Kurt's POV
Tahimik kaming nakaupo ni gwen dito sa field. Hindi ko alam kung bakit siya yung pinag stay ko dito sa tabi ko.
Ni-hindi nga kami close neto eh. Hindi ko nga din alam kung kaibigan turing niya saakin kahit magkakaibigan ang barkada namin.
Tapos halatang inis na inis saakim dahil hindi siya makakapagtest. Hindi ko naman sinasadyang madamay siya eh. Sadyang badtrip lang ako dahil sa- ah nevermind.
Gusto ko lang talagang lumabas para makapag-isip. Nasakto kasi yung problema ko sa last na exam namin. Tapos nadamay pa si gwen dahil saakin.
Oo na, kasalanan ko na. Nung una gusto ko lang talagang mangopya dahil wala akong masagot. Siya kasi yung kaparehas kong exam kaya siya yung kinausap ko.
Tapos nung nakita ko nang naiinis siya natuwa ako. Lalo ko siyang ininis kaya napalabas kami. Ang cute niya kasi kapag naiinis.-teka... oo na.
"Gusto mo nga ng kasama pero hindi ka naman nagsasalita jan? Problema mo ba at dinamay mo pa ako?" Nakakunot noo siya at halatang naiirita na.
Gusto ko sanang ngumiti at pisilin yung pisngi niya pero hindi ko ginawa. Tumingin ako sa harap, at napabuntong hininga ako. Yumuko ako at naalala ko na naman lahat ng masasakit na nangyari saakin saka sa mama ko.
"Hey, are you okay?" Lumapit siya saakin saka hinagod yung likod ko at inabutan ako ng panyo.
Totoo nga yung sinasabi nilang, sweet na tao si gwyneth. Hindi mo makikitaan ng kaartehan sa katawan. Palaging masaya akala mo walang problema. Pero dahil sa eksena namin kanina, doon ko lang siya nakitang seryoso. Kung magalit akala mo lalamunin ka ng buhay.
Kinuha ko yung panyo saka pinunas sa luha ko.
"Pwede kang magkwento, if you want. Makikinig ako. Pero kung ayaw mo ayos lang din." Tumingin nalang siya sa unahan, at baka naghihintay ng sasabihin ko.
Napabuntong hininga na naman ako saka naglakas ng loob. "Nag-away na naman kasi kami ng papa ko kagabi. Pinipilit na naman niya ako sa gusto niyang mangyari para saakin." Tumingin ako sakanya at nakatingin din siya saakin, naghihintay pa ng kasunod. Nakikinig nga talaga siya. Tumingin nalang ulit ako sa unahan saka nagpatuloy. "Pinipilit niya akong ipakasal sa babaeng hindi ko naman kilala at hindi ko naman mahal. Pinipilit niya din akong umuwi sa bahay nila. Makisama sa bago niyang pamilya! Doon sa kabit niya! Eh putang*na pala niya. Bakit ako sasama sa taong may dahilan kung bakit nawalan ako ng ina?!"
Yumuko ako saka tinakpan ang mukha ko at doon na kumawala ang mga luha ko.
"Kung hindi naman sila naglandian nung kabit niya, hindi maaaksidente yung mama ko! Kaya kahit anong pilit nila saakin ipakasal yung babaeng hindi ko kilala, hindi ko siya papakasalan! Hindi ko susunduin yung walang kwenta kong ama. Eh para rin naman sakanya yung ginagawa niya eh! Dahil sa lubog na siguro yung companya niya, kaya ako yung ipapabayad!" Napangisi ako sa inis. "Ayaw pa niyang ibigay yung kaligayahan ko! Gusto ko lang mapag-isa pero pilit parin siya ng pilit! Kaya nga ayan eh, naglasing ako kagabi dahil sakanya! Ngayon nagpapakatatay siya dahil may gusto siyang hilingin saakin. Tangina nila! Sanay na akong mag-isa kaya hindi na niya kailangan gawin yun!"
Saglit akong natahimik, pansin ko ding hindi nagsasalita si gwen pero ramdam kong pinapakalma niya lang ako.
Pero maya maya nagsalita na din siya.
"Siguro nga hindi kita maiintindihan kasi hindi naman ako yung nasa posisyon mo ngayon. Pero alam ko balang araw, mawawala din yang galit mo sa dibdib mo about sa daddy and sa mistress niya. Doon naman sa ipapakasal sayo, kausapin mo nalang ng mabuti ipaliwanag mo. Malay mo hindi lang ikaw yung naiipit. Baka pati yung babae ayaw din ipakasal sa hindi niya kilala." Napatingin ako sakanya. Tinapik niya yung balikat ko, saka siya ngumit. "Saka, hindi ka nag-iisa. Nandito pa kami... nandito pa ako."
Bago pa ako makasagot tinawag kami ni amanda. "Smile kana." Bulonh saakin ni gwen saka siya tumayo.
