Chapter 27

9 0 0
                                    

Amanda's POV

Nasa office ako ng school ngayon dahil may kailangan akong pirmahan na mga importante.

Saka iniisip ko nadin yung about sa foundation ng hogwards.

Isa pa, sweldo ng mga teacher's ngayon. Dahil 3weeks nalang christmas break na.

Si melody, hindi na makakapasok sa school ko. Dahil mas hinigpitan ko ang pagbabantay. Once na magpumilit siya, hello hell na siya. *smirks* buti nga nanahimik ng ilang araw eh. Naghanap siguro ng hininga.

Pagtapos ng foundation, konting araw christmas party nadin. Oh diba, chill ang mga stupidents.

Pinapunta ko dito ang idiot's para tulungan ako. Aba syempre, hindi lang dapat ako ang ma-stress kakaisip sa foundation noh. Dapat sila din, dito sila nag-aral eh.

5days before foundation, then 3days before ng laban nila bryx at ng team nila. Kaya hindi rin siya makakatulong saakin kahit gustuhin niya.

Syempre dapat kong intindihin dahil pangalan ng school ko ang dala nila. Pero malamang, magchecheer din ako sa oras ng laban.

Ako pa ba? Sus, supportive girlfriend and soon-to-be Mrs. Smith ata to!

*tok tok// doors open*

"Anong ganap natin, girl?"
"Hindi na ba kaya ng utak mo at kailangan mo pa kami?"
"Sabi ko naman sayo, pwede magsearch."

Pagpasok nila ayan agad bungad saakin saka sila nagsiupo sa upuan na akala mo sarili nilang bahay.

"Nasa office kayo ng school ko at wala sa mga bahay niyo. Kung makataas pa kayo ng paa! At kaya kayo nandito para tulungan ako, hindi para mag chill lang jan! At dapat pag stress ako, dapat stress din kayo! Lumapit nga kayo dito! Magtatrabaho tayo hindi magrerelax!" Sabay sabay silang napakamot sa ulo nila saka lumapit saakin.

"Ano ba yun? Pwede ka naman magchill, trix. May dalaw kaba ngayon?" Tanong saakin ni lyka.

Inirapan ko nalang siya saka tinignan ang papel na nakakalat sa lamesa ko.

"Seriously? Akala ko ba mag-iisip tayo? Bakit may papel?" Sabi ni lyka ng makita niya yung papel na nakakalat sa lamesa ko.

"Duh. Uso mag basa, beshie." Irap at pagtataray sakanya ni shaileen.

Inayos ko ng mabuti ang mga papel sa tinabi sa gilid.

"Don't mind the papers. So ano? Paano ang set ng foundation? May horror booth paba?" Panimula ko sakanila.

"Ay gusto ko yan!" Isa isa silang nagsuggest ng mga booth.

Si lyka sa horror booth. Since siya ang mas may kayang humarap sa mga mumu.

Si shaileen sa merriage booth. Pero lalagyan daw niya ng thrill yun para hindi gaanong boring.

Si alliah sa mga rides. Sasabihan niya daw dad niya para sa mga gagamiting pang rides.

Si gwyneth naman sa photobooth, since mahilig siya magpicture.

At si sabrina sa pagkain. Hindi kasi nagbubukas ang cafeteria tuwing foundation, kaya magtatayo siya ng mini store, syempre hati kami dun para mas malaki.

At kung hindi ko sila sinabihan, ako lahat gagastos niyan. Pero ayoko naman nun, hindi sa kuripot. Gusto ko lang mag-ipon. At ayoko din kuhanan ng pera ang hogwards. Iipunin ko yun syempre.

Bryxtone's POV

Kakatapos lang ng practice namin para sa laban. Dumiretso kami ng team sa parking.

Dito ko nadin hihintayin si trix. Tutal nasa office lang naman siya eh.

"Mga pre una na kami ha?"
"Sige, ingat kayo. Magpahinga na kayo ha? Wag unahin ang kalokahan dahil malapit na laban. Kailangan ng more energy!" Nag nod sila kay tristan saka sumaludo.

