Chapter 18

6.3K 132 9
                                    

Alyssa's POV

Hello 2016! It's been a week since we celebrated New Year sa Batangas. And since babalik na kami ni Cienne ng US the week after next, the team and I decided to have a short getaway sa Palawan. We will stay there for 3 days and 2 nights. Gustong gusto ko isama si Cienne pero naisipan ko na hindi na lang muna para makapagbond siya kina Kiefer and I can catch up with the team.

Ngayon ang flight namin patungong Palawan, napag-usapan namin na dito na lang kami sa BEG magkikita para sabay na kaming pumunta ng airport. I'm with Kiefer and Cienne, ihahatid daw nila ako. Si Ella na lang ang hinihintay namin, as usual, palaging late.

Denden: "8AM ang usapan natin pero until now wala pa si Ella. It's already 9:30AM! Baka maiwan pa tayo ng flight natin." Eto na naman si Denden, malapit ng maubos ang pasensya. One thing that she really doesn't like is to keep her waiting. Kahit na 5 or 10 minutes late ka lang, beastmode na siya.

Jia: "Relax Ate Den, I'm sure Ate Ella's on her way na. And don't stress yourself too much, ang aga-aga beastmode ka na."

Ponggay: "Oo nga. And you don't want to have wrinkles already Ate right? So relax and smile." Sabi ni Ponggay na panay selfie sa kanyang phone.

Kiwi: "Ohh she's here na. Damn besh you should really wake up 5 hours before our call time." Hingal na hingal si Ella na pumasok sa BEG. Kitang kita na nagmamadali siya kasi hindi siya nakapagsuklay ng kanyang buhok.

Ella: "Sorry na. May hangover kasi ako."

ALE: "Hangover??"

Bea: "The last time I checked Ate, you don't drink."

Ella: "Exactly! Wala naman talaga akong plano uminom pero pinilit ako nila Lang at Jovee. Pumunta kasi sila sa condo kagabi." Jovee is my ex-boyfriend, and super close sila ni Ella. Mas una silang nagkakilala kasi they were childhood friends and they have the same circle of friends. When we broke up, naging awkward kami ni Ella, not because mas kinakampihan niya si Jovee pero nahiya siya sa akin kasi di niya daw napagsabihan. Pero sa ngayon, okay na kami ni Ella.

Kim: "You could've had said no Ate."

Ella: "They had the keys to my room and kung hindi ako iinom they won't give it to me. So wala sana ako dito ngayon."

Ria: "Wala ka pala Ate eh, hindi mo man lang ba chineck kung nakalock ba pintuan ng room mo. Baka ginogood time ka lang nila." Tumawa lang kami habang si Ella nag frown.

Denden: "Okay stop the chit-chat. Since kumpleto na tayo, we should start moving! Come on people we don't want to miss our flight, in case you forget sobrang traffic."

Alyssa: "Excited lang besh? Haha. Relax ka lang, 12NN pa flight natin." Lumabas na kami ng BEG.

Dala ni Kiefer ang van nila para gamitin paghatid sa amin, andito rin ang van ni Ella. Ang sumakay sa van ni Kief ay ako, si Bei, Jho, Kiwi, Ria, Gizelle at Maddie habang sa van ni Ella ay si Denden, Ponggay, Therese, Deanna, Jia, Mae, Jamie at Kim.

It only took 45 minutes para makarating kami sa NAIA Terminal 2. Bumaba na kami ng van at kinuha ang mga gamit sa likod. Si Miko ang nagdala ng maleta ko, siya ang bodyguard at driver na nirecommend ni Von kay Kiefer, he is the same age as me. Matangkad din ito at mejo malaki ang katawan.

Pagpasok namin ng airport, madaming tao kasi nagsisiuwian na ang mga nagbabakasyon dito. We stayed muna sa SB while waiting for our boarding time. Kausap ko ngayon si Kiefer, may mga bilin lang ako sa kanya about kay Cienne.

Alyssa: "Kief don't forget Cienne's vitamins, every morning yun. 1PM ang nap time niya, then by 3PM mag memerienda yan. Before kayo matulog sa gabi, timplahan mo muna siya ng gatas. And don't forget, allergic siya sa peanuts at shrimps. Kung may problema, please call me. O kaya mag facetime tayo every night."

All for LoveWhere stories live. Discover now