Chapter 45

2.1K 26 25
                                        

Kiefer's POV

It's been a week since Mika and I talked, di mawala sa isip ko na ako ang ama ng dinadala niya. Hindi ko alam anong gagawin ko. Wala pang alam si Ly, not that I'm keeping it from her pero nag-iipon pa ako ng lakas ng loob. I messed up big time at kung ano man ang decision ni Ly, even if it will hurt and haunt me, tatanggapin ko kasi kasalanan ko to lahat.

We're on our way home, galing kami sa venue for the reception of our wedding. Since a month from now na yung kasal namin, mas naging busy kami with all the preparations. Tahimik lang kami sa byahe, but it was a comfortable silence.

I took this chance para tanungin si Ly.

Kiefer: "Babe, I have a question." Tumango lang siya. "Magagalit ka ba kung malaman mong may tinatago sayo ang taong mahal mo? Not necessarily na boyfriend, pwede din part ng family mo." Tanong ko.

Alyssa: "Hmm. Depends. Siguro kailangan ko muna pakinggan yung reason niya, if its valid, di ako magagalit. Magtatampo lang. Pero ang hirap magsalita ng patapos eh. Kasi kakainin din tayo ng nararamdaman natin. So yeah, it depends on the person really." Sabi niya.

Kiefer: "Eh naniniwala ka ba sa 3rd chance?"

Alyssa: "Teka lang, bakit ba ganito mga tanong mo? May kasalanan ka ba?!"

Kiefer: "Babe naman. Bawal ba magtanong? May nabasa lang ako, and I want to get your opinion." I lied. Nakokonsensya ako.

Alyssa: "Siguraduhin mo lang talaga." Sabi niya at pinisil ang balikat ko. "Di ako naniniwala sa 3rd chance." Bigla akong nalungkot.

Kiefer: "Why?"

Alyssa: "Enough na yung 2nd chance na binigay ko para iprove niyang nagbago siya. Kung bibigyan ko pa ng isang chance, parang binibigyan ko na rin sarili ko ng chance na masaktan na paulit-ulit."

Kiefer: "Pero diba sabi nila, if you love someone, kahit anong mangyari, di ka bibitaw. You have to fix it together and make it work."

Alyssa: "Touché. Pero what if dumating sa point na ubos ka na? Na pagod ka na? You have to learn when to hold on and let go. Kasi kung pagod ka na, wala ka ng lakas para ayusin ang lahat. Magtira ka para sa sarili mo. You have to love yourself also." Sabi niya. "Well that's my perspective lang naman ah."

Natahimik ako sa mga sinabi ni Ly. Paano ko pa sasabihin sa kanya kung ngayon pa lang alam ko ng mawawala ulit siya sa akin?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All for LoveWhere stories live. Discover now