"Ikaw na ba maghahatid kay trix?" Tumingin saakin si vince saka ako tumango.

"Una na kami. Iuwi mo agad ha? Baka kung san mo pa dalhin at baka kung ano pa gawin niyo at maaga kaming maging tito niyan." Pang-aasar saakin ni nate.

"Gago! Gaya mo ko sayo!" Nagtawanan kami saka ko siya sinuntok pabiro sa braso.

Mayamaya umalis nadin sila. Akala ko mag-isa nalang ako pero nandito pa pala si troy.

"Akala ko sumabay kana sa mga ugok?" Tanong ko sakanya. Saka ako tumabi sakanya na nakasandal sa kotse niya.

"May hinihintay lang." Tipid niyang sagot. Kahit kailan talaga to.

"Sino naman? Chicks ba pre? First time mo atang may inintay ha!" Sinikosiko ko pa siya at inasar. Napapangisi nalang siya sa ginagawa ko.

Maya maya dumating na si trix.

Lumapit siya saakin saka ako hinalikan sa pisngi."Hi, mickey ko! Naghintay kaba ng matagal? Sorry ha. Alam mo naman idiot's mga kasama ko. Walang katapusang kwentuhan."

Pinisil ko pisngi niya saka bahagyang tumawa. "Ano kaba ayos lang. Basta alam kong ikaw ang hinihintay ko. Kahit gaano katagal." Ngumiti naman siya saka yumakap saakin.

"Ehem." Pagpaparamdam saamin ni troy.

"Uy, troy. Anjan kapala? Hahaha. Ano pang ginagawa mo dito? Bat hindi kapa umuuwi?" Sasagot palang sana si troy pero may tumawag na sakanya.

"Troy!! Sorry! Kanina kapa ba? Napahaba kasi kwentuhan nami- uy, trix at bryx. Nanjan pala kayo... hehe.. hi?" Alanganin siyang ngumiti saka kinaway kamay niya.

Natawa si trix sa reaksyon ng kaibigan niya. "Hahaha ayos kalang, beshie? Bakit parang naiilangan at nagulat kang makita kami? Halata kay trix na hinuhuli niya kaibigan niya.

"Ikaw troy ha. Si alliah pala yung hinihintay mo? Nice pre. Umiibig kana." Natawa kami pareho ni trix sa panunukso sa dalawa.

Namumula na tenga nila hahaha.

"Wait nga.. are you dating ba?" Nanlaki bigla mata nila sabay iling.

"Eh bakit kayo naghihintayan?" Tanong ko naman.

"Porke naghihintayan nagdadate na? Ewan ko sainyong dalawa!" Nag walkout si alliah saka pumasok sa kotse ni troy.

Sabay kami ni trix tumingin kay troy at parang alam na niya yung sinasabi ng tingin namin.

Huminga siya ng malalim bago magsalita. "I'm courting her. Pero hindi niya pa alam." Nakunot noo namin at magtatanong na sana si trix pero nauna na si troy. "Please, don't tell her. Naghahanap ako ng tyempo. Alam niyo naman priorities ni alliah diba?" Tumango ako pero hindi talaga napigilan ni trix ang magsalita.

"Bakit hindi mo nalang sabihin ngayon? Pasuspense kadin! Bahala ka pag ikaw naunahan. Hay nako troy! Pero sige we will support you! Tara na mickey ko. Iuwi mo na si alliah, troy. SA BAHAY NILA! Pagabi na oh, sige, yari ka sa dad niyan!" Binelatan niya si troy saka nagwave na natatawang pumasok sa kotse ko.

Tinapik ko si troy sa balikat. "Goodluck, pre." Saka ko siya iniwan.

Ano yun, bryx? Goodluck? Anong advice yun? Nako naman. Tsktsk

Cute ka lang pero hindi ka magaling sa mga ganyang advice. Hays.

Arrange Merriage (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon