Amanda's POV
nag-unat unat ako bago lumabas ng kwarto. Paggising ko kasi, wala na akong katabi. Ang aga nila magsigising ah. Ako pa ata yung may hangover ngayon?
Paglabas ko ng kwarto, nakita ko yung kambal na pabalik balik, parang hindi mapakali.
"Uy, anong nangyayari sainyo?" Tanong ko sakanila kaya napahinto sila. Mukha pa silang nagulat pero tumalon naman bigla at parang tuwang tuwa.
"Ate kasi! May pogi tayong bisita! Kilala ata yun nila kuya vince kasi kung mag-usap akala mo magkakilala na noon pa."
"Oo nga ate, ang cute niya. Sarap pisilin ng pisngi. Hihi" napakunot noo ako, at saka sila hinampas sa braso pero pabiro lang.
"Kayong dalawa talaga. Asan ba yung bisita?" Tanong ko, kaya mas napabungisngis sila.
"Ikaw ate ha. Diba may boyfriend kana? Hahaha. Nandun sila sa dinning." Napatango nalang ako sa sinabi niya, saka umupo sa sala. Balak ko sanang mag almusan kaso may bisita pala, mamaya nalang.
"Trix, gising kana pala. Ang pogi nun ha? Ang bait pa." Nakangiting sabi saakin ni ate maezel.
Ano daw?
Napakunot noo ako sa sinasabi niya. "Sino ate? Anong sinasabi mo? Lasing kadin?" Natawa siya ng malakas. Kaya yung mga tao sa dinning nagsipunta rito.
"Anong meron?"
"Kayo ha. Nagsosolo kayo. Bakit kayo tumatawa?"
"Share niyo naman yan!"Napalingon ako sakanila at parang dumami mga kuya ko. Tinignan ko sila isa isa, at nang magtama tingin namin nanlaki mata ko. "Good morning, my princess" nag-ayie naman ang kambal tapos kiniliti ako sa tagiliran ni ate maezel.
"Ba-bakit ang aga mo? Sa-sabi ni kuya tanghalian pa." Naiilang kong sabi dahil kinikilig ako. Enebe!!!
"Maaga pa ba yung 12pm sayo, amanda?" Singit naman ni kuya tristan. 12pm? Hala! Napatingin ako sa relo kaya nagulat ako. Tanghalian na pala! "Ikaw ata yung nakainom saamin kagabi." At dahil dun nagsitawanan sila.
"Ewan ko sainyo. Kain na nga tayo." Dumiretso ako sa dinning at nilagpasan sila. Naramdaman ko namang sumunod saakin si bryx.
"Trix.." nilingon ko siya at may hawak na siyang bulaklak at piggy teddy bear. "Para sayo oh." Nakangiti niyang inabot yun, kaya tinanggap ko nang nakangiti din. Enebe teng se bryx. Ay maharot ka trix! Chill.
"Tha-thanks. Kain na tayo?" Tumango siya at saka kami umupo na magkatabi.
Pagtapos kumain, pumunta kaming dalawa sa garden. Umupo kami sa malaking swing at hinawakan niya ang kamay ko, sinandal ko naman yung ulo ko sa balikat niya. "Anong plano mo sa foundation ng hogwards? Sa next month na yun diba? Gusto mo bang tulungan kita?" Umiling ako.
"Hindi na, madali lang naman pag-isipan yun eh. Saka diba may laban ang varsity niyo sa kabilang school? Kailangan mo ng practice at pahinga. Ako nang bahala sa foundation, pwede naman akong tulungan ng mga idiots." Ngumiti ako sakanya. Pinisil niya yung pisngi ko kaya mas lalo akong napangiti.
"Basta. If you need my help, just call my name and I'll be there." Kininditan pa niya ako kaya natawa kaming pareho.
2weeks nang nakalipas ng pumunta at nakilala ng mga pinsan ko si bryx. Wala namang nagbago sa 2weeks na yun. Akala ko tuloy tuloy na, pero hindi talaga mawawalan ng epal sa mundo.
Nasa hallway ako naglalakad papuntang office ng hogwards.
Nang may biglang humarang saakin na pamilyar na babae.
"So, going strong pala kayo ni bryx, huh? Hindi na ba kayo nadala sa nakaraan? Baka mamaya sa sobrang kasayahan mo, bumulagta kana lang bigla." Nakangisi pa siya na halatang nang-aasar.
"Wala kabang magawa sa buhay mo? At pati buhay ng ibang tao, pinagtritripan mo. Ow, baka naman kasi sa sobrang ganda ko, natatabunan kana kaya pati buhay ko gusto mo nang kunin? Ha-ha-ha! Iba talaga kapag maganda noh? Madaming naiinggit. Parang ikaw lang." Nginitian ko siya ng mapang-asar. Yung ngisi niya kanina napalitan ng galit. Umuusok na ilong niya. Mukha siyang unggoy hahaha!
"Tandaan mo to, amanda! Unang naging saakin si bryx! Kaya babawiin ko siya sayo! Mag-uumpisa palang tayo! Hindi kita uurungan!" At pagkasabi niya nun, umalis nalang siya bigla.
Bruha yun, ako dapat nagwawalkout ah. At paano ba yan nakapasok dito? Humanda saakin mamaya yung mga guard.
Ako pa tinakot ng baliw na yun? Okay fine. She want war? Then I'll give her war! Akala ba niya ibibigay ko si bryx sakanya ng ganon lang? Magkamatayan muna! Walang sakanya! AKIN LANG SI BRYX NUNG UNA PALANG. SADYANG EPAL LANG SIYA KAYA FEELING NIYA NAUNA SIYA!
Ako pa kakalabanin ni baliw? Tss. Baka hindi na niya ako kilala? Kung dati hinahayaan ko lang pero ngayon? Si amanda beatrix na half mabait, pure BITCHY na ngayon!
Kahit anong gawin mo, melody. Hindi magiging iyo ang taong mahal ko. Kahit anong gawin mo, lalabanan kita.
Ganyan ang bitch. Hindi papatalo! Ganyan na si amanda nagyon. Hindi basta basta papatalo.
BINABASA MO ANG
Arrange Merriage (On Going)
Novela JuvenilSi amanda beatrix na nasaktan sa nakaraan. At nagpakalayo layo. Pero sa isang iglap, ang mga nanakit sakanya ang lumalapit sakanya. Paano kaya kung bumalik si bryxtone dahil sa isang rason? Paano kung magkita sila bumalik lahat ng nararamdaman niya...