Bryxtone's POV
hindi ko alam kung paano ba ako magsisimula. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong iakto sa harapan niya ngayon..
Eto na yung pinakahihintay ko after 2 years pero bakit bigla atang nawala yung lakas ng loob ko? Parang umurong lahat simula nung magkaharap ulit kami.
Yung babaeng mahal na mahal ko kahit lumipas na yung dalawang taon. Siya padin yung nilalaman ng puso't isip ko.
Alam ko sobrang laki ng galit niya saakin.. saamin. Pati tuloy mga kuya niya nadamay. May rason naman ako kung bakit yun nangyari pero nadala siya ng galit at sakit.
Hindi ko naman siya masisisi, siguro kung ako man yung nasa posisyon niya noon ganon din magiging reaksyon ko.
Pero masaya na ako ngayon kahit sa malayo lang makita ko siya. Ako naman nagpumilit sa tropa para pumunta dito eh.
Baka sakali, baka sakali this time pakinggan niya na ako. Hindi man ngayon sigurado ako sa tamang panahon... magiging akin ka ulit beatrix.
"Bryx, hindi ka pa ba papasok?" Tanong saakin ni kurt.
"Maya maya. Maaga pa eh." Sagot ko habang nakatingin sa cellphone ko. Ang ganda kasi ni bea.
"Ge. Una na ako." Sagot niya sabay alis. Langya sisipag na ata ng mga tropa ko ngayon? Sabagay. Siguro gusto na talaga nilang magsipagtapos ng pag aaral.
Ako nga pala si Bryxtone Lance Smith, 16 years of age. Nakatira sa seoul, south korea. Pero dahil sa babaeng mahal na mahal ko kaya ako nandito. Sinundan ko siya kahit alam kong wala na siyang pakialam saakin.
Gusto ko lang ulit mapatunayan sakanya na hindi ko siya niloko at sinaktan. Gagawin ko ang lahat makapag explain lang ako sakanya. Hindi kita susukuan beatrix. Handa akong gawin lahat para lang sayo...
Nag-ayos na ako para makapasok. Pumunta ako sa classroom at pagdating ko dun lahat sila nagrarambulan. Akala mo nasa palengke ako. Umupo ako sa tabi ni troy. Tinignan ko yung paligid, wala pa sila sab at bea. Sinuot ko yung headphone ko sa tenga ko saka sumandal at pumikit. Kahit naka headphone dinig ko yung ingay.
Maya maya nakaramdam ako ng katahimikan, akala ko nanjan na yung teacher kaya inalis ko agad yung headphone. Pagkatingin ko sa pinto. Si bea pala. Nakatayu siya don at nakapameywang.
Umirap siya at dumiretso na lang sa upuan niya. Nakatingin lang ako sakanya. Galing napatahimik niya yung klase. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ako makapaniwala. Lalo siyang gumaganda, nakakaya na niyang makihalubilo sa mga tao, nagagawa na niya lahat di katulad dati. Ibang iba na siya.
"Uy, matunaw yung kapatid ko." Tapik ni bryan saakin. Katabi ko na pala siya.
"Kelan mo ba balak sabihin?" Tanong niya.
"Humahanap ako ng tyempo." Sagot ko. "Baka kakahanap mo, mawalan ka ng pwesto." Sagot niya pero di ko na lang pinansin. Sakto dumating yung teacher.Pagkatapos ng klase, pumunta kami sa tambayan namin. Ilang taon ko na kasama ang tropa. At alam nila kung gaano ko kamahal si bea.
Si troy sta. Rosa ang basagulerong yelo. Kapag kasama mo yan para ka lang may kasamang hangin na malamig.
Si kurt sy ang basagulerong womanizer. Halos magkapareha sila ni nathan. Matinik sa chicks.
Si ry lee ang basagulerong misteryoso. Parehas sila ni tristan. Kaya nga naging magbestfriend yang dalawang yan eh.
Si cyrus chen ang basagulerong mahilig mag rap. Walang ibang ginawa kundi gumawa ng sarili niyang rap.
Si karl mendez ang basagulerong antukin. Gawin mo na lahat wag lang ang gising siya.
Si jericho lim ang basagulerong goodboy. Sa lahat saamin, siya ang pinakamabait. Pero pagnagalit yan ibang iba.
Si seven romero ang basagulerong bulol. Lahat na ng letters ipabigkas mo jan wag lang daw ang 's'.
Si marky jung ang basagulerong kabayo. Kapag maglalaro kami ng pabilisang tumakbo nung bata kami siya palagi ang panalo.
Si jd mendoza ang basagulerong lolo kapag wala si vince siya ang gagabay saamin.
At ako? Ang basagulerong leader. Ako ang pinili nila maging leader dahil daw sanay na sanay ako. Oo sanay ako, noon kasi puro talaga rebelde ang alam ko. Muntikan pa nga ako madelay sa pag-aaral pero dahil kay bea nagbago ang lahat.
Naging matino ako dahil sakanya. Pero nung mawala siya. Bumalik sa dati ang lahat. Nabuhay ulit ang grupo namin, pero hindi ko na pinabayan ang pag-aaral ko. Para sakanya, para may mapatunayan ako. Para kay bea...
~~~~~~~~
Nasa taas po yung picture ng the gang ang mga nagwagwapuhang basagulero. Hahaha.
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Novela JuvenilSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...