Amanda's POV
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa maganda kong mukha.
Minulat ko unti unti ang mga mata ko.
"Bakit bukas na bukas yung bintana? Tss." Bulong ko sa sarili ko.
Pumikit ulit ako at nagtalukbong na lang ng unan, wala pang 5 seconds nang may sumigaw na akala mo nasunugan kami.
"Amanda!!! Wake up!! It's getting late!! We need to go to school! You forgatten? It's our first day in school! Come on hurry up! The breakfast is ready!" Sabay yugyug niya pa sa paa ko.
"Please don't shout sabrina!" Sabi ko sakanya pero nakatalukbong padin ako ng unan. Inalis niya yun.
"Arrgghh. Tumayu kana nga kasi jan! Ang bagal bagal mo pa naman kumilos!" Dakdak niya pa ulit. Ang bungangera talaga kahit kailan netong pinsan ko eh noh!
"Okay okay. Eto na oh, ang ingay ingay mo aga aga. Tss" at tumayu na nga ako at dumiretso sa banyo.
Nangpagtapos kong maligo, nag-ayos naman ako. Sinuot ko yung damit ko tapos nagsuklay. Hindi uso uniform sa school ko. Powder then lipgloss and tada! Ayos na.
Bumaba ako para mag breakfast. Pagbaba ko nandun na si sab, si mama, tapos si daddy.
"Goodmorning." Bati ko sakanila. At umupo sa tabi ni sab.
"Goodmorning my princess." Bati ni daddy at ngumiti.
"So, ano amanda and sab? Ready na ba kayo sa first day niyo?" Tanong ni mama saamin.
"Oo naman tita. Pareparehas na mukha lang naman ulit ang makikita namin ni amanda don. Hahaha." Sagot ni sab.
"Ah, oo nga pala haha. Pero okay na din yun atleast komportable na kayo." Sabi naman ni mama.
Pagtapos namin kumain nagpaalam na kami kayla mama at daddy.
Nagpahatid kami sa driver. Ganito naman kami last year pa. Di kasi ako papayagan ni daddy na ako lang ang magdrive.
Kahit si sabrina. Dito siya natulog sa bahay kagabi, gusto niya sabay kami ulit sa first day. Palagi naman eh, nung nasa korea palang kami.
Ang tibay nga namin dalawa never kaming hindi naging magkaklase, simula kinder hanggang ngayong 4th year high.
Oops! Ang daldal ko na pero hindi pa ako nagpapakilala. My name is Amanda Beatrix Cullen. I'm 15 years of age. Studying at hogwards university. Pagmamay ari ng pamilya ko.
Sabi ni daddy pwede nang ako ang mag handle ng school na yun. Pero hindi ko tinanggap basta ako ang batas. Walang magagawa ang mga student. Dahil kapag ako na ang nagsabi, wala na silang pwedeng sabihin.
Nakarating na kami sa school. Tinignan agad namin yung schedule, at good thing mamaya pang nine ang start. Pero medyo matagal pa kaming maghihintay ni sab, pwede naman kaming umuwi muna pero ayoko.
"Upo muna tayo sa cutwalk amanda." Aya ni sab saakin, habang dumadaan kami nagbibigay ng way ang mga tao.
Aba dapat lang, yan ang isa sa rule dito sa school ko.
Habang nakaupo kami ni sab, nagkwentuhan lang kami. Kahit kagabi magkasama na kami hindi parin siya nauubusan ng kwento.
Maya maya dumating yung mga kaibigan namin slash classmate namin for almost 2 years.
"Girls, oh my gee!! Ang daming ulam na transferee sa room natin!" Sabi ni anthony na nangingisay na sa kilig. Yes he's a gay.
"Anong ulam?" Sagot ni sab. Habang ako nakatingin lang kay anthony na nangingisa padin.
"I mean ang daming gwapong papabol na transferee sa room natin. Ohmygee!! Magiging masaya ang year ko na to!!" Sabi niya pa. Sabay hampas sa katabi niyang si shaileen.
"Pero trix, yung lima dun kamukha mo. Parang boy version mo. Hahaha!" Sabi naman ni shai. Nasinang-ayunan naman ng iba naming kasama.
What? Kamukha ko?
"Oh? Baka naman naligaw lang. Hahaha" sagot ko.
"Ewan. Pero tara na tignan na natin girls! I'm so excited." Sabi ulit ni anthony.
"Hindi nga halata eh. Kung makahampas ka kasi sakin." Sagot ko, kasi naman habang naglalakad kami katabi ko na siya tapos panay hampas. Parang wala nang bukas. Geez.
Nung papasok na kami sa room. Lumungkot yung mukha nang mga kasama ko except sakin at kay sab.
Paano ba naman kasi wala na yung mga transeferee na sinasabi nila. Hahaha! Siguro nagkamali ng pasok.
"Nasan na yung mga papabol kanina mary grace?" Tanong ni anthony. Aba hindi talaga siya nagpaawat. Hinanap pa. Psshh
"Ha? Bumaba saglit, pero nandito yung bag nila." Sagot ni marygrace.
"Sabi sainyo hihihi classmate natin sila! Yiiipiiee!!" Para na naman siyang nangingisay.
"Trix, alam mo yung iba dun na transferee kamukha mo. Akala nga namin kapatid mo eh. Hahaha." Sabi ni anndrey isa sa mga kaibigan slash classmate ko.
Binalewala ko na lang yun at umupo sa gusto kong upuan. Tumabi naman saakin yung iba.
"Akalain niyo yun ang dami na natin. Halos 15 yung transferee tapos puro lalaki pa. Kawawa naman tayong mga babae." Sabi ni gwyneth.
"Oo nga. Pero okay-" natigilan si anthony sa sasabihin niya at biglang napanganga napahawak pa sa bibig niya. Yung mukha niya parang nakakita ng multo na naeexcite.
"Mygee. Ayan na sila!!!" Sabi niya ulit. Kaya napalingon ako sa sinasabi niya.
At nanlaki din ang mata ko sa nakita ko.
No way, this can't be.
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Teen FictionSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...