Kiefer's POV
Ang sakit sakit ng ulo ko pagkagising ko, pagmulat ko ng aking mata nasa kwarto na ako. Wait, how did I end up in my room?? Last thing I remembered we were at Valkryie. When I looked at the time, its already 4AM. Sht! Nakalimutan kong tawagan si Ly kagabi, malilintikan ako neto. Kinuha ko agad ang phone ko pero deadbatt eto. Naknang ang malas malas ko naman, siguradong madami ng text si Ly. I immediately charged my phone and turned it on. Ang daming notifications from twitter and may text din si Ly, una kong binasa ang text niya.
Text message
From: Babe.Alyssa <3
YOU OWE ME AN EXPLANATION MISTER AND DON'T YOU DARE PLAY BLIND WITH ME. UMAYOS KA RAVENA KUNG GUSTO MO PA KAMING MAKITA.Patay, galit nga. Tatawagan ko na lang siya maya-maya. Patuloy pa rin ang notifications sa twitter ko kaya binuksan ko ito. Sht. Kaya siguro galit na galit si Ly sa sakin dahil sa picture na kasama ko ang Lady Spikers sa Valkryie at magkatabi pa talaga kami ni Mika. Daming mga comments, issue na naman to! Hindi ko alam na may picture taking palang naganap, at talagang pinost pa ni Tyang. Damn wala talaga akong maalala sa mga nangyari kagabi. Sino nag uwi sa akin dito? May kagaguhan kaya akong nagawa?
Nag shower na lang ako dahil hindi na rin ako makatulog at nagtimpla ng kape pagkatapos. Tatawagan ko na lang si Ly.
Calling Babe.Alyssa <3..
Alyssa: "Hello." Sabi niya.
Kiefer: "Hi babe! Kamusta ka na? I miss you."
Alyssa: "I miss you mukha mo." Ouch.
Kiefer: "Babe if this is about the picture, I'm sorry. I swear tatawagan sana kita para magpaalam ako pero nawala sa isip ko." pagpapaliwanag ko.
Alyssa: "Nakasama mo lang sila nakalimutan mo na agad kami. At kahit na nagpa-alam ka sa akin, hindi ako papayag."
Kiefer: "Kaya nga I'm sorry babe. Wala naman talaga akong planong sumama pero sobrang mapilit lang talaga ni Tyang. Kilala mo naman siguro siya diba, pinipilit ang gusto." Sabi ko na may halong pa cute.
Alyssa: "Nagpapilit ka naman.Palalagpasin kita sa ngayon pero tandaan mo, sa oras na maulit pa yun hindi mo na kami makikita. Kaya umayos ka Ravena ha, konyotan kita jan." kung kaharap ko lang siya ngayon, siguradong hampas ang aabutin ko.
Kiefer: "Ang physical mo naman babe, huwag na po mainit ang ulo. At tsaka hindi na talaga yun mauulit dahil uuwi na kayo dito."
Alyssa: "Siguraduhin mo lang talaga. Sige na baba na natin to. We'll see you soon. I love you."
Kiefer: "I love you."
*end of call*
Hay salamat at naging okay agad kami ni Ly, kahit mejo labas sa ilong ang I love you niya. Napansin ko rin sa kanya na pinakinggan niya muna ang explanation ko bago niya ako ijudge.
Papunta ako ngayon sa condo nila Von at Lau para masukatan na kami for our tuxedo. Hindi naman ito masyadong malayo sa condo ko kaya nakarating agad ako in 15 minutes.
*ding dong*
Lau: "Ohh hi Kief! Good morning. Pasok ka." Bati niya at pumasok na kami sa loob.
Pagpasok ko nakita ko si Von na sinusukatan na. Lumapit ako sa kanya at nag bro fist.
Von: "Oh paps andito ka na pala. Ikaw na susunod na susukatan, maupo ka muna."
Lau: "Do you want something to eat Kief?" tanong niya.
Kief: "Okay lang Lau, kakatapos ko lang mag breakfast." Ngumiti lang siya at bumalik sa kusina. "Paps ano bang nangyari kagabi? Sino naghatid sa akin pauwi?" tanong ko.
Von: "Ako naghatid sayo langya ka. Nalasing ka kasi sa 5 shots, hindi naman kita maiwan dun kasi baka may kagaguhan ka pang magawa." Sabi niya.
Kiefer: "Bakit mo ako hinayaang uminom? Langya ka naman paps."
