Kiefer's POV
Ilang araw na mula ng makita namin si Mika. And ever since that day, di na ako makatulog ng mahimbing sa kakaisip sa nangyari samin. Di mawala sa isip ko lung baka nga may mabuo, baka ito pa ang dahilan kung bakit di matutuloy ang kasal namin ni Alyssa.
May inutusan ako na alamin kung buntis nga ba si Mika o hindi. Pinapasundan ko siya sa lahat ng lakad niya. Nakokonsensya na nga ako dahil tinatago ko ito kay Ly. Gusto ko muna kasing kumpirmahin bago ko sabihin sa kanya.
*riiiiiiiiiiing*
Kiefer: "Hello. Kuya anong balita?"
Raf: "Nasa St. Lukes si Mika ngayon."
Kiefer: "Sino kasama niya?"
Raf: "Siya lang. Bakit mo ba siya pinapasundan sa akin Kief? May di ka ba sinasabi? Alam ba to ni Ly?"
Kiefer: "Sa susunod ko na ikukwento Kuya. Huwag mo sabihin kay Ly, ako na magsasabi sa kanya. Please. Salamat kuya."
Nagbihis agad ako at nagtungo sa St. Lukes.
Pagdating ko sa ospital, nagtungo ako sa clinic ng OB. Papasok na sana ako ng biglang lumabas si Mika. Nagulat siya ng makita ako, aalis na sana siya ng pinigilan ko siya.
Mika: "Let's not talk here Kief, baka may makakita sa atin. Let's talk sa parking area." Sabi niya at umalis. Sumunod naman ako sa kanya.
Kiefer: "Miks, I'm gonna ask you 1 question yun lang."
Mika: "If you're gonna ask kung ano ginagawa ko sa OB clinic, prenatal check up ko. Yes Kief, Im pregnant." Parang biglang binagsakan ng mabigat na bagay ang aking ulo.
Kiefer: "A-ako ba a-ang ama?" Tanong ko sa kanya.
Mika: "Yes."
YOU ARE READING
All for Love
Fiksi PenggemarThis was what love meant after all: sacrifice and selflessness. It did not mean hearts and flowers and a happy ending, but the knowledge that another's well-being is more important than one's own. You don't just have to die for love. You need to liv...
