Amanda's POV
On the way kami ni ate asha sa mall. Dun daw yung pupuntahan namin.
"So.. trix, kamusta naman buhay mo? 2 years ago? Madami akong namiss ha? Hahaha." Sabi niya sakin habang nakatingin padin sa daan. Siya kasi nagdriver.
"Hmm.. better?" Patanong kong sagot, siguro naman gets na niya yun. "Eh ikaw ba, ate? Kamusta buhay abroad? May boyfriend kana ba?" Pang-aasar ko sakanya.
"Hahaha. Nako, trix kilala mo ako. Wala pa akong panahon sa mga ganyang bagay." Sagot niya saakin. Gusto ko sana itanong kung nakapagmove on na siya kay kuya. Sa totoo lang, boto ako sakanilang dalawa eh.
Kaso nasira lang, sa hindi pagkakaintindihan. Hay nako. Mga tao nga naman ngayon.
"We're here!" Excited na sabi ni ate asha. "Let's go, trix. Kanina pa sila naghihintay doon." Napakunoot noo ako sa sinabi niya.
"Sinong sila, ate?" Clueless parin ako ha.
"Basta. Makikita mo later. Kaya tara na." Bumaba na kami ng kotse. At saka hinila niya ako papasok ng mall.
Pumunta kami sa favorite namin resto. Hinahanap ni ate asha yung sinasabi niyang naghihintay saamin.
"Ayon. Tara sissy." Nakangiti niya akong hinila sa table na madaming tao.
Nang makalapit kami, gulat na gulat yung mata ko.
"Ma, dad? Kuya? Anong ginagawa niyo dito?" Takang tanong ko. Tumingin ako sa kabilang side at nakita ko yung family ni ate asha. Si tita tiffany, si tito cliford, si dwayne at syempre si lance nandito din.
"Ano pong meron?" Clueless parin ang mukha ko, paano ba naman kasi. Ngayon nalang ulit kami nagkasamasama tapos ganito pa sitwasyon. Eh alam naman nilang iwas ako sa mga lalaking to. Lalo na kay bryxtone.
"Mabuti pa iha, maupo muna kayo ni asha tapos umorder muna tayo." Nakangiting sagot ni tita tiffany.
Naupo kami at katabi ko sa kanan ko si ate asha at sa kaliwa naman si kuya vince. Wow! At ang katapat ko ay si bryxtone. May galit ba sakin tong mga to? Tss.
Pagtapos umorder, nagdaldalan muna sila mama at tita tif. Syempre si dad at si tito cliford din. Si ate asha hindi ko makausap, may tumawag kasi sakanya friend niya daw taga italy. Nanahimik nalang ako at nagbasa ng wattpad. As if kausapin ko yung mga lalaki. Si dwayne naman baby pa pero ang layo kasi saakin nandun siya katabi mommy niya.
"Natasha, dapat yung engangement party bongga ha?" sabi ni tita tif kay ate asha ng makaupo siya ulit sa tabi ko.
"Oo naman, mom. Ako na bahala sa mga design." Nakangiti niya sinabi.
"Engagement party? Sino ikakasal?" Bulong ko kay ate asha kaya napatingin siya saakin, at alanginin ngumiti. Pero hindi ata bulong ang nagawa ko dahil si tita tif yung sumagot at ikinagulat ko ang sagot niya.
"Ikaw, trix." Nakangiti pa niyang sagot.
"Ako?" Takang tanong at nakakunot noo ko silang tinignan.
"Ah... oo baby. Ikaw.." alanganin pang sagot ni mama. Teka.. ako? Paanong ako?
"Ma? Ako talaga? Paanong ako? Kanino? Kailan?" Nakakunot noo ko padin sabi at clueless padin talaga ako. Bakit hindi ko alam to?
"Kay..ka-kay.. bryxtone, baby." Sagot ni mama.
Seriously? Ako? Ibebenta ng sarili kong magulang sa taong kaharap ko ngayon?! What the hell!!!
