Gwyneth's POV
Nasa classroom kaming lahat na section newton. Periodical exam na kaya puyat ako ngayon.
Eto na kasi yung test na sobrang pigaan ng utak. Hays. Math, science at saka mapeh.
Mapeh? Siguro madali para sa iba pero saamin hindi. Ni wala ngang tinuturo yun eh. Pasalamat siya hindi niya student si amanda sa time niya.
Player kasi si amanda ng tkd. Ang galing nga niya eh, black belt na siya. Sabi niya kasi saakin, nung bata palang siya nag-aral din siya sa japan at dun siya natutong mag tkd.
Naghihintay lang kami sa teacher na magbabantay saamin. Wala pa si amanda, siguro na-late ng gising. Kahit si bryx wala pa.
Hindi na nga masyadong nagkekwento yung babaeng yun eh. Humanda siya mamaya kapag break time.
"mga classmate! Share your answer mamaya ha? Kapag may nagdamot magkakapigsa sa noo." Sabi ni ethan, natinawanan ng mga kaklase ko.
Tsk. Hindi ba sila nagsireview? Ang layo talaga ni amanda sa mga kapatid niya. Pero minsan may sapak din sa utak yun kapag nasa mood.
Maya maya dumating si amanda kasama si bryx. Ow, I smell something fishy. Pakiramdam ko, may kailangan talaga kaming malaman. Nako amanda humanda ka mamaya totorturin ka namin.
Umupo sila sa bandang likod. Malapit lapit lang din saakin. Bakit ba ayaw nilang maupo sa likoran ko? Sino pa bang wala dito?
Inilibot ko ang mata ko para i-check kung sino pa kulang.
Ah! Alam ko na, si kurt. Palagi namang late yun eh. Siguro may bagong laruan na naman.
Nako, mga lalaki nga naman. Bakit hindi nalang nila unahin ang pag-aaral. Jusme
Mga 15 mins nang dumating yung teacher. Wala padin si kurt, hindi ba yun mag eexam? Last test na to tapos mahirap pa. Aish, bakit ba ang concern ko dun? Tsk.
Mga kalahating oras kaming nagsasagot sa first test namin ngayong araw. Nang may kumatok sa pinto. Kaya lahat ng atensyon namin napunta dun. Binuksan yun ng teacher saka kinausap.
"Oh, late ka na naman Mr. Sy. Alam mo ba kung anong oras ng exam niyo ngayon?" Si kurt pala. Kahit kailan talaga tong taong to kung pumasok kalahating oras nang subject namin.
"Sorry ma'am. May sumakit lang po saakin." Hindi rin nagtagal pinapasok na siya saka binigyan ng test questioner.
Tumingin siya sa paligid malamang naghahanap ng mauupuan. Nung makita niyang vacant seat sa likod ko nagpunta agad siya dun.
"Anong masakit sayo, pre?" Tanong sakanya ng isa sa gang nila. Hindi ako nagkakamali si marky yun.
"Ulo. May hangover eh."
"Tss. Nag inom na naman alam mo namang may exam. Pero bat di ka nag-aya?"
"Gago. Magtigil nga kayo!"
Bago pa sila mahuli, at kunin yung test paper nila nagsitigil na sila. Buti naman at makakasagot na ako ng matino.
Pero akala ko lang pala yun, dahil may kumalbit saakin galing sa likod. Nilingon ko siya at saka nagtanong. "Oh?"
"Pakopya." Wow kapal ng mukha netong lalaking to.
"Pagtapos mong maglasing kokopya kalang?" Taas kilay kong sabi sakanya.
"Hindi kasi ako nakapagreview eh." Kung makasalita to akala mo naman close na close kami. Excuse me, ayokong makipagkaibigan sa mga babaero.
"Aba, kasalanan ko bang hindi ka nagreview? At inuna mo yung pag-inom. Bahala ka sa buhay mo!" Inirapan ko siya saka humarap ulit sa unahan. Nagtuloy ako sa pagsagot at ang akala ko na naman peaceful na. Hindi parin pala.
"Uy, gwen. Dali na."
"Manahimik ka. Ayoko sabi. Intindihin mong mabuti yan!"