Von: "Gago. Ilang beses kitang pinigilan pero hindi ka nakikinig. Palagi kang binibigyan ng shot ni Tyang at Mika, ako na nga sana ang iinom pero hindi nila binigay sa akin." Sabi niya sabay upo pagkatapos niyang sukatan. "Nako paps, sinasabi ko sayo, huwag ka ng sumama sa mga gimik nila hindi kasi sila mapagkakatiwalaan." Tumayo na agad ako para sukatan.
Kiefer: "Muntik na kaming mag-away ni Ly dahil nakita niya sa twitter ang pinost ni Tyang na picture. Tangna magkatabi pa talaga kami ni Mika."
Von: "Kaya nga sabi ko, sa susunod umiwas ka na lang sa kanila. Alam mo naman na may nakaraan kayo ni Mika at alam natin ang kakayahan niya lalo na't kakampi niya si Tyang. Mga baliw yung mga yun."
Kiefer: "Hindi na yun mauulit dahil uuwi naman na sila Ly. Mabuti na lang talaga na hinayaan niya muna akong magpaliwanag, nakakapanibago nga eh." Sabi ko sa kanya.
Von: "It only means that she trusts you."
Kiefer: "And I'll do my best na hindi masira yun." Sabi ko. "Thank you ate." Sabi ko kay ate na nagsusukat sa akin.
Mika's POV
Nagising sa ako sakit ng ulo. Buti na lang mamayang hapon pa ang training namin. Hindi naman ako nalasing kagabi, masakit lang talaga ulo ko sa dami ng nainom ko. So yeah, I was perfectly aware of the happenings last night. Wala sa vocabulary ko ang lasing, but I do know how to act like one. Best actress nga ako eh. Pero sobrang naiinis talaga ako sa Von Pessumal na yun, sobrang ma papel! Enjoy na enjoy na kami kagabi at siya naman ang KJ. Pinipigilan niya si Kief na uminom, siya na lang daw ang iinom for him pero siyempre hindi namin binigay dahil yung inumin ni Kief ay para lang talaga yun sa kanya. Nilagyan kasi namin ni Tyang ng Liquid X (party drug) pero konti lang naman. Nakakabanas talaga, sirang sira yung plano namin. But I'm still not giving up, I have many plans under my sleeve. You'll be mine again Kief, soon.
Bumangon na ako at nag shower, pampawala sa sakit ng ulo ko. Bumaba naman ako agad para kumain ng breakfast at sakto lang na kakatapos lang magluto ni yaya.
Yaya: "Good morning po Maam Ye." Bati niya.
Mika: "Si mommy at daddy san?" tanong ko.
Yaya: "Nasa trabaho na po daddy niyo, maaga siyang umalis. Pababa na rin po mommy niyo." Ganito ang scenario palagi sa bahay every morning, kami lang ni mommy at mga kapatid ko ang kumakain. Madalas lang makasabay si daddy sa amin dahil sobrang busy niya sa trabaho. May mas oras pa nga siya sa company kaysa amin eh, pero nasanay naman na kami.
Baby: "Good morning anak. Ba't ang aga mong nagising? Diba mamaya pa training niyo?" sabi niya at nagbeso sa akin.
Mika: "Good morning mommy. Nagising lang po ako eh. Kain na po tayo habang mainit pa ang niluto ni yaya." Tumango lang siya.
Matapos naming kumain bumalik ako sa kwarto ko, wala naman akong ibang magawa. Tumunog ang phone ko at pagtingin ko puno ng notifications sa twitter. Binuksan ko ito at napangiti na lang ako sa nakita ko, picture namin kagabi sa Valkryie na pinost ni Tyang. Magkatabi kami ni Kiefer at sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nilike ko ito at binasa ang mga comments, as usual may mga bashers especially yung mga Kiefly pero siyempre di naman mawawala ang mga loyal Miefer fans. Nag comment na rin ako.
@mikareyesss: @Abymarano thanks for last night Mother F! I enjoyed a lot! Happy birthday again @BabesBolick looking forward for a next time with the same gang.
Nilagay ko sa side table ang phone ko matapos kong mag comment, puno na naman kasi ng notifications.
Got nothing else to do so might as well watch a movie.
*******************************
A/N: Short update, ayoko kasi na mahaba ang POV ni Mika. Hahaha enjoy reading!
P.S
Paalala lang po ulit na imagination ko lang ang story na to, not related to real life events. And yeah please do comment your insights about this chapter, wala ng quota.Don't forget to vote!
Peace and Love!
A L L R I G H T S R E S E R V E D 2 0 1 6
YOU ARE READING
All for Love
FanfictionThis was what love meant after all: sacrifice and selflessness. It did not mean hearts and flowers and a happy ending, but the knowledge that another's well-being is more important than one's own. You don't just have to die for love. You need to liv...