"What?! Ma! Ang bata bata pa namin. Ano bang nangyayari sainyo?!" Napatayu na ako sa desisyon nilang hindi ko naman alam at kung sinabi nila agad hindi din ako papayag. Hello, of all people si bryxtone pa?
"Anak, please calm down. Wala na tayong magagawa. Sila daddy at tito cliford mo na ang nag-ayos niyan. Saka, alam mo namang lubog na sa utang ang business ng daddy mo diba? At sila tito cliford mo lang makakatulong saatin." Sagot saakin ni mama.
Kailangan ko muna mag-isa. "Excuse lang po." Umalis ako dun at pumunta sa labas ng resto, naupo ako sa bleachers malapit sa foutain. Alam kong lubog sa utang ang business nila daddy. Pero bakit ganon? Ang hirap tanggapin. Bakit siya pa? Tss.
habang nag-iisip ako ng malalim, hindi ko namalayan na may umupo na sa tabi ko. "alam ko hindi mo tanggap yung naging desisyon nila. Sorry ha? Wala man lang akong magawa para sa pamilya natin." Huminga siya ng malalim saka nagsalita ulit. "Dapat ako yung nahihirapan ngayon, dapat ako yung nag-iisip ng mga iniisip mo ngayon. Dapat ako yung may prinoproblema at hindi ikaw. Napakawala kong kwentang kapatid.. siguro pati anak nadin." Ngumisi siya at yumuko.
Tumingin ako sakanya, at tumingin ulit sa unahan. "Hindi naman sa wala kang kwenta, kuya vince. Ayaw mo lang gawin yung dapat na tama. Ayaw mo lang humarap sa totoong nangyayari. Lagi mo kasing tinatakasan. Subukan mong gumising, tapos kapag gising kana, hindi mo na masasabihan ang sarili mong walang kwenta." Napabuntong hininga siya. Ilang minuto kaming nakatahimik pero binasag niya rin yun.
"Dapat ako ang ipapakasal kay natasha, kaso sabi ni daddy baka wala na daw akong pag-asa. Kahit yung apat. Kilala mo kami, hindi kami kasing seryoso kagaya mo. Kaya pasensya kana saamin, kasi ikaw pa tong ipapakasal. Sa ayaw mo pang tao. Ikaw nalang daw kasi ang pag-asa sa pamilya natin. Kaya sana, amanda. Pumayag kana, isipin mo nalang sa bussiness ang gagawin mo. Alam kong ayaw mong nakikitang nahihirapan sila mama. Kaya sana magbago pa isip mo." Tumingin ako kay kuya at nakatingin din siya saakin ng diretso. "Tara na sa parking."
Aya niya saakin. "Paano sila tita tif?" Tanong ko kay kuya. Baka magalit yun, nilayasan ko sila tapos aalis na kami agad?
"Nauna na sila. Wag kang mag-alala hindi naman sila galit. Naiintindihan nila yung side mo. Bibigyan ka nalang daw nila ng time. Tara na." Nakahinga naman ako sa sinabi ni kuya. Saka niya ako hinila sa parking.
Pagdating namin parking naabutan namin sila kuya nakasandal sa kotse, kasabay ko lang sila kuya. Sila mama naman saka si daddy may dalang kotse.
Inabot ni kuya vince yung susi kay kuya tristan. Saka sila nagsisakay lahat. Pasakay na dapat ako pero may sinabi pa si kuya vince.
"Sana makapag-isip kana, princess." Ngumiti siya saakin tapos may binulong. Hindi ko narinig kasi binulong nga lang niya saka siya sumakay sa passenger seat. At saka sumakay nadin ako dito sa likod.
Hindi ko alam kung ano ba talaga magiging desisyon ko.
Huminga ako ng malalim saka sumandal at pumikit. Tsaka ko na iisipin yun, dagdag stress eh.
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Novela JuvenilSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...