Kiefer's POV
1 month na lang bago ang kasal namin ni Ly. Naging busy kami the past few days preparing for our wedding and finalizing things. Naging maayos man ang araw pero araw-araw din akong kinakain ng konsensya ko. I should not worry and be happy kasi after sa nangyari sa Boracay, never nagparamdam si Mika sa akin. Hindi ko na rin siya nakikita, at ang sabi sa twitter, she went to Canada daw to work there. Pero di pa rin ako makampante, what if nagbunga pala yung nangyari sa amin at bigla na lang siyang babalik kung kailan bumubuo na kami ng pamilya ni Ly.
Alyssa: "Babe okay ka lang?" Napabalik naman agad ako sa aking wisyo.
Kiefer: "Ano yun babe?" Tanong ko.
Alyssa: "I'm asking if you're okay. Bigla ka na lang kasing natulala." Sabi niya.
Kiefer: "Sorry babe antok lang siguro to."
Alyssa: "You want to go home and rest or kain muna tayo bago umuwi?"
Kiefer: "Let's eat na lang muna, gutom na rin kasi ako babe." Sabi ko habang hinihimas ang aking tiyan. "San mo gusto kumain?"
Alyssa: "Vikings na lang babe. Gusto ko ng buffet eh."
Kiefer: "Ang takaw mo talaga. Baka di na mag kasya sayo yung wedding gown mo sa lakas mong kumain." Panunukso ko sa kanya.
Alyssa: "Hindi naman ako tumataba kahit buong araw pa ako kumain eh."
Kiefer: "Kahit tumaba ka, love pa rin kita babe."
Alyssa: "Sus nambola pa. Tayo na nga, baka kung ano pang sabihin mo." Sabi niya at tumawa. Magkahawak ang aming kamay habang naglalakad. May mga ilan din na nagpapapicture sa amin. "Babe stay here. CR lang ako, naiihi na talaga ako."
Kiefer: "Okay babe."
Mejo napatagal si Ly sa CR. Pupuntahan ko na sana siya ng may nakabunggoan akong babae.
Pagtingin ko, si Mika.
Alyssa's POV
Kanina ko pa napapansin na bigla na lang natutulala si Kiefer at parang ang lalim ng iniisip niya. Gusto ko siyang tanungin kung ano iniisip niya pero hindi na lang. Baka pagod lang siya.
Pumapasyal kami ngayon sa mall, si Cienne naiwan lang sa bahay. Every week kasi, may araw na para sa amin ni Kiefer, at may araw naman na kaming tatlo ni Cienne. Kanina pa kami nag-iikot at nakaramdam na ako ng gutom kaya niyaya ko si Kiefer na kumain. May mga ilan din na nagpapa picture sa amin. Nakakatuwa nga kasi yung iba, mga bata pa. Nakakaoverwhelm na yung generation ngayon, kilala pa rin kami ni Kiefer kahit naging lowkey na kami sa kanya kanyang sport.
Bago kami pumasok sa Vikings, nag CR na muna ako kasi ihing ihi na ako kanina pa. Pagpasok ko sa CR, ang daming nakapila kaga mejo natagalan ako.
Pagkalabas ko, nakita ko si Kiefer at si Mika. Di naman sila nag-uusap, nagtitinginan. Iba yung mga tingin nila parang may alam sila na hindi ko alam. Hindi ko na lang inisip pa yun dahil baka na mimisinterpret ko lang. lumapit naman agad ako sa kanila.
Alyssa: "Babe. Mika andito ka pala." Sabi ko. Ang awkward pa rin talaga pero kailangan ko maging civil.
Mika: "Alyssa. I'm on my way out na actually, nakasalubong ko lang si Kiefer. Anyways, congrats nga pala on your wedding and best wishes in advance." Sabi niya at ngumiti. Si Kiefer tahimik lang.
Alyssa: "Thank you Mika." Sabi ko at ngumiti.
Mika: "Sige. I'll go ahead na. Bye." Sabi niya at kumaway. Si Kiefer wala talagang imik.
Alyssa: "Babe okay ka lang? Kanina ka pa tahimik. Di mo man lang pinansin si Mika. Baka sabihin niya na bitter ka pa rin sa kanya."
Kiefer: "Huh? Ahh wala. Hindi naman ako bitter babe. Di lang ako comfortable." Sabi niya habang naglalakad kami papasok sa Vikings.
Alyssa: "Okay. Pero I noticed, ang blooming ni Mika ngayon at tumaba siya ng konti. Inlove siguro yun." Sabi ko at biglang napahinto si Kiefer.
***************************************
A/N: I have a new story btw guys. The title's Always You. You can find it on my profile. Happy reading!
For your insights and feedback, comment below.
Don't forget to vote!Peace and Love!
A L L R I G H T S R E S E R V E D 2 0 1 7
YOU ARE READING
All for Love
FanfictionThis was what love meant after all: sacrifice and selflessness. It did not mean hearts and flowers and a happy ending, but the knowledge that another's well-being is more important than one's own. You don't just have to die for love. You need to liv...