Chapter 36

4.5K 98 20
                                        

Alyssa's POV

Muntik na akong mabilaokan sa tanong ni Cienne. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang tanong na yun. Inabutan ako ni Kiefer ng tubig at agad ko naman itong ininom, nagkatinginan lang kami dahil hindi naman alam kung anong isasagot.

Dani: "Who wants to eat cupcakes??" sigaw ni ni Dani.

Cienne: "Me me! I want cupcakes!" sabi niya. Tiningnan ko si Dani and mouthed thank you dahil na divert niya ang attention ni Cienne. Sana tuluyan na niyang makalimutan ang tanong niya kanina.

Mozzy: "Ganyan talaga ang mga bata anak, masyadong ma tanong." Sabi ni mama.

Bong: "Kaya dapat mag ingat kayo sa mga salitang ginagamit niyo. If the word is new to them, siyempre they'll be curious. And whatever pops to their mind, go lang sila."

Alyssa: "Si Kiefer lang naman po ang hindi ma ingat sa mga sinasabi pa." pang-aasar ko kay Kiefer. Madalas kasi kung anu-ano ang mga pinagsasabi niya, walang preno ang bibig. Kung ano tuloy ang tinatanong ni Cienne.

Kiefer: "Wow babe. Thanks huh." Sabi niya sa akin.

Mozzy: "Tama na nga yang kulitan niyo. Kumain na kayo para makapagpahinga ka na Ly." Sabi ni mama. Tumango lang kami ni Kiefer.

After dinner, nagpahinga na agad ako dahil nakaramdam din ako ng pagod.

**

Maaga akong nagising, and I'm feeling a lot better compared yesterday. Hindi na ako makatulog ulit kaya magluluto na lang ako ng breakfast, na mimiss ko na rin kasing magluto kasi simula nung dito na kami sa bahay nila Kief, si manang ang palaging naghahanda ng pagkain namin. Dahan dahan akong  tumayo dahil baka magising si Kiefer na mahimbing pa rin ang tulog.

Pagbaba ko, wala pang tao. Wala din si manang, pagtingin ko sa relo 6AM pa lang, ang aga ko pala talaga gumising. I cooked Egg Omelette, Ham, Longganisa and fried rice for breakfast, and I also made French toast. Maya maya ay dumating na si manang, dali dali naman siyang lumapit sa akin.

Manang: "Anak bakit di mo ako ginising? Ako na dyan, baka mapagod ka." Sabi ni manang.

Alyssa: "Okay lang po manang. Miss ko na rin po kasing magluto." Sabi ko.

Manang: "Nako bata ka, kung ikaw makita ni Kiefer dito baka papagalitan ka nun." Sabi ni manang. "Sige na umupo ka na jan."

Alyssa: "Ay grabe naman, hindi naman po ako mapipilayan sa pagluluto haha." Sabi ko at umupo na.

Hindi namin namalayan ni manang ang oras dahil napasarap ang kwentuhan namin tungkol sa buhay niya. Sakto naman at dumating sila Mama at Papa pagkatapos naming maghanda sa mesa.

Mozzy: "Ohh Alyssa, ba't ang aga mong nagising?" tanong niya sa akin. Lumapit naman ako sa kanila at nagbeso.

Alyssa: "Nagising po kasi ako kanina ma tapos di na ako makatulog ulit kaya nagluto na lang ako ng almusal natin."

Bong: "Naghahanda ka na talaga sa buhay may asawa anak. Oh siya, manang gisingin mo na ang mga bata para makakain na tayo."

Akmang papanik na si manang nang dumating sila Kiefer na karga-karga si Cienne. Si Dani naman at Thirdy ay nakabihis na for training.

Kiefer: "Good morning!" bati niya sa amin. Lumapit naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

Alyssa: "Good morning babe. Good morning baby." Bati ko at hinalikan sila.

Cienne: "Good morning mommy. Can we eat? I'm already hungry." Tumango lang ako at umupo na kami.

Nauna ng umalis si Dani at Thirdy dahil may training pa sila, hindi na sila kumain dito dahil malalate na daw sila kaya pinabaunan na lang sila ni mama ng pagkain. Si Kiefer naman bukas pa ang training.

All for LoveWhere stories live. Discover now