Coach sa amin.
Coach: "We'll resume our training tomorrow bright and early since it's already late. I expect all of you to be early. Understand?" tumango lang kami. "Okay you can go. Drive safely." Everyone heaved a sigh. Pagod na pagod na kasi kami.
Nag shower na agad kami. Palabas na kami ng Ultra ng bigla kaming nilapitan ni Tyang Aby.
Aby: "Hi boys! Punta kami ng Valkryie ngayon, birthday kasi ni Bolick. He's inviting you, catching up lang daw."
Terrence: "Sure!"
Von: "Ano paps go ka ba?" bulong niya sa akin.
Kiefer: "Ayoko paps, magiging issue to kungmay makakita sa akin. Baka hindi umuwi si Ly kung malaman niya."
Aby: "I won't take no for an answer. Ngayon lang naman to at kahit saglit lang kayo dun, magpakita lang kayo kay Bolick. Magtatampo yun sa inyo, sige kayo."
Kiefer: "Next time na lang Tyang. Tatawag kasi sila Ly mamaya."
Aby: "Just stay for an hour lang, saglit lang yan ha. And I'm sure Ly would understand." Ayoko talagang sumama pero kilala ko si Tyang, ipipilit talaga niya ang kanyang gusto.
Kiefer: "Okay sige sige. Pero isang oras lang talaga ako dun."
Alyssa's POV
Kanina ko pa hinihintay ang tawag ni Kiefer. Sabi niya kasi tatawag siya after training pero 11PM na sa Pilipinas at pa rin wala akong tawag o ni text man lang na natatanggap. I tried to call him pero out of coverage; kinakabahan ako baka may nangyari ng masama sa kanya. Lord huwag naman po sana. Hindi ko rin kasi matawagan ang ibang team mates niya dahil hindi ko alam ang number nila, saklap lang diba?
Tatawagan ko na lang si Tita baka sa Cainta umuwi si Kiefer.
Calling Tita Mozzy..
Mozzy: "Hello Ly, oh napatawag ka?" sabi niya na mejo husky ang boses. Nagising ko ata si Tita.
Alyssa: "Did I wake you up po Tita? Sorry po sa istorbo, tatanungin ko lang po sana if nandyan ba si Kiefer."
Mozzy: "It's okay Ly. Wala dito si Manong, weekends lang kasi siya dito. Why, is there a problem?"
Alyssa: "Sabi niya kasi na tatawag siya after training nila pero until now po hindi siya tumatawag and out of coverage po siya. Nag-aalala lang po ako."
Mozzy: "Baka hindi pa tapos ang training nila Ly. Puspusan kasi sila the past days dahil papalapit na ang tune up game. At baka dead batt na rin phone niya. Huwag kang mag-alala, tatawagan ka nun mamaya."
Alyssa: "Worried lang po talaga ako Tita. Anyways po, sorry po talaga sa abala. Good night po Tita, see you soon po!"
Mozzy: "Oh sige. Good night din at ikiss mo na lang ako sa apo namin."
*end of call*
Tita's right, dapat hindi ako mag-alala. Baka hindi pa tapos ang training nila Kiefer ngayon. Itetext ko na lang siya, I'm sure he'll read it later.
Text Message
To: Babe
Hi babe! I know you're still on training, huwag masyadong magpakapagod okay? Call me as soon as you're done. I love you and see you soon po!
Since hindi na ako pumapasok sa clinic and tapos na ang pasukan nila Cienne, sa bahay lang kami the whole day. Nag-iimpake na rin ako ng mga dadalhin namin sa Pilipinas, hindi naman lahat ng damit namin dadalhin ko kasi bibisita kami dito once in a while para kamustahin ang clinic.
Nang matapos na akong mag-impake, nag twitter muna ako bago mag siesta. When I opened my phone, ang daming notifications at puro ito mentions. Pag click ko sa notifs, isang picture ang bumungad sa akin. Kaya pala hindi ma contact at hindi tumatawag, gumigimik pala kasama ang volleyball players ng La Salle at ibang Gilas players. I tried to control my emotions pero hindi ko mapigilan lalo na't magkatabi si Kiefer at Mika na nakaupo na sobrang lapit nila sa isa't isa and from what I see parang lasing na si Mika.
I'm just gonna hold my anger for now and let Kiefer explain muna his side. Tinext ko na lang siya at agad na akong natulog.
**********************************************************
A/N: Early update! How was it guys? Enjoy reading!
GUYS PLEASE SUPPORT MY OTHER KIEFLY STORY ENTITLED SECOND CHANCES FOR LOVE. IT'S IN MY PROFILE. POSTED NA PO ANG PROLOGUE AND CHAPTER 1 DUN AND MAYBE I'LL POST CHAPTER 2 LATER.
Don't forget to vote!
15 comments for next chapter. (Bawal ang 'UD PLS')
Peace and Love!
A L L R I G H T S R E S E R V E D 2 0 1 6
YOU ARE READING
All for Love
FanfictionThis was what love meant after all: sacrifice and selflessness. It did not mean hearts and flowers and a happy ending, but the knowledge that another's well-being is more important than one's own. You don't just have to die for love. You need to liv...