Hindi ko alam pero napangiti rin ako. Sumunod ako sa barkada. Ang sarap pala sa feeling kapag may nakekwentuhan ka about sa problem mo. Oo, sakanya lang ako nakapag-open. Kahit sa barkada ko, hindi. Alam lang nila about sa papa ko pero buong storya hindi na.
Bakit ang gaan ng loob ko sayo, gynweth?
Gwyneth's POV
Nakatambay kami sa likod ng school kaming anim na babae lang nandito may practice yung mga lalaki dahil varsity sila.
Nung mag-open saakin si kurt ng problema niya, naawa ako sakanya. Ewan ko pero feeling ko kailangan niya ng karamay. Dahil siguro kasi may galit sa puso niya.
Kaya siguro siya womanizer. Pero kahit member siya ng basagulero alam kong may soft side siya.
At oo nga pala, dun sa punishment namin. Wala na yun, nagawan ng paraan ni madam amanda, ipapakuha nalang kami ng test next week. Ewan ko kung anong sinabi niya sa guidance basta pagkita namin binungad niya saakin agad na next week exam namin ni kurt at wala ng punishment.
Pero thankful talaga ako dahil kapag hindi yun kinausap ni amanda lagot ako sa mommy ko. Huhu~
"Uy girl, ano na nga pala status niyo ni bryx? Mukhang nagkakamabutihan na ako eh." Tukso naman nila shaileen kay amanda.
Umirap lang si amanda pero nakangiti. Nahithit neto? "Nanliligaw na siya." Literal kaming napanganga at nandidilat ang mata dahil sa sinabi niya. Akala ko ba hate na hate niya yun? "Actually, siya nga yung future husband ko eh. Hihi" binatukan naman siya ni lyka kaya nagtaka siya. "Aray ha! Para saan yun?"
"Naguguluhan kami ano bang nangyayari talaga?" Nakatingin lang kami sa kaniya kung sakaling magkwento siya. Si sab ayun, nakatutok sa ipad.
Wala pang ilang minuto ng ikwento niya saamin lahat, simula nung magkwentuhan silang magkakapatid, ipinaliwanag sakanya yung dahilan, tapos yung hindi sinasadyang malaman niya agad na engage na sila ni bryx, hanggang sa pag-iisip niya kung anong gagagawin. Nung nag-ayos sila ni bryx, saka yung panliligaw at yung tinanong ulit siya ng papa ni bryx.
Alam namin yung mga regalong natatanggap niya galing kay bryx, akala ko wala lang yun eh. Pero may something na pala.~
Ang manhid ko naman pala.
"Ohmygad! Sabi ko na nga ba mahal kapadin niya. Base sa efforts, salita, at pagtitig niya sayo araw araw."
"Correct!"
"Taray te. Kailan mo sasagutin?"
Tumingin ulit kami sakanya nang nakangiti. "Secret." Nawala agad yung ngiti namin pero siya tumawa lang.
Abnormal to.
Pero panigurado one of this days magpapakasal na sila, ay este magiging sila ulit. Hihi I'm happy for the both of them.
Mabilis lang natapos ang araw sa namin sa hogwards at ngayon uwian na.
Naglalakad ako papuntang sakayan. Wala kasi akong dalang sasakyan saka hindi na ako nagpasundo kay mommy o daddy kasi alam kong busy sila.
Mga kuya ko naman, alam ko busy din sa mga gimik. Saka malapit lang naman bahay namin kaya okay lang.
Nag-aabang ako ng jeep nang may kotseng huminto sa harap ko. Babaliwalain ko na sana kaso binaba niya yung window ng kotse niya. "Sabay kana!"
Yumuko ako para makita ng maayos. At napangiti saka sinagot siya. "Wag na. Okay lang." Aalis na dapat ako pero bumaba siya.
"tara na. Para pambawi ko naman sayo kasi nakinig ka sa kadramahan ng buhay ko." Bahagya kaming natawa sa sinabi niya.
Ilang beses akong tumanggi pero pinilit niya padin ako. At sa huli, nakisabay na ako. Wala naman kaming pinag usapan sa byahe mga tanungan lang ganon.
"May boyfriend ka ba?" Napalingon ako sakanya pero diretso padin tingin niya sa daan.
"Boyfriend? Wala ah. Hahaha hindi uso saakin yun noh. Saka study first." Tumingin siya saakin saglit at ngumiti.Magtatanong pa saan ako pero nakita ko na yung bahay namin. "Uhm, dito nalang." Hininto niya yun sa tapat. "Sige salamat ha? Ingat sa pagdrive. Bye!" Bago ako bumaba hinawakan niya kamay ko para pigilan kaya napatingin ako sakanya.
"Uh, thanks gwen." Nginitian ko siya saka nag wave para magbabye.
Pumasok ako ng bahay. At hala ka te. Ano to? Bat may marathon sa puso ko? Sht
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Novela JuvenilSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...