"Sige ka. Ikaw sisisihin ko kapag bumagsak ako."
"Kapal talaga ng mukha mo noh? Anong kinalaman ko sa pagbagsak mo? Kasalanan mo yan kasi hindi ka nagreview!"
"Eh hindi ko nga kasi naga-" naputol ang pag-uusap namin ni kurt ng may nag "ehem" sa bandang unahan ko.
nilingon ko yun dahan dahan, at muntikan nang lumabas yung puso ko sa sobrang kaba.
Lagot.
"Talking while answering, huh? Siguro naman Mr. Sy and Ms. Dela fuente, na-inform kayo sa rule tuwing kumukuha ng exam ang mga student?" Nakatungo lang ako saka tumango sa tanong niya.
"Sorry to say, pero kailangan niyong lumabas ng classroom nato. Exemted kayo sa mga test ngayong araw. Pumunta kayo sa guidance at dun niyo malalaman ang parusa niyo bago kayo kumuha ng exam ulit." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni ma'am huhu hindi pwede lagot ako sa mommy at daddy ko!
"But, in 3 hours pa kayo makakapunta ng guidance dahil mamaya pa ang pasok ni Mrs. Garcia." Kinuha na niya yung paper namin ni kurt.
"But ma'am-"
"No but's Ms. Dela fuente, sinusunod lang ang rule." Tumalilod siya at nagpunta ng teacher's table. Tumingin ako sa likod para humingi ng tulong sa mga kaibiga ko lalo na kay amanda.
Pero binigyan niya ako ng i don't know what she's talking about, just go with the flaw look. Grabe, bait ng mga kaibigan ko.
Pagtapos ko silang tignan tumingin ako sa lalaking kagagawan ang lahat! Pero mas lalo akong nainis ng makita ko siyang nakangisi. Bago ko pa siya magbugbog ng tuluyan. Nagsalita na naman yung teacher namin.
"Mr. Sy and Ms. Dela fuente, you may go." Nag-iinit ang ulo ko kaya padabog akong lumabas sa classroom.
Arrgghh! Panira ng araw, pwe!
Nakarating ako sa field, walang tao dahil nag eexam lahat. Umupo ako sa bleachers.
Kasalanan talaga ng unggoy na yun lahat ng to eh! Bakit ba kasi ayun nalang yung vacant seat. Mas mabuti palang hindi nalang siya pumasok para walang exam. Pero pisti! Pati ako nadamay!
Nakakairita! Di ko na didikitan yung bakulaw na yun!
"Hindi naman halatang inis na inis ka."
"Ay bakulaw!" Napatayo ako sa gulat ng may biglang mas salita sa gilid ko. At mas lalo akong nainis ng makita ulit yung pagmumukha niya! Bakit ba lapit ng lapit to?
"Sinong bakulaw?"
"Ikaw."
"Grabe ka. Sa gwapo kong to."
"Hindi ka lang makapal ang mukha, mayabang at mahangin din." Irap ko sakanya. At kinuha ang gamit ko. Lilipat na lang ako ng mauupuan. Letse tong lalaking to.
Pero bago ko makuha yung bag ko hinila niya yun. "Problema mo ba? Pwede ba, kung maaari ayokong makita ka. Dahil panira ka ng araw. Kaya pwede? Bitawan mo na bag ko."
Hindi siya sumagot pero nakatingin lang siya saakin. Lalong kumunot noo ko saka pinipilit kunin yung bag ko sakanya. "Bitaw na sabi!" Hinahampas ko na yung kamay niya pero hindi padin siya bumibitaw. Nakailang hila na ako pero ang lakas niya.
"Ano ba! Gusto ko ng tahimik na lugar! Kaya bitawan mo na yan!"
"Samahan mo muna ako dito." Napahinto ako sa paghila ng bag ko saka ko siya tingnan. Sa tingin niya ngayon, parang may dinadama siya.
"Kailangan ko lang ng kasama." Hindi ko alam pero unti unti akong bumitaw sa bag ko saka umupo sa tabi niya.
Sa tingin ko sa mata niya kanina, ang lungkot. Parang may pinagdadaanan siya.
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Teen FictionSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...